Búhay na Pinagdaanan ni Juan Tamad na Anac ni Fabio at ni Sofia by Anonymous


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 24

Ano cayang aquing igant� sa iyo
sucat maguing p�la na paquinabang mo,
utang na loob co,i, malaquing totoo
nag malasaquit cang parang magulang co.

�Oh in� cong sint�ng pinagcautan~gan!
nag pasupasuso,t, puhunan ay b�hay,
acong an�c ninyong aalis papanao
maanong tanauin muc-ha ay isilay.

Mahal na in� co cahima,t, mapait
at aco ay lason sa puso at dibdib,
cayo po ay di man sa aqui,i, lumapit
tanauin man lamang aco sa pag-alis.

Guilio na in� co cayo ay cahiman
uala sa har�p co ay linuluhuran,
bagaman at lason sa puso ay suby�ng
bendici�n po ninyo aco,i, pabauonan.

Paalam sa iyo �oh Espa�ang reino!
bayang tinubua,t, dito naguing tauo,
ang arao na ito,i, uac�s nang totoo
di na yayapacan nang m~ga pa� co.

Saca nagpatuloy sila,i, lumacad na
apat na mag-anac at soldadong sama,
sa laqui nang galit n~g hari at reina
di man tinanauan tiniis binat�.

Habang lumalacad ang princesang mahal
umiiyac siya,t, luha,i, naagay-ay,
ang dalauang an�c siya,i, lalapitan
uiuicai,i, in� houag pong mamanglao.

Baquin baga cayo,i, umiiyac in�
narito at ating casama si am�,
cayo po ay houag na mag-ala-ala
ang pagtan~gis ninyo nama,i, itahan na.

Di rin tumitiguil nang quinaiiy�c
at di pinapansin ang sabi nang an�c,
ang casi,t, esposo na si Juan Tamad
hindi umiimic sucat nagmamalas.

Ano,i, n~g sapitin bund�c n~g Cantabro
iniuan na roon n~g m~ga soldado,
ang soldadong ito,i, bumal�c sa reino
at doon nagtuloy sa real palacio.

Haring pan~ginoon ay naroroon na
sa Cantabrong bund�c aming iniuan na,
ang sag�t n~g hari ay mabuti anya
cayo naman n~gayon ay magsi-oui na.

Apat na mag-anac siyang sabihin co
nang sila,i, maiuan nang man~ga soldado,
princesa Leonila man~ga mat�,i, puct�
puput�c ang dibdib ang loob ay gul�.

Lumapit si Jua,t, ang uinica niya
esposa cong guilio baquit niniyac ca,
capilas nang dibdib houag manimdim ca
aco ay narito,i, di babayaan ca.

Sinapit tang palad ay di gunamgunam
na magca ganitong pinag-isang tunay,
dilidilihin mo,t, sa dibdib iquintal
capalarang ito,i, Dios ang may bigay.

Samantalahin mo,t, hirap ay tiisin
pagtauag sa Dios sa puso,i, itiim,
cacasihan tayo niya,t, bibihisin
ipagcacaloob ang aua sa atin.

Iyang man~ga luhang nat�c sa mat� mo
ipinanglolom� niyaring catauan co,
sucat na,t, itahan �oh casit, sint� co!
houag cang manimdim ang bahala,i, ac�.

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Wed 26th Feb 2025, 9:56