Búhay na Pinagdaanan ni Juan Tamad na Anac ni Fabio at ni Sofia by Anonymous


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 11

Ano,i, n~g dumating maquita nang in�
ang toua nang loob ualang macapara,
salamat ang uica,t, macacacain na
may maiuulam may saqu�t mong am�.

Sa pag mamadali ni Sofia naman
ang casi,t, esposo,i, quinagugutuman,
hindi natatanto,i, ilinutong minsan
ang m~ga bitoo,i, balat ualang laman.

Hinan~go sa palloc niyong maluto na
saca pa naalman~g man~ga balat pala,
ang uica sa an�c ay cun baquin baga
man~ga ualang laman ano,t, nanglimot ca.

Sa dalauang mat� luha,i, bumalisbis
nalumbay ang loob at siya,i, tuman~gis,
boong acala co at lulan nang dibdib
may ma-iuulam ang esposong ibig.

�Ay! baquit ca caya naman nagca gayon
pumulot nang balat na sa tauong tapon,
sa tubiga,i, di ca pal� nag tutuloy
bitoong marami doon naroroon.

Hindi na tumutol sa uica nang in�
nag balic na muli na nag madali na,
tumauid nang ilog at hinanap niya
ang quinalalagyan bitoong lahat na.

Natagpuan niya yaong caramihan
nanglimot na siya,t, lagay na sisidlan,
ano,i, nang mapuno,i, umoui na naman
at ang ala ala in�,i, nag-iintay.

Natoua ang loob nang siya,i, dumating
ang uica,i, ito n~ga bitoong magaling,
linuto pagdaca,t, caniyang inihayin
sa sintang asaua ay ipinacain.

Sa aua nang Dios at V�rgen Mar�a
niyong macacain nag tam�ng guinhaua,
inulit cay Juan niyong canyang in�
baquit sa primero,i, balat ang dinala.

Ang cay Juang Tamad na ipinag turing
in� po,i, di baga yao,i, bitoo rin
di ninyo sinabi at ipinalining
bitoong may lama,i, siya cong cucunin.

Ang uica sa canya,i, icao pala naman
di naquiquilala bitoong may laman,
lumuti,t, may taquip iyong tatandaan
cun icao ay aquing muling pag utusan.

Cayo po ang tacsil ina,t, hindi aco
di liniliuanag cun mag utos cayo,
di dapat sisihin acong an�c ninyo
ualang casalanan at na sasa inyo.

Sa ganitong pulong at pag uusapan
asauang may damdam naquiquinig naman,
nag uica,t, sinabi na may catouiran
esposa cong sinta ang an�c tang iyan.

Sag�t ni Sofia sa casi,t, esposo
sa an�c tang iya,i, nag tataca aco,
di naman marunong at ualang estudio
cun baquit maalam parang abogado.

Tingnan mo esposo,t, aquing sasabihin
nang na sasa pul�ng aquing cacaonin,
sulat na cartilla,i, sinaysay sa aquin
tanang significa ay ipinalining.

Di sucat mamangha ang puso mo,t, loob
sa canitang an�c maalam at tal�s,
pag quinacasihan niyong Poong Dios
daig pa n~ga,t, talo ang nan~gag estudios.

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Fri 10th Jan 2025, 22:06