Si Tandang Basio Macunat by Fray Miguel Lucio y Bustamante


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 17


=_SULAT NI FELICITAS_=

Caguilio-guilio cong capatid: tinanggap co ang minamahal cong sulat
mo, ay cung baquit, pagcabasa co,i, napaiyac acong totoo.

Hindi co masaysay nang maigui ang dahilan nitong aquing pag-iiyac,
subali,t, tila aco,i, nagcagayon, sapagca,t, ang sapantaha co sa
aquing loob na mag-isa, ay icao,i, iba na �gayon sa dati.... At acala
co,i, may catotoohanan itong aquing sinasapantaha, palibhasa,i, ang
hinuhugot cong lam�n sa sulat mo, ay maraming bagay-bagay ang
minamasama mo �gayon, na dati-dati ay minamaigui mo, at balictad,
marami ang minamaigui mo �gayon, na dati-dati ay hindi minamagaling
mo.

Dahilan dito,i, nagugulong totoo ang aquing bait, na ang uica co baga
sa aquing loob na sarili ay ganito: cung si Pr�spero,i, nasacatouiran,
aco,i, uala, at cung aco,i, siyang nasacatouiran, si Pr�spero,i,
malayo.

Caya aco,i, nagtanong at nagtanong sa ma�ga nacacaalam, at inosisa co
pa, sa ma�ga sucat cong paniualaan, itong bagay na ito, at ayon sa
canilang aral sa aquin, ay masasabi co sa iyo, na tila icao, �ga,i,
siyang nagcacamali, at tumutongtong sa madulas na tungtu�gan, gaua,
yata, nang caha�galan mo.

Houag cang magalit sa aquin, Proper, dahilan dito sa ma�ga sinasalita
co, at uala acong ibang hinaha�gad dito sa ma�ga sabi cong ito, cundi
ang cagali�gan nang caloloua mo. Caya mayroon pa acong itatanong sa
iyo.

Baquit icao,i, mauiuili �gayon sa ma�ga sayauan, at naalaman mong dati
na ito,i, baual na baual sa atin nang ating cagalang-galang na Padre
Cura? Ano,t, pinupuri mo �gayon ang ma�ga quilos-quilos, at ang ma�ga
pananamit na dati-dati ay pinipintasan mo? Ano,t, minamasama mo �gayon
ang ma�ga mapapayapang ugali natin dito sa bayan, at minamabuti mo ang
ma�ga maliligalig na asal nang taga riyan sa Maynila?

�Ay caibig-ibig cong capatid! �Houag cang maparaya sa demonio, na cung
saan-saan iniuumang niya ang ma�ga silo, at binabalutan pa niya nang
sari-saring maririquit, nang macahuli siyang madali nang ma�ga
caloloua nang tauo, at maihatid niya sa infierno!

Houag cang mauili, Proper; houag cang mauili, at houag cang maniuala
sa ma�ga iba,t, ibinabalita sa iyo, cundi mo natatanto muna, na ang
nagbabalita,i, mabait na tauo, at ang ibinabalita,i, totoo at
magaling.

Alalahanin mong palagui, na, cung minsa,i, sa ilalim nang mababa�gong
bulaclac, at maririquit na damo, ay may nagtatagong ahas, na mabisa
ang camandag.

Icao,t, icao,i, siyang inaalaala cong palagui, baca gaua nang cabataan
mo,i, icao ay mapahamac.

Si tatay at si nanay, at gayon din ang ma�ga camag-anac natin ay
nagpapacumusta sa iyo nang maraming-marami. Aua nang Pa�ginoon Dios,
ay mabuti at ualang saquit caming lahat.

Ipinagtatagubilin cong totoo sa iyo, Proper, ang pagdarasal nang Santo
Rosario gabi-gabi, nang icao,i, tulu�gan at ampunin nang mahal na
Virgen sa lahat na ma�ga pa�ganib.

Ang Pa�ginoon Dios ang mag-i�gat sa iyo at sa ating lahat, at mag-utos
ca, nang balang maguing calooban mo, sa iyong caauaauang capatid, na
si, Felicitas Baticot.



Tinangap ni Pr�spero itong sulat nang caniyang capatid, at baga man
minamahal niyang totoo, sa caniyang loob na sarili, ang ma�ga
pa�ga�garal ni Felicitas sa caniya; subali,t, palibhasa,i, iba na sa
dati ang carunu�ga,t, caasalang umuusbong at tumutubo sa caniyang bait
at calooban, ay ipinaquita niya ang sulat ni Felicitas sa caniyang
dalauang casamang estudiante, na ang uica niya baga:

--Tingnan ninyo itong sulat nang capatid cong dalaga; inyong basahin,
at cung mangyayari sa inyong loob, ay sabihin ninyo sa aquin, cung ano
cayang mabuting isagot co riyan.

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Tue 13th Jan 2026, 8:46