Main
- books.jibble.org
My Books
- IRC Hacks
Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare
External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd
|
books.jibble.org
Previous Page
| Next Page
Page 20
Tinasahan nila sa canyang pagcain
sampong ala-ala,i, pinaram pinouing,
nauala sa loob toua at pag-guilio
di na alintana anomang marating.
Ano,i, nang sumapit yaong cabouanan
na capan~ganacan nang princesang mahal,
sa aua nang Dios at V�rgeng maalam
nacaraa,i, ualang sacunang anoman.
Cambal nang man~gan�c capoua lalaqui
maganda ang quias pauang mabubuti,
tumauag n~g hilot at ang servidumbre
na casama niya sa arao at gabi.
At siya rin naman ang naquiquialam
buhat nang man~gan�c ang princesang mahal
pagcai,t, lahat nang man~ga cailan~gan
ang criadang yao,i, siyang nagbibigay.
Pan~gala,i, Ursula nang canyang criada
na may cabaita,t, hustong umarregla,
princesa Leonila,i, tumanong sa canya
cun anong mabuti na gauing magand�.
Nan~gun~gusap siya luha,i, naagay-ay
sa dalauang mat� ang camuc-ha,i, cristal,
yamang talastas mo yaring calagayan
maguing in� ca nang dapat pagsabihan.
Ano caya bagang marapat cong gauin
ali,t, sino cayang papapag anaquin,
aco,i, ualang sucat na dapat tanon~gin
hatol mo ang siya na aquing susundin.
Sag�t ni Ursula sa bunying princesa
cun gayon po,i, aco siyang bahala na,
pinaronan niya cabo de la guardia
at nagsabi siyang ganito ang bady�.
Don Federico,i, caya aco naparito,t,
sa inyo Don Andr�s mayroon pong gusto
princesa sa torre inutusan aco
daluang an�c niya,i, hauacan dao ninyo.
Sag�t nang dalaua dito cay Ursula
sabihin mo,i, o� sa bunying princesa,
yaong m~ga bata,i, inyong ipasoc na
doon sa simbaha,t, cami susunod na.
Nasoc na n~ga sila,t, canilang dinatnan
yaong daluang batang aanaquing tunay,
hinauacan nila, at nang masangcapan
nang mahal na padre, ang ulo,i, binusan.
Isa,i, ang pan~gala,i, Antonio de Risa
icalua,i, ang n~gala,i, Feliz de Carcaja,
lumab�s na sila,t, nouing para-para
man~ga bata nama,i, sa torre dinal�.
Loob nang princesang na sa capanglauan
man~ga an�c niya,i, niyong mabinyagan,
naisban nang munti,t, ang uicang tinuran
Ursula ay ano ang man~ga pan~galan.
Pan~ginoong mahal princesa Leonila
ang man~ga pan~galan an�c ninyong dalua,
isa po,i, ang n~gala,i, Antonio de Risa
ang isa po nama,i, Feliz de Carcaja.
Ang dalauang bata,i, capoua maquisig
ang pan~gan~gataua,i, pareho ang tindig,
ang tabas n~g muc-ha ay paris na paris
nag tataglay toua balang macamasid.
Lac�s nang paglaqui nang batang dalaua
parang binubunot ang paghaba nila,
maguing lim�ng ta�n ang edad na dal�
ang loob nang hari totoong balis�.
Previous Page
| Next Page
|
|