Si Tandang Basio Macunat by Fray Miguel Lucio y Bustamante


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 16

--Ano, p�, ang inyong ti�gin diyan? Ano, p�, ang inyong sapantaha
diyan sa sulat na iyan? Ipinamanhic co, p�, at ipinag-aamo-amo co p�ng
totoo sa inyo; na cung mangyayari sa inyo p�ng mahal na calooban, ay
sabihin, p�, ninyo sa aquin ang tunay na cahulugan nang laman niyang
sulat na iyan, na nacagugulong totoo sa aquing loob at bait, buhat
nang dumating sa aquing camay at basahin co.

--Umupo ca muna, ang uica nang Cura, umopo ca muna, Pili, dini sa
_banco_, sasabihin co sa iyo ang aquing sinasapantaha dito sa sulat na
ito.

Naupo na si Felicitas sa _bancong_ itinuro sa caniya, at tuloy
nag-uica ang aming Cura nang ganoon:

--Itong sulat na ito nang capatid mong si Pr�spero, ay cung basahin
nang paimbabao; � basahin caya nang ma�ga hindi nacacaalam nang ma�ga
ugali ninyong mag-ama at magcapatid; � basahin baga nang ma�ga hindi
nacapagmasid nang asal nang ma�ga tagalog; � basahin caya nang ma�ga
tauong ualang sariling pag-iisip; ay _segurong-segurong_ sasabihin
nila, na itong sulat na ito,i, mariquit at matino, at ualang ibang
cahulogan cundi ang magbalita si Pr�spero sa inyo nang caniyang
calagayan sa Maynila. Datapoua,t, cung sa canita ay iba na ang
cahulogan, at malayong-malayo sa sucat acalain nang ibang tauo.

Cung sa ganang aquing, ang tuloy na uica nang Cura; cung sa ganang
aquing, ay sasabihin co sa iyo, na malaquing-malaqui, at
masamang-masama ang cahulogan nitong sulat na ito. Gaya, sumam� man
ang loob mo, ay di co ililihim sa iyo, Pili, ang napasaloob co nang
basahin co; at cung caya, gayon ang aquing gaua, ay maca sacali,t,
bucas � macalaua,i, sisihin aco nang ating Pa�ginoon Dios, dahilan sa
di co pagsasabi sa iyo nang totoong nasasacalooban co, nang icao,i,
cumucuhang tanong sa aquin.

Ang hinaha�go cong lam�n sa ilalim nang ma�ga salisalita nang capatid
mo dito sa caniyang sulat, ay ang siya,i, nahuli capagdaca sa silong
iniumang sa caniya nang demonio, at caya, ang dating minamaitim niya,
ay minamaputi niya �gayon; at ang dating minamaputi niya,i,
minamaitim niya �gayon... �Cahimanauari, magcamali aco dito sa aquing
sapantaha � paghihinala! �guni,t, acala co,i, hindi aco lumalayo sa
catotoohanan.

Habang nagsasalita nang ganito ang aming mahal na Padre Cura, ay
uma-agos ang luha sa mata ni Felicitas, caya inosisa nang Cura sa
caniya ang bagay at dahilan nang caniyang pag-iiyac, at ang sagot ni
Felicitas ay ganoon:

--Paano, p�, hindi aco iiyac, at iyang din, p�ng sinasalita ninyo, ay
siyang cumacalicot na palagui sa loob co?

--Itiguil mo iyang pag-iiyac mo, Pili, at uala cang ibang macacamtan
sa pag-iiyac, cundi saquit lamang nang catauoan. Ipanala�gin mo si
Pr�spero sa Pa�ginoon Dios, nang siya,i, amponin at iligtas sa dilang
masasama....

--Siya, p�, ang aquing guinagauang parati: datapoua,t, ibig co pong
maalaman sa inyo, cung ano cayang mabuting isagot co cay Pr�spero
diyan sa caniyang sulat.

--Cung sa natuturang pagsagot, ay marami ang maisasagot mo sa caniya;
subali,t, dito sa lagay nang capatid mo, tila,i, mauaualang halaga ang
lahat nang casagutan mo, maguing ano ang iyong sabihin sa caniya.

--Baquit, p�, amo,i, gayon ang inyong uica?

--Caya gayon ang aquing salita, sapagca,t, ang lagay ni Pr�spero sa
Maynila, ay siyang-siya nang lagay nang isang olila sa ama,t, ina, at
capatid at camag anac pa, na ualang macapipiguil sa caniya, at uala
naman siyang quinaaalang-ala�ganan. Ganoon man, ay sabihin mo sa
caniya, na houag baga limutin niya ang ma�ga pagtuturo nang magulang
mo sa caniya; nahouag mauili sa ma�ga lamang bayan at sa maririquit na
salita nang ma�ga quinacasama niya; na houag maparahio sa ma�ga
cagandahan nang mundo; at iba,t, iba pang ganito, na mamatapatin mong
isagot.

Napaiyac nang panibago si Felicitas nang mari�gig itong sagot at hatol
nang aming Cura, at pagcamaya-maya,i, nagpasalamat siya sa Cura,
humalic-nang camay at nagpaalam na. Nang dumating siya sa caniyang
bahay, ay sumulat cay Pr�spero nang ganito:


Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Tue 13th Jan 2026, 6:59