Búhay na Pinagdaanan ni Juan Tamad na Anac ni Fabio at ni Sofia by Anonymous


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 21

Ang uica sa reina esposang sinta co
sandaling paquingan ang sasabihin co,
lulan nang loob co,i, cun aayunan mo
paalsin sa torre mag-iinang tatlo.

At di co na ibig na doo,i, matir�
cundi ang gusto co,i, maualay sa mat�,
cun palagui riya,t, aquing naquiquita
ang loob co,i, parang mainit na baga.

�Oh cun dili caya sintang esposa co
aco,i, mag-uutos at mag papabando,
mahal man at mura tungc�l bagong tauo
man~gag siparito sa real palacio.

Bagong tauo lamang mahal man at mura
at yapusan nitong ap� nating dalua,
mamarapatin co na nalang pagsala
ipacacasal co princesa Leonila.

Sintang esposa co icao ay tumug�n
sa aquing sinabi, ano nasang-ayon,
caya n~ga,t, nangyari at magca gumayon
ualang ibang am� cun hindi n~ga yaon.

Reina ay sumag�t cun siy� mong gust�
masam�ng di sundin yao,t, pacan� mo,
cun icao,i, souayin icapopoot mo
at maguiguing sanhi sa puso,t, loob mo.

Pinagcaisahan nilang mag-asaua
ang bagay na ito,t, minagaling nila,
nang quinabucasa,i, nag-utos na siya
at pinabandohan loob nang Espa�a.

Ang resa nang bandong ipinagtatauag
tungc�l bagong tauo mahal man at hamac,
sa real palacio ay man~gag siharap
at may patorneo sa arao nang bucas.

At sa iba,t, ibang caapid na reino
ay ipinag-utos gauin ang bandillo,
gayon din ang resa tungc�l bagong tauo
mahal man at hamac ay mag siparito.

Ganaping madali,t, sa arao nang bucas
sa real palacio ay matipong lahat,
na houag ang hindi man~gag sisiharap
at may patorneo ang haring maril�g.

Nang quinabucasa,i, nan~gag datin~gan na
sa real palacio ay nagcaipon na,
iba,t, ibang reino,i, pauang naroon na
pagsun�d sa hin~gi nang haring monarca.

Nan~gusap ang hari sa har�p nang tanan
unauain ninyo at aquing tuturan,
an�c cong princesa,i, may an�c na cambal
na daluang lalaquing pinacamamahal.

Mura man at mahal tungc�l bagong tauo
at yapus�n nitong aquing daluang ap�,
ay ualang pagsala,t, ipacacasal co
princesa Leonila na muty�ng an�c co.

Daluang ap� niya,i, tinauag pagdaca
pinahalobilo sa tanang grandeza,
sa pagcacapisan nang tauong lahat na
ualang niyapus�n daluang ap� niya.

Nang lumilipas na tauong caramihan
ay siyang pagdating nang magcaibigan,
ni Juan Tamad at saca ni Julian
nag mamalas sila at papasial pasial.

Tinamaang titig niyong man~ga ap�
yumap�s cay Jua,t, uica nila,i, ito,
am� po ang sabi saan galing cayo
baquit n~gayon lamang cayo naparito.

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Tue 25th Feb 2025, 20:32