|
Main
- books.jibble.org
My Books
- IRC Hacks
Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare
External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd
|
books.jibble.org
Previous Page
| Next Page
Page 9
Baga man ticang-tica nang loob ni cabezang Andr�s, na paluluasi,t,
paluluasin sa Maynila ang caniyang anac, na si Pr�spero, ay
pinaquingan din ang matouid, at malaman, at mainit na salita ni
Felicitas; at baga man hindi sumagot cay Pili, doon sa _oras_ na yaon,
nang isa mang uica, ay nang quinabucasan niyon, ay naparoon si
cabezang Dales sa Convento, hinanap niya ang aming mahal na Padre
Cura, at doon cumuha nang sanguni.
Ang Cura dito sa amin, niyong panahong yaon, ay baga man castila,
(siya,i, Franciscano na paris nang ma�ga hinalinhan niya, at nang
ma�ga humalili sa caniya), baga man castila, anaquin, ay tagalog na
tagalog cung sa pa�gu�gusap; at palibhasa,i, matagal siyang totoo dito
sa catagaloga,i, naalaman niya ang lahat na ma�ga asal at ugali naming
ma�ga _indio_. Caya nang humarap sa caniya si cabezang Dales, at
ipinahayag sa caniya ang talagang isasanguni sa caniya, ay sinagutan
siya nang aming cagalang-galang na Padre Cura nang isang mahaba at
malinao na sagot, na sasaclauin co dito sa maicsing salitang susunod:
--Mabuting-mabuti ang uica nang Padre Cura, mabuting-mabuti ang
inaacala mo, Andr�s; palibhasa,i, maigui �ga na ang tauo,i, mag-aral
nang mag-aral, hangang macacayanan niya, nang ma�ga bagay-bagay na
carunu�gan, macatutulong sa caniya sa ma�ga iba,t, ibang calagayan
natin dito sa lupa. Caya, naguing cauicaan nang ma�ga pantas na
marurunong, na _ang carunu�gan ay hindi nacabibigat, cundi nacagagaan
nang ma�ga pasan natin dito sa mundo_. Nguni,t, mayroon acong
itatanong sa iyo.
--Cayo p�ng bahala, ang uica ni cabezang Dales.
--Ano caya ang hinaha�gad mo, � hinahabol mo baga sa anac mong si
Pr�spero, dito sa pagpapaluas mo sa caniya sa Maynila?
--Uala, po, acong ibang hinahabol at ninanasa sa aquing anac cundi ang
siya,i, matuto nang caunti sa Maynila.
Ay ano, ang ulit nang Cura, ay ano, di baga siya,i, marunong nang
dasal?
--Marunong, p�.
--Di baga siya,i, marunong bumasa, sumulat at nang manga _cuenta_ pa?
--Aua, p�, nang Pa�ginoon Dios, ay naalaman nang anac co iyang ma�ga
bagay na iyan.
--Di caya maalam si Pr�spero nang _mag-araro_, mag-alaga nang calabao,
ma�gahuy, at nang iba,t, iba pang tungcol sa inyong pagcabuhay, at
nang ucol naman sa ma�ga catungculan nang tauong cristiano?
--Iyan p�ng lahat na iyan ay naalaman din ni Proper.
--Cung ganoon, ang uica nang Cura, cung ganoon; ano pa ang hinahabol
mo, � hinahanap mo cay Pr�spero?
--Ang ibig co, p� lamang, Amo, ang uica ni Dales, ay ang mag-aral si
Prospero nang caunting paquiquipagcapoua tauo, at natatanto rin, p�
ninyo, na dito sa ating bayan, ay ha�gal na ha�gal ang tauo, na halos
hindi marunong sumagot, cung causapin ninyo, cundi tanu�gin po, ninyo
silang tungcol sa ma�ga calabao, ma�ga palayan, ma�ga cai�gin � ibang
ganito.
--Totoo iyang salita mo, Andr�s; subali,t, talastasin mo namang
maigui, na malaquingmalaquing camaliang umasa, na ang isang puno nang
sampaloc ay mamu�ga nang bayabas, at isang, puno nang bayabas ay
mamu�ga nang sampaloc. At itong camaliang ito,i, nasasainyong lahat
halos, na bihirang-bihira ang hindi nararamay sa camaliang ito. Caya
ang nangyayari sa caramihan ninyong ma�ga _indio_, maguing tagalog,
maguing visaya, maguing vicol, pangpango, ilocano, etc. etc. etc., ay
gayon:
Mayroon cayong caunting salapi, at magcaanac cayo nang lalaqui, at
capagcaraca,i, tinutucso cayo nang demonio, � nang inyong capoua tauo,
� nang inyong sariling cahungha�gan � capalaluan, na paluasin baga
ninyo sa Maynila ang inyong anac na lalaqui, nang doon siya,i,
mag-aral; at hindi ninyong sinusubucan muna,t, pinagmamasdan itong
inyong anac, cung mabait baga at matalinong siya, � matalas caya �
mapurol ang caniyang ulo, ang caniyang pagiisip, sa macatouid.
Ang inyong guinagaua lamang sa ma�ga cataonang ganito, at ang inyong
iniisip at guinugunam-gunam lamang, ay cung quinacaya baga ninyo, �
hindi quinacaya ang pagbabayad nang pag-aaral at pagtira nang inyong
anac sa Maynila; at cung baga inaacala ninyong nacacayanan din, ay
isinusulong ninyo ang inyong banta,t, calooban, at siya na.
Previous Page
| Next Page
|
|