Main
- books.jibble.org
My Books
- IRC Hacks
Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare
External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd
|
books.jibble.org
Previous Page
| Next Page
Page 29
Cami,i, inutusan n~g haring monarca
dahil sa natanao sila,i, nagtatac�,
may nag niningnin~gan at caaya-aya
ibig matalastas nila,t, maquilala.
Cun gayo,i, magtul�y cay�ng calahat�n
at pumanhic dini,t, magcasalitaan,
ang tanang soldado,i, nanhic nagtuluyan
pauang nagtataca sa diquit nang bahay.
Cayo pala,i, siya na may bahay nito
na napacariquit ang lagay estado,
bahay ninyong ito,i, nanglalong totoo
doon man sa reino,i, ualang capareho.
Tingnan na n~ga nati,t, bulayin n~g isip
at di masasabi ninomang may bait,
pag ang Dios pala,i, siyang nag-iibig
ligaya sa mundo,i, ipinacacamit.
At cun caya gayon tinuran sa inyo
cayo,i, itinapon caya naririto,
yaong si D. Feliz haring am� ninyo
nag-utos sa amin daig ninyo,t, talo.
Ang sa mag-asauang sag�t na tinuran
cahiman at cami ay itinampulan,
ualang naaalman caming casalanan
ang ganti nang Dios ay caligayahan.
Cami,i, aalis na,t, babalic na muna
sa haring nag-utos sa reinong Espa�a,
� dios ang uica niyong mag-asaua
at sabihin ninyong nagpapacomusta.
Nang sila,i, dumating sa Espa�ang reino
nagpatuloy agad sa real palacio,
ang sa haring tanong sa man~ga soldado
ano ang nangyari n~gayo,i, turan ninyo.
Haring pan~ginoon ang aming naquita
bahay na malaquing cariquita,i, sady�,
tumatahan doo,i, yaong mag-asaua
ni Jua,t, princesang si Do�a Leonila.
Bilin po sa amin nang inyong manugang
saca nang princesang an�c ninyong hirang,
icomusta sila sa man~ga magulang
sila nama,i, hindi nan~gagcacaramdam.
Ang reina,i, nagsabi sa haring monarca
cun pahintulot mo at minamaganda,
mangyaring sulatan man~ga an�c nata
dahil sa soldadong man~ga sabi,t, bady�.
G� nasaganyac na ang puso,t, loob co
ayon sa sinaysay nang man~ga soldado,
cahima,t, mapait at lason sa iyo
padalhan nang sulat an�c nati,t, ap�.
Ang sag�t nang hari �oh casi co,t, sint�!
cun siya mong gusto,i, sang-ayunan quita,
siya ay gumaua nang sulat pagdaca
at capagcayari ay ipinadal�.
Ang napapalaman sa padalang sulat
comusta sa inyo guilio naming an�c,
ang inyong magulang nana sa bagabag
nagtamong guinhaua dahil sa tinangap.
Ang sabi,t, pahayag nang man~ga soldado
bahay ninyo riya,i, sa diquit ay husto,
cami,i, paririyan dadalauin cayo
maquiquipag quita na magulang ninyo.
Sa lacad nang bouan n~gayo,i, icalima
sa icapito,i, cami ay paririyan na
matangap ang sulat canilang mabasa
parang na pa Lan~git silang mag-asaua.
Previous Page
| Next Page
|
|