Búhay na Pinagdaanan ni Juan Tamad na Anac ni Fabio at ni Sofia by Anonymous


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 27

At saca tinauag an�c at asaua
halina na cayo,t, tayo,i, hahapon na,
nang matingnan yaon na handang comida
lalo nang tumangap daquilang ligaya.

Namamanghang lub�s man~ga calooban
ang comidang handa ay napacainam,
man~ga gamit ditong man~ga casangcapan
ay guint� at pilac na nag quiquinan~gan.

Man~ga nagsisilbi pul�s na castila
man~ga dama nama,i, magagandang lubha,
nan~gagsi upo na at cumaing paua
apat na mag-anac na ualang bahala.

At nang macacain ay nagsi pasoc na
sa salas n~g bahay nagpapasial sila,
ang m~ga cuarto,i, pinapasoc nila
minamalas yaong cariquitang sady�.

Si Do�a Leonila,i, ang uinica,i, ito
esposo cong sinta sa itatan�ng co,
houag maglilihim pagtatapatan mo
n~g di alinlan~gan ang puso,t, loob co.

Aco pagca tauo,i, laqu� sa guinhaua
palibhasa,i, hari ang muty� cong am�,
ang ating quinain na handang comida
gayong cagayaca,i, di pa nag quiquita.

Pati itong bahay sa diquit ay sacd�l
na ualang susulit cahit sa reino man,
sa aqui,i, sabihin n~gayo,t, maalaman
ang may ari nito cun sino,t, alin man.

Ang sag�t ni Juan na casi,t, esposo
ang bahay na ito,i, maguiguing canino,
ito,i, ating tunay pinagmulan nito
ay aquing hinin~gi sa in~gat cong bat�.

Comida,i, gayon din ang pinangalin~gan
sa bat� ring in~gat perlas ang cabagay,
at ang bat�ng yao,i, encantadong tunay
anomang hin~gin co,i, agad gaganapan.

Sa man~ga saysay mo na aquing narin~gig
damdam co ay aco,i, parang napa Lan~git,
acala nang tauo,i, ang asauang ibig
ay ualang cuenta,t, nasan~goy nan~gibit.

Pag ang Dios pal� ang may calooban
ay uala sinomang sucat macaalam,
marami at madlang nag uiuicang tunay
catauan co,i, uala na carurumatnan.

N~gayon ay sa aua nang Poong si Cristo
ay na sa ligaya at payapa aco,
sa nangyaring buhay na pinagdanan co
ang cuty� nang tauo ay di mamagcano.

Salamat sa Dios at sa In�ng V�rgen
di na magluluto tayo nang cacanin,
mabuti at iyo na ipinalining
ang casangcapan mo,i, sinabi sa aquin.

Ani Juan Tamad esposa cong hirang
daluang an�c natin ay anong pan~galan,
ibig cong matanto sa iyo,t, maalman
man~ga n~galan nila sa aquin ay turan.

Pan~galan nang isa,i, Antonio de Risa
at ang isa nama,i, Feliz de Carcaja,
matanto ni Juan uica cay Leonila
tunay co n~gang an�c m~ga batang dalua.

Aquing sasabihin esposang sinta co
significang dala m~ga apellido,
ang isa,i, sa taua ipinaglihi mo
isa,i, sa halac-hac dahilang totoo.

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Wed 26th Feb 2025, 21:37