Búhay na Pinagdaanan ni Juan Tamad na Anac ni Fabio at ni Sofia by Anonymous


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 14

Cun siya,i, pacanin nang alin ma,t, sino
ay hindi cumai,t, ayao na totoo,
uiuicain nila,i, icao ay paano
panag�t na lamang ay bus�g pa aco.

Siya ay mayroong naguing caibigan
na casama sama sa gabi at arao,
saan man paroo,i, di naghihiualay
parang magcapatid ang pagsasamahan.

Caibigang ito,i, taga Babilonia
capoua binatang pareho ang dalua,
caya naroroo,i, lay�s sa canila
ang sabi,t, pahayag tumampo sa am�.

Mana,i, isang arao sila,i, may naranan
na maraming tauo,t, mayroong baysanan,
sila ay pumanhic ibig na matingnan
ang novio at novia na bagong quinasal.

Palibhasa,i, dati at caugalian na
tungc�l casam ento ay mayroong boda,
ang nan~garoroon ay niyaya sila
at pinacacain magcasamang dalua.

N~gala,i, Feliciano niyong caibigan
pagdaca,i, dumul�g na cumain naman,
si Juan ay hindi,t, totoong naayao
siya rao ay bus�g ang sag�t sa tanan.

At nang macacain ay napaalam na
sila,i, nag pupulong sa paglacad nila,
ani Feliciano aco,i, nag tatac�
caibigang Juan cung baquit gayon ca.

Umaga,t, tanghali maguing sa hapunan
di co naquiquita na cumain icao,
icao baga,i, santong ualang cagutuman
sa iyo ay aco,i, nag cacamamanghan.

Caibigang Sanoy aco,i, hindi santo
naguing ugali na capagca bata co,
pagdating nang oras ang guinagaua co
iinom nang tubig ay bus�g na aco.

�Jes�s! ang uinica niyong caibigan
namamaang aco sa iyong tinuran,
�sino caya baga sa mundong ibabao
sa tubig na lamang tauo,i, mabubuhay?

Ang sag�t ni Juan aco n~ga amigo
sa pag inom lamang nabubuhay aco,
magaling pa icao ani Feliciano
ualang cagastahan at daig mo aco.

Bago,i, hindi gayo,t, ang paraan niya
cusang nahiualay sa canyang casama,
at sa bat�ng in~gat niyang encantada
doon humihin~gi nang pagcain niya.

Hahanap nang lugar mabuting tayuan
na uala sinomang sucat macamalay,
at cun matapos na,i, babalic na naman
sa cay Felicianong canyang caibigan.

Ganitong palagui guinagaua niya
hindi natatanto nang canyang casama,
sa laqui nang hili siya ay gumaya
nainom na lamang cung nagugutom na.

Ang quinahinatna,i, siya,i, nagcasaquit
cataua,i, humina,t, naratay sa ban�g,
sa canya ay uala sinomang nalapit
na tumin~gin baga at mag malasaquit.

Sa bahay na canya na tinutuluyan
hindi naman siya pinaquiquialman,
maliban cay Juang canyang caibigan
ang napaparoo,t, siya,i, dinadalao.

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Mon 24th Feb 2025, 22:22