Búhay na Pinagdaanan ni Juan Tamad na Anac ni Fabio at ni Sofia by Anonymous


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 25

Ang uinica naman n~g dalauang an�c,
tahan na in� po cayo nang pag-iyac,
di pababayaang tayo,i, mapahamac
si am� ang siyang bahala sa lahat.

Man~ga luha ninyong tumulo sa mat�
guilio naming in� lubhang marami na,
alalahanin po caming inyong bun~ga
pagtiisan ninyo hirap na lahat na.

Yaong am� nilang Tamad na si Juan
humanap nang lugar sucat pagpalagy�n,
tatlong mag-iin� doon pinatahan
dito muna cayo,t, sandaling iiuan.

At houag aalis cayo bagang tatl�
at aco,i, hahanap mabuting puesto,
anang dalauang an�c am� po,i, paano
cayo ay aalis saan patutun~go.

N~gayon cami dito ay inyong iiuan
at di na babalic at pababayaan,
paano ang aming man~ga calagayan
mabubuhay caya na sa cabunducan.

Nanglaglag ang luha ni Juan sa mat�
sa tinurang yaon an�c niyang dalua,
cayo ay houag na mag-ala-ala
at di malalauon babalic pagdaca.

Umalis si Jua,t, naparoon lamang
sa hindi na nila siya matatanao,
saca yaong in~gat canyang casangcapan
bat�ng encantado,i, quinuha,t, tinangnan.

At uinica niyang icao aquing bat�
na bigay sa aquin matandang Nuno co,
n~gayon di,i, madaling dito,i, itay� mo
yaong isang bahay sa diquit ay husto.

Sahig at quisame ay salaming lahat
at �bano naman ang cahoy na sangcap,
hagdanan ay puro na lantay na pilac
na macatutoua sa mat�ng mamalas.

Ang dingding ay pauang esmaltadong tunay
n~g m~ga brillanteng sa ningning ay sacdal,
ang salas ay pilac at perlas na lantay
templo ni Salom�n halos pang laluan.

Sa loob nang bahay lagy�n nang pamuti
sari-saring muty� rub�,t, esmiralde,
cortina ay pauang batbat nang brillante
sa mat�ng titin~gin ay macacauili.

Ang bubong nang bahay ay pilac na lantay
cosina,i, gayon din houag cang magculang,
cun tamaang sinag nang init nang arao
ay macadudulit sa mat�ng tatanao.

Paliguid nang bahay ay jardineria
macetas na pauang caligaligaya,
ang sinoma,t, aling tauong macaquita
cun may capanglaua,i, magtamong guinhaua.

Saca sa hagdana,i, iyong patayoin
ang dalauang �song capoua magaling,
aco,t, man~ga an�c at esposang guilio
ay halabin cami dito cun dumating.

Nasunod na paua tanang cahilin~gan
nang oras na yaon na hindi naliban,
si Jua,i, bumalic at quinaon naman
man~ga an�c niya at esposang hirang.

Ano,i, nang maquita nang sintang asaua
at dalauang an�c nagtamong guinhaua,
cami po,i, totoong nag-aala-ala
baca di na muling cayo,i, magbalic pa.

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Wed 26th Feb 2025, 14:06