Si Tandang Basio Macunat by Fray Miguel Lucio y Bustamante


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 12

Hangan �gayon _oras_ na ito, na itinatala co sa _papel_ ang nangyari
sa mag-anac na don Andr�s Baticot, ay hindi co maisip-isip, hindi aco
macapag-aacala man lamang, cung sino caya ang nag-odyoc � humicayat sa
naturang Dales, sa pagsouay sa matouid na hatol nang cagalang-galang
na Padre Cura namin.

Cung sa aquing sarili, ay uala na acong ibang sucat na pagbinta�gan at
paghinalaan, cundi ang _mismong Demonio_, o cung dili caya, ay ang
pinacacatouan nang _Demonio_ dito sa bayan.

Houag magalit ang sino manga babasa nitong aquing casulatan, dahilan
sa ma�ga sinasalita co sa unahan nito, sapagca,t, maquiquilala rin
niya, dito sa itinutuloy cong historia, ang aquing catouiran.

Sa di macuha ni Felicitas sa ma�ga capamanhica,t, carai�gan, ang
ninanasa nang caniyang loob, ang houag bagang paluasin si Proper sa
Maynila, ay tumahimic na, at tumulong na siya sa caniyang inda sa
paghahanda nang ma�ga ipinahahanda sa canila ni cabezang Andr�s.

Pagcahanda na ang lahat, at nang dumating ang _oras_ na tucoy, ay
nagpaalam na ang mag-ama ni Pr�spero sa mag-ina ni Felicitas; at doon
na, ang pag-iiyacan nilang lahat; doon na, ang paghahatulan nang
isa,t, isa; doon na, ang pagbibilinan nang sari-saring bilin; doon na,
ang pagdadalamhatian nang loob nang na�ga-aalis at nang na�gaiiuan.

Bago magcaganito; sa macatouid baga; bago dumating ang arao na tinucoy
ni cabezang Dales sa pagluas nilang mag-ama ni Proper, ay si
Felicitas, na hindi lamang mabanal na mabanal na dalaga, cundi pa
nama,i, matalas na matalas ang caniyang bait at pag-iisip, ay tinauag
niya sa lihim ang caniyang capatid na si Pr�spero, at pina�garalan
niya, nang mahabang oras, nang madlang bagay tungcol sa maguiguing
bagong calagayan niya.

Pinaquingan ni Proper ang ma�ga aral sa caniya nang caniyang _ala_ �
_caca_, (si Felicitas ang pa�ganay), at ipina�gaco niya cay Pili, na
susundi,t, susundin niya ang lahat na ma�ga hatol na yaon, at ang tica
nang caniyang loob, ani Pr�spero, ay houag sumala sa ano pa mang bagay
at ang uica pa, na hindi niya,i, iaacsaya ang panahon, cundi bagcus ay
mag-aaral at mag-aaral siya sa caniyang macacayanan, ayon sa _gusto_
at calooban nang caniyang magulang.

Yumaon na ang mag-ama ni Pr�spero, at nagtuloy sa Maynila; at nang
umoui na si cabezang Dales na mangaling sa Maynila, �ay ina co!
sinalubong siya ni cabezang Angi at ni Felicitas doon pa sa _calzada_,
linapitan siya,t, linibutan, at quinusot pa nila ang caniyang damit
nang cacacalvit sa caniya, na halos hindi pinatutuloy siya sa bahay,
hangang di sumagot sa ma�ga susong-susong tanong na guinaua nilang
mag-ina.

--�Comusta si Proper?, ang tanong ni cabezang Angi.

--�Ano, po, ang lagay ni Pr�spero?, ang tanong ni Pili.

--�Mabuti, baga, ang bahay na quinatitirahan?, ang ulit ni cabezang
Maria.

--�Hindi, p�, caya natatacot siya sa Maynila?, ang bagong tanong ni
Felicitas.

--�Maca, p�, siya,i, magcasaquit doon sa quinatitirahan!

--�Nacausap mo, baga, ang caniyang _Catedr�tico_?

--�Inosisa, p�, ninyo ang ugali nang caniyang _casera_?

Ito at iba pang lubhang maraming ma�ga tanong na pauang bigla at
patong-patong, ang guinaua nang mag-ina ni Pili sa canilang asaua,t,
ama, na si cabezang Dales baga, nang itong si Dales ay doroon pa sa
_calzada_.

Sinagutan ni don Andr�s ang lahat na ma�ga tinuran cong tanong nang
mag-ina ni Pili; at polus na maigui, at polus na caaliu-aliu ang
isinagot at ibinalita sa canilang tungcol cay Pr�spero, at ang uica pa
ni Dales sa canila:--Houag ninyong alalahanin si Proper, at
mabuting-mabuti ang caniyang lagay.

Malaqui ang toua ni cabezang Angi nang mari�gig ang sinasalita nang
caniyang asaua; datapoua,t, ang loob ni Felicitas ay hindi
mapalagay-lagay.

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Mon 12th Jan 2026, 22:11