Búhay na Pinagdaanan ni Juan Tamad na Anac ni Fabio at ni Sofia by Anonymous


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 12

Salamat sa Dios ang uica nang am�
at di man nag aral may sinimpang ciencia,
cahimanauari ay ituto siya
sa capayapaan na toua,t, ligaya.

Sa usapang yaon nang canyang magulang
hindi umiimic cahit caputoc man,
anopa,t, ang puso,i, tumatangap naman
nang galac na toua ayon sa sinaysay.

Ano,i, nang matapos ang canilang pulong
sa am�,t, sa in� ang uica ay gayon,
man~ga loob ninyo,i, houag malingatong
at mag hahanap na mag pamula n~gayon.

Maguing ilang arao siya ay nalis na
reino nang Portugal ang canyang pinunta,
ang nasa nang loob at ticang talaga
balang hanap buhay papasucan niya.

Nang dumating doo,i, di rin nag hahanap
uala siyang gaua cun hindi humicap,
ang pagcain niya ay sa bat�ng in~gat
doon humihin~gi pag dating nang oras.

Sa lugar na ualang sucat macaquita
siya,i, paroroon bato,i, tatangnan na,
saca sasabihing daling mag handa ca
n~g comida,t, aco ay nagugutom na.

At pagcacatapos siya,i, macacain
ang uica sa bat�,i, madaling ligpitin,
inaala ala ay baca malining
nang capoua tauo na sino ma,t, alin.

Nang maguing sanglingo itong nacaraan
pagca tahan niya sa reinong Portugal,
isang hating gabi,i, na catahimican
bat�ng encantado,i, quinuha,t, tinangnan.

At sinabi niyang icao aquing bat�
na bigay sa aquin matandang Nuno co,
daluang sacong bigas sa ami,i, dalhin mo
para cacainin nang am�,t, in� co.

Gayon ang pan~gulam ay iyong samahan
sundin mong madali,t, huag cang magculang,
nang oras na yaon agad naganapan
sinunod nang bat�ng canyang casangcapan.

Ano,i, nang maguising ang am� at in�
daluang sacong bigas naquita pagdaca,
sa guitna nang bahay at may casama pa
na isda at ulam loob ay nag taca.

In�ng si Sofia ay agad namanglao
malaquing totoo dalang gunamgunam,
ang esposong sinta,i, canyang tinauagan
aco ang uinica,i, hindi mapalagay.

Ito,i, saan galing na bigas na ito
taglay cong pangamba,i, malaquing totoo,
baca ito,i, dala nang an�c tang bunso
pinagmulan nito ay ala-ala co.

Ang paquiramdam co cataua,i, malamb�t
hangan di co ito matanto,t, matal�s,
asaua cong sinta sa gusto co,i, sunod
nang di alinlan~gan ang puso co,t, loob.

Icao ay umoui,t, pumasoc sa reino
ang man~ga tindaha,i, pauang libutin mo,
na cun may nangyaring anoman at ano
hindi masasarhan ang bibig nang tauo.

Sa sintang esposa si Fabio,i, sumunod
umoui sa reino at nag libot libot,
siya ma,i, may roon na dala ring tacot
na hindi mauala pan~gamb� nang loob.

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Mon 24th Feb 2025, 16:02