|
Main
- books.jibble.org
My Books
- IRC Hacks
Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare
External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd
|
books.jibble.org
Previous Page
| Next Page
Page 15
Tumutulo ring di hamac ang luha ni Felicitas habang binabasa niya ang
sulat nang caniyang capatid; datapoua,t, itong luha ni Pili ay hindi
galing sa toua, cundi sa malaquing calumbaya,t, capighatian nang
caniyang loob.
Ay baquit caya ganoon?, ang itatanong sa aquin marahil nang ma�ga
bumabasa nitong casulatan. Baquit caya ang iquinatotoua nang magulang
ni Pr�spero, ay siyang icalulumbay nang caniyang capatid?
Sasaysayin co, sa aquing macacayanan, itong ma�ga bagay na ito.
Ang mag-asaua ni cabezang Dales, baga man mababait na tauo, at
mabubuting cristiano, na parang sinasabi co sa itaas, ay capagsabata
nila,i, ualang ibang guinaua, cundi magsimba nang madalas;
_magcompisal_ sa panahon nang _Santong cuaresma, magrosario_ na
gabi-gabi sa canilang pamamahay; at ang ibang oras at arao ay
tinutucoy nila,t, sinasamantala sa _pagtatrabajo_ at sa paghanap nang
pagcabuhay. At liban dito,i, uala na.
Hindi sila bumabasa-basa nang ma�ga _libro_; hindi sila palamasid sa
tauo; hindi sila marurunong na maghihinala sa capoua tauo: at
paniualain silang totoo. Ano pa,t, hindi marunong na cumutcot at
humanap sa ilalim nang manga salita nang tunay na cahulugang natatago
sa licod nang manga paimbabaong uica. Ang balat lamang ang canilang
tinitingnan, at hindi nila inuusisa ang nasacailaliman. At nang
sabihin co sa catagang uica: ang mag-asaua ni cabezang Andr�s ay sila
ang tunay na cahalimbaua nang tinatauag naming manga tagalog na manga
_tauosa una_.
Caya, nang mari�gig nila ang laman nang sulat ni Pr�spero, ay lubos na
lubos ang canilang paniniuala, na ang canilang anac ay nacapag-aral na
nang marami sa Maynila, at hindi mandin dumaan sa canilang pag-iisip
ang paghihinala � ang pagdidili-dili man lamang, na maca sacali,t,
sumama ang asal ni Pr�spero doon sa Maynila.
Subali,t, si Felicitas, na bucod sa cabanalan, ay pinagcalooban din
nang Pa�ginoon Dios nang isang matouid at matalinong isip, at nang
isang matalas na pag-iisip, ay naquilala niyang capagcaraca, at
hina�go niyang agad doon sa ma�ga salisalita ni Pr�spero sa caniyang
sulat, na ang caniyang capatid ay lumilihis na sa matouid na daan, �
cung sana sa lumalacad, ay tumutungtong sa ma�ga lanay � cumanoy. At
baga man pinaglalabanan ni Pili at iniuauacsi itong masamang cutog
nang caniyang loob, ay hindi rin mapagpag-pagpag niya.
Dahilan dito,i, umiiyac siyang palagui, at hindi macacain nang
mahusay, at hindi macatulog nang mahimbing, caya yumayat siya,t,
namutla nang di hamac; at sa di matiis na niya itong gulo nang
caniyang isip at loob, ay naparoon siya sa aming Padre Cura.
Itong si Felicitas ay mahal na totoo sa aming Cura, hindi alang-alang
sa cagandahan nang catauoan ni Pili, (si Felicitas ay hindi maganda,
bagcus may capa�gitan), at hindi naman alang-alang sa ano pa mang
bagay, na may cahalong paquinabang, cundi alang-alang lamang sa
cabutiha,t, cagali�gan nang caniyang caloloua. Caya, nang matanao nang
aming Cura si Felicitas, at nang mapagmasdan ang caniyang catuang
anyo, ay sinalubong siya sa cabahayan nang convento, at binati nang
gayon:
--Ano, baga, iyan, Pili? Ano,t, icao,i, namumutla at na�ga�galumata?
Icao baga,i, nagcasaquit?
--Uala, p�; ang sagot ni Felicitas uala, p�, acong anomang caramdaman,
aua nang Pa�ginoon Dios; at cung caya, p�, aco,i, naparito sa inyo,
sapagca,t, mayroon, p�, acong ipaquiquita sa inyong isang sulat ni
Pr�spero.
--Sumulat na pala sa inyo iyan layas na iyan? ang masayang tanong nang
Cura.
--Oo, p�.
--At ano ang laman nang sulat?
--Iba,t, iba, p�; at cung caya ipinaquiquita co po, sa inyo,i, nang
maalaman co sa inyo p�ng mahal na labi ang totoong cahulugan nang
ma�ga sinasalita ni Pr�spero. Ito, p�, ang sulat; inyo, pong b�sahin.
Dinampot nang aming Cura ang sulat sa iniabot sa caniya ni Felicitas,
binuclat niyang tuloy, binasa nang dahandahan at tiniclop uli; at bago
siya macapag-uica nang anoman, ay tinanong siya ni Felicitas nang
gayon.
Previous Page
| Next Page
|
|