|
Main
- books.jibble.org
My Books
- IRC Hacks
Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare
External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd
|
books.jibble.org
Previous Page
| Next Page
Page 10
Dahilan dito sa inyong asal, ang nangyayaring cadalasa,i, natutunao
lamang ang inyong salapi, at ang ma�ga anac ninyo,i, ualang ibang
pinag-aaralan sa Maynila, cundi ma�ga _capillohan_, casalauolaan,
capalamarahan, at iba,t, iba pang masasamang ugali.
Cung dito, ang tuloy na salita nang aming mahal na Padre Cura, cung
dito sa anac mong si Pr�spero ay masasabi co sa iyo, na minamabait
co,t, minamagaling cong tauo, at inaari co siyang mabuting cristiano
at masunuring anac. Subali,t, cung sa aquing pagti�gin, cung aquing
pagmamasid sa caniya, ay tila,i, may capurulan ang caniyang ulo, caya
inaalaala co, na baca sacali,t, cung paluasin mo siya sa Maynila, ay
hindi lamang hindi matuto ang inaacala mong matutuhan niya roon, cundi
bagcus ay masira at mauala pa ang caniyang cabaita,t, cagalingan, at
ang humalili dito,i, ang capusu�gan at capalaluhan.
Caya ang hatol co at ang aquing sagot sa ma�ga ipinahayag mo at
itinanong mo sa aquin ay gayon: Houag mong paluasin si Pr�spero sa
Maynila: sapagca,t, �gayon siya,i, mabait na anac, mahusay na binata,
masunuring cristiano at mabuting cababayan; �guni,t, cung paluasin mo
siya,i, hindi natin naalaman ang caniyang casasapitan.
--Salamat, p�, ang ulit ni cabezang Dales,salamat, p�, at co,i,
inaaralan ninyo,t, hina, hatulan nang magagaling; datapoua,t, cundi
icagagalit nang aquing Panginoon, ay mayroon, p�, acong sasabihin sa
inyo.
--Hindi, ang banayad na sagot nang aming Cura, hindi aco magagalit:
caya magsabi ca nang balang maguing calooban mo, at sasagutin co nang
macacayanan co.
--Ang aquin pong sasabihing ayon sa inaabot nang mababao cong
pag-iisip, ay ganito: ang uica ni cabezang Dales. Na tila po,i, ang
laman nang ma�ga sinalita ninyo sa aquin, ay ang houag bagang mag-aral
caming ma�ga _indio_ nang ma�ga iba,t, ibang naalama,t, pinag-aaralan
ninyong ma�ga castila.
--Hindi at hindi, ang biglang sagot nang Cura, hindi iyan ang
cahulugan nang ma�ga sinalita co sa iyo. Maling-mali, Andr�s, ang
caisipan mo. At cung sa aquin, ay hindi lamang hindi co inaalis, cundi
minamagaling cong totoo, na ang ma�ga _indio_, mag-aral nang balan
nang carunu�gan maguing sa _pagmemedico_, maguing sa _pagmamaestro_,
maguing sa _pagpapare_, maguing sa _pag-aabogado_, � iba,t, iba cayang
ma�ga _oficio_ at calagayan natin dito sa mundo.
Baquit aco,i, magsasaloob nang ganiyan, at mayroon acong
naquiquilalang ma�ga _Pare_, ma�ga _M�dico_, ma�ga _Abogado_, na
para-parang ma�ga _indio_, na mahusay na mahusay sila sa cani-canilang
catungculan, at naguing uliran pa sila nang ibang ma�ga _Pare_, ma�ga
_M�dico_ at ma�ga _Abogado_? Ang ipinipintas co lamang sa inyo:
pacatandaan mong maigui, Andr�s; ang ipinipintas co lamang sa inyong
ma�ga _indio_, at ang minamasamang totoo nang aquing calooban, ay ang
ualang casinghamac na ugali ninyo, na pag nagcacaroon cayo nang
caunting _cuarta_, cung mayroon cayong ma�ga anac na lalaqui ay
agadagad paluluasin ninyo sa Maynila itong inyong ma�ga anac, nang
mag-aral doon, aninyo, cahit casingtigas nang batobalani ang canilang
ulo, at uala silang cabait-bait.
Caya, ang uica co sa iyo ca�gina, at inuulit co �gayon, at uulitin
cong magpacailan man, na, ang caramihan, sa macatouid baga, na sa
sanglibong _indiong_ nag-aaral sa Maynila, ay ang siam na raan at
limang puo,i, ualang ibang natutuhan doon cundi ma�ga capalaluan,
ma�ga casalbahian, ma�ga casalauolaan, ma�ga calayauan nang catauoan
at ibang ganganito, at tinutunao pa nila ang salapi nang canilang
magugulang.
Dito rin sa ating bayan ay mayroong maipaghalimbaua aco sa iyo:
Ano caya ang naalaman ni Basteng anac nang nasirang _Maestrong
Sensio_, ganoong catagal siya sa Maynila, na cung sa aquing balita,i,
mayroong ualo � siam na taon siya roon?
Ay ualang-ualang iba, cung sa naquiquita co at pinagmamasdan, cundi
ang pagsosoot nang matitigas; ang pagmamarunong; ang pagpapaquialam
min sa lahat nang bagay; ang pambababayi; ang pagbaba�gon nang usap sa
ma�ga ualang casaysayan, at ang pagpapalalo sa lahat. At saca hindi
sila nagcocompisal sa panahon nang _Santa Cuaresma_, at magsimba man
sila, cung _Domingo_ at _Fiestang_ pa�gilin, ay hindi guinagaua nila
ito alangalang sa pagsunod sa utos nang santa Iglesia, cundi nang
sila,i, maquita, at sila nama,i, macaquita. At bucod dito,i,
hinihicayat pa nila ang ibang tauo sa paggaua nang canilang guinagaua.
Previous Page
| Next Page
|
|