|
Main
- books.jibble.org
My Books
- IRC Hacks
Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare
External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd
|
books.jibble.org
Previous Page
| Next Page
Page 13
At saan di magcacagayon? Binasa niya sa ma�ga libro, na ang ma�ga
anac, na malayo sa mata nang magugulang ay ang cadalasa,i, napapahamac
at nauaualan nang cabaitan, at itong bagay na ito,i, siyang inaalaala
niyang palagui arao at gabi; at siyang pina�ga�garap niya sa pagtulog,
na hindi maalis-alis sa caniyang calooban itong pag-aalaalang ito.
Caya, magmula nang lumuas si Pr�spero, ay dinagdagan niya,t,
dinagdagan ang caniyang ma�ga dating panala�gin, at ang hinihi�gi niya
sa Pa�ginoon Dios, ay iligtas at iadiya niya ang caniyang capatid sa
dilang masasama.
Nang maguing dalauang buang buhat nang pag-alis ni Pr�spero dito sa
bayan, ay may dumating sa Tribunal isang sulat, na galing sa _correo_,
at ang nababasa sa _sobre_, o sa taquip, baga, nang sulat ay
ganito:--Distrito de Morong--A la se�orita do�a Felicitas Baticot en
el pueblo de Tanay.
Nagtauanang di hamac doon sa Tribunal ang ma�ga _oficiales_, ang ma�ga
bantay, ang ma�ga _cuadrillero_, at ang iba,t, ibang tauong naroroon
sa Tribunal, pagcabasa ni _testigong_ Carlos, (i�gatan nang Pa�ginoong
Dios), ang _sobre_ nang naturang sulat, at ang uica nang isa,t isa:
--�Sino, caya, itong se�oritang bagong litao dito sa ating bayan?
--�Sino, baga, itong mahal na Princesang natatago dito sa atin?
--�Tayo pala, ang sigao nang isang matanda na _Capitang_ pasado, na
ang �gala,i, Pedrong Ilag, tayo pala,i, mahal ding tauo, at mayroon
tayong ma�ga cababayan na ma�ga se�orita!"
At itong ma�ga salitang ito,i, sinundan pa nang marami at sari-saring
casistihan at capuso�gang di co sasabihin, palibhasa,i,
mapag-uauari-uari rin nang capoua cong tagalog, at nang sinomang
nacaquiquilala nang ma�ga ugali at asal naming ma�ga tagalog.
Nang macalipas-lipas na ang canilang pagtatauanan at pagsisistihan, ay
ipinadala nang _Alguacil mayor_, na si Gabriel ang pa�galan, ang
nasabing sulat doon sa pinadadalhan.
Si cabezang Dales ang pinag-abutan nang bantay nang inulit na sulat;
at nang basahin ni Dales ang nasusulat sa _sobre_, ay agad-agad
iniabot cay Felicitas, ang uica,t, sigao:--�Pili! �Pili!; parini ca;
cunin mo; itong sulat ay para sa iyo: madali ca at basahin mo, at
_seguro,i_, sulat nang capatid mo.
Nang mabasa ni Felicitas ang natatala sa taquip nang sulat, nang
mabasa niya, anaquin, ang uicang: _Se�orita_:--ay sumamang lalo sa
dati ang caniyang calooban; nguni,t, hindi ipinahalata niya sa
caniyang magugulang; cundi binuclat niya ang sulat at binasa sa harap
nila. Ang laman nang sulat ay ganito:
Pagcabasa ni tandang Basio itong ma�ga sinusundan na salita, ay
tiniclop niya ang casulatan, at ang uica niya sa aquin:
--Ito p�ng ma�ga sulat ni Pr�spero at ni Felicitas na naquiquintal
dito, at aquing babasahin, ay tunay na tunay na ma�ga sulat nang
naturang magcapatid, na isinalin dito nang tatay co, na ualang culang
at ualang labis. At nang cayo, po,i, maniuala dito sa aquing
sinasalita, ay sasabihin co, p�, sa inyo, na si Felicitas ay pamanquin
sa pinsang boo nang tatay co; na sa macatouid, baga, si cabezang Angi
ay pinsang boo nang aquing ama; at palibhasa,i, silang dalaua nang
tatay co at ni Felicitas, ay nagkakaisang caloobang tungcol sa
pagpapaluas ni cabezang Andr�s cay Pr�spero sa Maynila; ay
ipinaquiquita ni Felicitas cay tatay ang balang isinusulat niya cay
Proper, at sa caniya. Caya, p�, ualang ibang guinaua ang tatay co
dito, cundi magsalin nang magsalin nang nasabing ma�ga sulat, �g
ipaquita sa caniya ni Pili.
At cung caya naalaman din nang aquin p�ng tatay ang laman nang sulat
ni cabezang Angi, at ang casagutan sa caniya ni Proper, (na dito rin
babasahin co); sapagca,t, ipinaquita naman ni Pili sa tatay co, niyong
ipagbili ni cabezang Angi ang lahat na ma�ga pag-aari nilang mag-ina,
na dito ring sinasalaysay.
--�_Demasiado_, p�, cayong _delicado_!, ang sagot co cay tandang Basio
sa uicang castila,t, tagalog: �Demasiado, p�, cayong _delicado_! Cayo,
po,i, bumasa nang bumasa, at malaqui, pong, totoo ang nasa cong
maalaman ang caouian niyang _historiang_ binasa ninyo.
Itutuloy co, p�, �gayon din, ang uica nang matanda. At cung caya
aniya, sinaysay co, p�, sa inyo itong ma�ga bagay na ito, ay maca
sacali,t, ang isip, p�, ninyo, na pauang casinu�gali�gan ang aquing
binabasa, bago-bago,i, pulos na catotohanan ang nalalaman dito, at aco
rin ang sacsi nang lahat.
Previous Page
| Next Page
|
|