Si Tandang Basio Macunat by Fray Miguel Lucio y Bustamante


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 11

Di baga totoo ito, Andr�s? Icao rin ang magsabi, at mayroon canamang
mata, tayi�ga at pag-iisip na paris co. Di baga totoo itong aquing
sinasalita sa iyo?

--Houag, p�, ang sagot ni cabezang Dales, houag p�ng maguing casiraan
nang puri nang capoua tauo; datapoua,t, ay totoong-totoo ang inyong
sinasalita, at siyang naquiquita co, at naquiquita nating lahat dito
sa bayan.

--Cung gayon, ang uica nang Cura, cung gayo,i, acalain mo, Andr�s, �
hugutin mo caya dito sa nangyari at sa nangyayari cay Isco, cay Julian
at cay Baste, acalain mo, anaquin, cung ano ang mangyayari sa anac
mong si Pr�spero, cung paluasin mo siya sa Maynila.

--Salamat, p�, ang uinica ni cabezang Dales sa Cura, salamat, p�, nang
maraming-marami, at cung sana sa bulag, ay pinamumulat, p�, ninyo ang
aquing mata. Aco, po,i, nagpapaalam na sa inyo, cung uala, p�, cayong
ipag-uutos sa aquin.

--_Adios_, Andr�s, ang uica nang Cura, _adios_, Andr�s, at houag mong
pahamacan itong hatol � pa�ga�garal co sa iyo, sapagca,t, hindi
nangagaling sa isang biglang sompong, cundi sa isang matagal at
sadyang pagmamasid co nang inyong ma�ga ugali at paquiquipagcapoua
tauo....

Yumaon na si cabezang Dales sa Convento, at nagtuloy sa caniyang
bahay, at palibhasa,i, balisa ang loob ni Felicitas, ay sinalubong
niya sa pinto ang caniyang ama, at inosisa sa caniya, cung ano caya
ang naguing hatol sa caniya nang Padre Cura, at ang sagot nang
caniyang tatay ay ganoon:

--Ang hatol sa aquin nang ating Cura ay paris din nang hatol mo, na
houag co bagang paluasin si Proper, na baca sacali, aniya,i,
mapahamac. Datapoua,t, isipin co ma,t, isipin, ay hindi co
matatalastas, cung baquit mapapahamac itong anac co, cung papag-aralin
co siya nang caunti sa Maynila.

--Tatay, ang maamong uica ni Pili; tatay, maano, po,i, sundin, p�,
ninyo ang hatol nang ating mahal na Cura, sapagca,t, siya ang ama nang
ating caloloua, at _segurong-seguro_, po,i, hindi ihahatol niya sa
inyo nang gayon, cundi talastas niya, na siyang matouid at tapat sa
cagali�gan natin.

--Siya �ga, ang uica ni Dales, siya �ga, �guni,t, tila nagugulo ang
aquing pag-iisip, at ang loob co,i, catua, sapagca,t, hindi co
matantong maigui ang tunay na cahulugan nang ma�ga quinacatouiran sa
aquin nang ating cagalang-galang na Padre Cura.

--Pabayaan, p�, ninyo, tatay, ang ulit ni Pili, pabayaan, p�, ninyo,
tatay, iyang pag-iisip na iyan, at houag, p�, ninyong alalahanin iyang
ma�ga bagay na iyan. Cung ano, p�, ang hatol sa inyo nang ating mahal
na Padre Cura, ay siya p�, ang inyong sundin, at hindi, p�, cayo
magcacasala sa ating Panginoong Dios.

Pagcasalita nang gayon ni Felicitas ay umalis na ang caniyang ama at
nagtuloy sa ma�ga pag-gaua niya sa buquid; at buhat niyo,i, hindi
pinag-uusapan nila itong ma�ga bagay na ito; caya lagay na lagay ang
loob ni Pili, at ang boong acala niya,i, hindi na paluluasin si
Pr�spero sa Maynila.

Datapoua,t, nang maguing tatlong lingong magmula nang pagharap ni
Dales sa aming Cura, at casalucuyang pinaguusapan nang mag-ina ni
Felicitas itong di pagluas ni Pr�spero sa Maynila, at casalsalang
ipinahahayag ni Pili sa caniyang ina ang malaquing toua niya dahilan
sa hindi pag-alis nang capatid, ay siyang pagdating ni cabezang
Andr�s, at capagcara,i, tinauag niya ang mag-ina, at iniutos sa canila
nang isang masiquip na utos, na agad-agad, ang uica, ay bumili sila
nang c�yo at gumaua sila nang maraming baro at salaual cat Proper, at
maghanda pa sila nang ma�ga _pa�o_, _chapin_, _chinelas_, _talla_ at
nang balang cailangan; at sa isang lingo, aniya, ay paluluasin co si
Proper sa Maynila, at papag-aralin co doon nang caunti.

�Catacot-tacot ang pag-iyac ni Felicitas nang mari�gig niya itong utos
nang caniyang amba! Di mapalagay-lagay ang caniyang loob, at
sari-saring paraan at capamanhican ang guinaua niya, nang houag baga
matuloy ang gayong banta nang caniyang tatay. �guni,t,
nagbi�gi-bi�gihan si don Andr�s sa ma�ga carai�gan at sa ma�ga luha
nang caniyang anac na si Pili, at inulit nang inulit niya ang utos, na
gauing madali nilang mag-ina ang ipinagaua sa canila.

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Mon 12th Jan 2026, 16:41