Búhay na Pinagdaanan ni Juan Tamad na Anac ni Fabio at ni Sofia by Anonymous


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 23

Sa bagay na yao,i, ang haring maran~gal
ang loob at puso,i, hindi mapalagay,
sa tanang grandeza,i, ang uicang tinuran
hindi maaari cundi ang icasal.

Lalo at mahigpit ang sa bandong resa
pilit gaganapin na ualang pag sala,
Tamad na si Juan ay ipinadala
sa real palacio pati nang princesa.

Nang siya,i, mahar�p sa haring maran~gal
si Jua,i, tinan�ng cung anong pan~galan,
gayon din ang bayang iyong tinubuan
sampong magulang mo sa aquin ay turan.

�Oh sacramagestad at pan~ginoon co
sasag�t po aco,t, tinatanong ninyo,
Juan ang n~galan co at hamac na tauo
sa Visadang villa tumubo po aco.

Ang lugar na yao,i, sacop nang Portugal
ang am�,t, in� co,i, doon tumatahan,
Fabio ang am� co isang hamac lamang
in� co,i, Sofia na quinamulatan.

Sa mahal na hari na matanto ito
ipinatauag na Se�or Arzobispo,
n~g oras ding yaon doon sa cabildo
si Jua,t, princesa ay denesposado.

At saca ang hari agad nagpatauag
limangpuong soldado sa cabildong hay�g,
n~gayon di,i, magbigla na cayo,i, lumacad
ipagsama ninyo apat na mag-anac.

Sa Monte Cantabros ay dalhin ninyo
doon sila iua,t, magbalic na cayo,
mag biglang lumacad sundin ang hatol co
nang sila,i, di co na naquiquita rito.

Nang matanto yaon n~g bunying princesa
na silang mag-anac itatapon pal�,
naualan nang isip sampong ala-ala
sa quinalalagya,i, nalugami siya.

Calahating oras na pinag ulapan
nauala ang canyang man~ga caisipan,
sa aua nang Dios at V�rgeng maalam
pinagsaulan din at naliuanagan.

Taghoy nang princesa �oh V�rgen Mar�a!
patnubayi aco,t, iyong ipag-ady�,
sa sentenciang bigay n~g hari cong am�
tinatangap co po cahit ualang sala.

Sa dalauang mat� ang luha,i, nunucal
sa habag na dala nang princesang mahal,
maraual cong palad na quinahinatnan
Dios co po,i, aquin na pagtitiisan.

�Oh torreng tahanan aalis na aco!
�oh catreng hihig�n paalam sa iyo!
hindi na babalic at uac�s na ito
nang cap�s cong palad sa Espa�ang reino.

Paalam �oh balcong aquing panun~gauan!
�Oh sillang loclocan sa iyo,i, paalam!
ito ay uac�s na,t, cayo,i, malilisan
nang saliuang palad sa Espa�ang bayan.

At icao hagdanan paalam sa iyo
acong ualang palad sa Espa�ang reino,
di na tutuntun~gan icao nang pa� co
cundi n~gayon lamang sa pag panaog co.

Sa iyo Ursula aco ay paalam
ang pagsasama ta ito,i, catapus�n,
sa pinagdaanan cong man~ga cahirapan
ay para cang in� na tinataghuyan.

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Wed 26th Feb 2025, 5:17