Búhay na Pinagdaanan ni Juan Tamad na Anac ni Fabio at ni Sofia by Anonymous


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 19

Di muna linin~g�n caming namuhunan
nagcandi candili,t, nag pala palayao,
guinugol ang puyat at malaquing pag�l
saca ang ganti mo,i, laso,t, camatayan.

Acong nag aruga,t, nag pasupasuso
nagtiis nang hirap sapol pagcatauo,
di mo na dinamdam inala-ala mo
puri,i, inin~gatan tiquis cang naglilo.

Macetas ca nami,t, sa mat�ng aliuan
camuc-ha ay rosas sady�ng caban~guhan,
man~ga loob namin at dinadampiohan
anomang sacuna,i lunas ca at cordial.

Saca n~gayo,i, ito ang ganti mo,t, bayad
tubo,t, paquinabang sa pag�l at puyat,
palamara,t, tacsil an�c na dulin~g�s
an�c na souail camp�n ni satan�s.

Ang bunying princesa,i, naluhod pagdaca
na bumabalisbis ang l�ha sa mat�,
mahal na in� co aco,i, natalaga
cabit yar�ng b�hay n~gayon ay quitlin na.

In�,i, pag hinaho,t, sandaling paquin~gan
ang ilang catagang sa inyo,i, tuturan,
marapat n~gang aco,i, inyong paratan~gan
parusa,i, ilagd� at may casalanan.

Mahal na in� co ay signos co yata
at palad na lihis bucod sa capoua,
ualang nasasabi diua ay himal�
n~g Dios na Hari nang Lan~git at lupa.

Unauain ninyo mahal na in� co
pinagmulan nitong pagcacaganito,
noong isang arao nanunun~gao aco
ta�ng may nadaan na dalua catauo.

Natin~gala aco,t, nagpanamang titig
aco,i, tinauana,t, sa aqui,i, n~gumibit,
di co napiguilan natouang masaquit
sa naquitang anyong anaqui bolislis.

Magmul� na noon ay nagca balisa
sa aquing cataua,i, may nababago na,
ito n~ga po in� aquing naguing hanga
ualang uala acong masasabing ib�.

Diua,i, ito,i, signos at planetang linsil
na bigay nang Dios caloob sa aquin,
tinatangap co po,t, aquing titiisin
sampong yaring b�hay ay inihahayin.

Narin~gig na ninyo mahal na in� co
Dios ma,i, sacsihi,i, totoong totoo,
lahat cong casama ay tanon~gin ninyo
cun may masasabi cahiman at sino.

Sa sinabing yaon n~g bunying princesa
ang mahal na hari,t, ang mahal na reina,
hindi umiimic linilining nila
ang man~ga sinaysay nangyari sa canya.

Man~ga dibdib puso nila,i, alinlan~gan
at dili maisip ang pag papacanan,
tumauag sa Dios na sila ay bigy�n
lubos na payapa at caliuanagan.

Ang hari,t, ang reina,i, n~g macapag-isip
gayari ang uica,t, canilang sinamb�t,
sa tahanang ito,i, di cana aalis
layao ay di mo na n~gayon masisilip.

At tuloy umalis nang ma uica ito
tumun~go na sila sa real palacio,
magmul� na noon loob nila,i, gul�
hinayang sa an�c ay di mamagcano.

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Tue 25th Feb 2025, 14:31