Main
- books.jibble.org
My Books
- IRC Hacks
Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare
External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd
|
books.jibble.org
Previous Page
| Next Page
Page 13
Nang ualang maquitang man~ga capulun~gan
ni balitang hugong tungcol sa nacauan,
cun dito,i, may roong tindahang naualan
hindi malilihim pilit maaalman.
Lumagay ang loob umahon na siya
sa Visadang villa tumun~go pagdaca,
ano,i, nang dumating bati ni Sofia
ano ang lacad mo n~gayo,i, magsabi ca.
Ang sag�t ni Fabio esposa cong irog
ang bagay na yao,i, ualin mo sa loob,
lahat nang tindahan ay aquing nalibot
ualang nanaualan houag cang malungcot.
Man~ga calumbayan ni Sofiang sinta
nang matanto yaong sabi nang asaua,
nasaulang muli para nang dati ca
an�c niya lamang siyang ala-ala.
N~gayo,i, sanglingo nang nacaalis dito
di pa bumabalic na guilio na aco,
saan cayang lugar yaon napatun~go
baquin di hanapin sintang asaua co.
Ang sag�t ni Fabio,i, houag cang manimdim
cun hindi narating aquing hahanapin,
di baga,i, nang malis paalam sa atin
mag hahanap b�hay cacainin natin.
Totoo n~ga yaon sangayonan quita
mag hahanap b�hay nang paalam siya,
una,i, ang pag guilio saca ang isa pa
maalman ang bigas cun saan quinuha.
Hindi na natuloy si Fabio,i, naghanap
cagy�t sa darating ang canilang an�c,
nan~gag comustahan saca siniyasat
cun sinong nagdala daluang sacong bigas.
Aco po ang sag�t mahal na in� co
ang siyang nag utos nag padala rito,
at ala-ala co,i, magugutom cayo
pinag hanapan po ang ibinili co.
An�c co,i, cun caya hindi mapalagay
loob co,i, palagui na may gunamgunam,
at hindi mauala pag aalinlan~gan
pinag mulan nito,i, ibig cong maalman.
Diyata,i, cun gayong pinag hanapan mo
malaqui ang toua nang puso,t, loob co,
anong colocacion tanong co sa iyo
ang pinapasucan ay anong trabajo.
In� po,i, bala na na nacacayanan
na iniuupa nang sino,t, alin man,
pinapasucan co,t, macaquita lamang
maiisustento sa man~ga magulang.
Sa iyong tinuran oh buns� cong sinta
tinangap cong toua,i, ualang macapara,
caming nag aruga,i, inaala-ala
cacasihin ca rin nang Dios na Am�.
Aalis na muli,t, ang pag hahanap co
in�,i, matitiguil cun tumahan dito,
pinuntahan niya,i, Portugal ding reino,t,
marami na roon siyang amistado.
Ito,i, sabi lamang sa canyang magulang
na siya ay doo,i, mag hahanap buhay,
bago,i, ualang gaua cung hindi mag pasial
sa man~ga amistad naquiqui paglibang.
Cun caya marami siyang caquilala
dahil sa ugaling ipinaquiquita,
sinomang mag utos sinusunod niya
houag lamang hindi niya nacacaya.
Previous Page
| Next Page
|
|