|
Main
- books.jibble.org
My Books
- IRC Hacks
Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare
External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd
|
books.jibble.org
Previous Page
| Next Page
Page 14
--Ituloy, p�, ninyo, ang utos co sa aquing caibigang matanda, ituloy,
p�, ninyo ang pagbasa niyan, at para-parang pinaniniualaan co ang
lahat na nasasaclao riyan.
--Salamat, p�, ang ganting uica sa aquin ni tandang Basio: at itinuloy
niya ang caniyang binabasa, na ganito baga:
--Ang laman, p�, nang nasabing sulat ni Pr�spero ay yari:
=_UNANG SULAT NI PROSPERO_=
Minamahal, na ualang casing mahal na capatid cong Pili. Ayon sa
pa�gaco co sa iyo, ay sumusulat aco �gayon sa iyo, nang matalastas mo
ang aquing calagayan, at ang paquiquiramdam co dini sa Maynila.
Bagay sa calagayan co,i, maiguing-maigui ang aquing lagay. Tatlo
caming magcacasamang _estudiante_ ang natitira dito sa bahay na ito:
ang isa,i, taga Paco, ang isa nama,i, taga Bulacan, at saca aco; na
cung pagmasdan mo cami ay tila cami ma�ga tunay na magcacapatid. Cung
ano ang _gusto_ nang isa,i, siyang gusto naming lahat, na sa
macatouid: ayon-ayonan cami sa lahat nang bagay.
Pangag�ling namin sa _clase_, ay lumalayao-layao cami nang caunting
oras sa ma�ga _calzada_ at sa ma�ga _paseo_; at cung minsan ay
napaparoon cami sa ma�ga pagsasayauang bahay, na dito sa Maynila,i,
marami.
Ang aming casera,i, mabait na mabait, at maamong-maamo, at
bihirang-bihirang nagagalit. Umaayon siyang palagui sa _cagustuhan_
naming tatlo, at cung sacali,t, cami ay cagalitan nang caniyang
_santulon_ na asaua, ay siya ang aming tagapagtangol.
Bagay naman sa aquing paquiquiramdam dito, �ay caguilio-guilio cong
capatid! Ang masasabi co sa iyo, na ang damdam co,i, aco ay isang
_pobreng_ bulag, na �gayon, ngayon lamang nacamulat nang mata.
Caya, nang aco,i, bago pa dito sa Maynila,i, pinagtatauanan acong
parati nang aquing ma�ga casama, sapagca,t, palaguing aco,i, namama�ga
sa aquing paglacad. �Uala acong di pinagtatachan, uala acong di
quinatitilihan! �Ang ma�ga _almacen_, ang ma�ga _tindahan_; ang ma�ga
_castila_, na sari-sari ang soot at pa�gu�gusap; at sa catagang uica,
ang lahat-lahat na ma�ga bagay-bagay, na naquiquita co,t, napapanood
co dito,i, para-parang pinagtatac-han co!
Datapoua,t, �gayon, ay iba na ang aquing caisipan, at iba naman ang
calagayan nang aquing loob. �gayo,i, naquiquita co, na dito sa
Maynila,i, naririto ang _civilizacion_. �gayo,i, naquiquilala co, na
ang ating ma�ga ugali diyan sa ating bayan, ay malayong-malayo sa
ma�ga ugali nang tauong _civilizado_. Caya ang pananamit, ang
pa�gu�gusap, ang paqiquipagcapouatauo, ang ma�ga quilos, at ang iba,t,
iba pang asal nang ma�ga tagarito,i, malayong-malayo sa naquiquita
nati,t, inaasal diyan sa canitang bayan. Ano, pa,t, cung sa aquing
pagcatalastas �gayon, ay a�gat na a�gat tayo sa ma�ga dapat asalin
nang tauo dito sa lupa.
Houag cang magalit, Pili, dahilan dito ma�ga sinasalita co sa iyo.
Cung icao sana,i, macaluluas, at macapagmamasid ca nang ma�ga asal
nang ma�ga tauong taga rito sa Maynila, ay segurong-segurong sasabihin
mo, na ang lahat na ipinamamalita co sa iyo, at catotohanan at hindi
casino�gali�gan.
Inaantay co ang casagutan mo. Cung sa ganang aquin, ay ipina�ga�gaco
co sa iyo na maalaman mo rin sa ma�ga sulat co, ang aquing isinasaloob
na lahat.
Comusta nang maraming-marami si tatay at si nanay, pati ibang ma�ga
camag-anac natin. Ipagpacomusta mo aco naman cay Doni anac ni Capitang
Valer, at mag-utos ca nang balang maguing calooban mo dito sa
cababa-babaan mong capatid, na si Prospero Baticot.
Malaquing-malaqui; malaqui, na di ganoon lamang, ang toua,t, saya nang
mag-asaua ni cabezang Dales, nang mari�gig nila ang napapalaman sa
sulat nang canilang anac na si Pr�spero. Minamariquit nilang totoo ang
mga sinasalita roon ni Proper; at ang isip nila baga,i, nacarating na
ang canilang anac sa cataluctucan nang carunu�gan. Caya, habang
binabasa ni Felicitas ang naturang sulat, ay ualang lagot ang agos
nang canilang luha at ang tulo nang canilang lauay, gaua nang
malaquing toua nang canilang puso, at lalong-lalong lumaqui ang buhos
nang canilang luha at lauay, nang basahin ni Pili yaong ma�ga uicang
_civilizacion, civilizado_ at iba pang ma�ga uicang castilang nahahalo
roon sa sulat.
Previous Page
| Next Page
|
|