Búhay na Pinagdaanan ni Juan Tamad na Anac ni Fabio at ni Sofia by Anonymous


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 28

Naala-ala co at nagunamgunam
nangyari sa atin niyong isang arao,
cami,i, nag daraan na mag caibigan
sa tapat n~g torre icao,i, nanunun~gao.

Natin~gala quita,t, nagpanamang titig
sa iyo ay aco,i, comindat n~gomibit,
humalachac icao tumauang malabis
siyang naguing dahil mulang pagbubuntis.

Sa iyong sinabi esposo cong sint�
cung aquing lihimin husto ang prueba,
sintang esposa co houag cang mag duda
talagang totoo aquing ibinady�.

Calooban ito,t, pacan� nang Dios
na bigay sa iyo planeta mo,t, signos,
houag mamamangha ang puso mo,t, loob
dagdagan ang iyong pagtauag sa Dios.

Ano,i, sa matanto niya,t, maalaman
sa dalauang bata daang pinagmulan,
escrupulong dala sa loob naparam
man~ga an�c niya,i, lalo nang minahal.

Nang quinabucasa,i, niyong maumaga
napasa dun~gauan si Do�a Leonila,
at pinagmamasdan ang man~ga maceta
caparis nang jardin niya sa Espa�a.

Malaquing totoong dalang catouaan
alin mang bintana na canyang dun~gauan,
ay jardineria,t, sari-saring bagay
nan~ga mamacetas sady�ng caban~guhan.

Ipagparito co sa haring monarca
bunying si D. Feliz am� niyang sinta,
isang arao n~gani nanunun~gao siya
sa real palacio loob ay nagtac�.

Natanauan niya,t, tinamaang titig
na sa cabunduca,i, may nacadudulit,
ang casi,t, esposa na si reina In�s
tinauagan niya,t, ganito ang sulit.

Tingnan mo,t, pagmasdan yaong cabunducan
na may nag niningning at quiquirao quirao,
nang una ay uala na capara niyan
cun tamaang sinag ay di matitigan.

Ang uica n~g reina sa haring esposo
diua,i, yaon yata bund�c nang Cantabro,
ay di baga roon ipinatapon mo
sa bund�c na yaon ang an�c tang lilo.

Ang sag�t ay o� nang haring monarca
ang mabuti caya ay ipavisita,
pinagcaisahan nilang mag-asaua
nang oras ding yao,i, nag-utos pagdaca.

Tamauag na siya nang man~ga soldados
at pinaparoon sa Cantabrong bund�c,
cami ay mayroon na napapanood
nanag niningnin~gan ibig na matal�s.

Nagbiglang lumacad ang m~ga soldado
at tinun~go nila bund�c nang Cantabro,
ang pinagtatac-ha,i, naquitang totoo
bahay na malaqu�ng cariquita,i, hust�.

Ang man~ga soldado,i, noong malayo pa
natanauan sila ni Jua,t, princesa,
doon sa bintana,i, di na nal�s sila
at inaantayan ang pagdating nila.

Ano,i, nang dumatal sa canilang bahay
yaong mag-asaua,i, ganito ang saysay,
ano cayang inyong sady�,t, pinapacay
naparito cayo sa amin ay turan.

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Thu 27th Feb 2025, 0:45