Si Tandang Basio Macunat by Fray Miguel Lucio y Bustamante


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 18

Binuclat at binasa nang taga Paco, na ang �gala,i, Julio, at nang taga
Bulacan, na ang �gala,i, Francisco, ang naturang sulat, at sabi ni
Julio cay Pr�spero sa uicang parian ay ganito:

--_Seguro este hermana de Vd. demasiado beata tambien_.

At ang uica naman nang taga Bulacan na si Francisco:

--Tila,i, _santulon_ na totoo ang capatid mo.

--Siya �ga, ang sagot ni Pr�spero.

--Maano,i, punitin mo, Proper, iyang sulat na iyan, ang sigao nang
_estudianteng_ taga Paco. Ganoon, ang tuloy na uica niya, ganoon ang
ugali nang ma�ga _beata-beatang_ taga rito man, at taga bundoc. Cundi
mo sila,i, parisan sa pagdadasal nang marami; cundi mo sila,i, gayahan
sa pagsosoot nang carmin, nang correa, nang cordon; cundi mo gauin ang
ibang ma�ga cabaliuang guinagaua nila,i, masama ca nang tauo. Sabihin
mo riyan sa capatid mo iyan, na siya,i, magdasal nang marami;
_magcolacion_ arao-arao; magsoot nang _cilisiong_ mula sa paa, na
hangang sa ulo, at houag maquialam siya sa iyo....

--Houag naman, Proper, ang biglang uica ni Francisco; houag cang
sumagot nang ganoon sa capatid mo. �Ito naman si Julio,i, labis na
magsasalita! Sumulat ca sa capatid mo, at sabihin mo lamang natanto mo
ang l�man nang caniyang sulat, at susundin mo nang lubos na pagsunod.
Cung ganito ang sagot mo; acala co,i, matotoua siya, at hindi ica,i,
paghihinalaan nang ano pa man.

Ito at ibang ma�ga ganito ang pinag-uusapan niyong tatlong
magcacasamang _estudiante_; at baga man masaquit sa loob ni Pr�spero
ang ma�ga salita nang caniyang ma�ga casama, lalong-lalo ang ma�ga
uinica ni Julio; at cahima,t, pinaglalabanan pa nang caniyang bait ang
pagtangap niyong ma�ga bucang bibig na yaon, ay tinangap din niya, at
umayon sa masasamang sumbong sa caniya nang caniyang ma�ga casunong
estudiante, at alinsunod sa gayong sumbong, ay gumanti siya sa sulat
ni Felicitas nang ganito:



=_ICALAUANG SULAT NI PROSPERO_=

Caibig-ibig cong capatid na si Felicitas. Natatanto co ang lam�n nang
iyong mahal na sulat, at susundin co, na aquing macacayanan, ang ma�ga
aral at bilin mo sa aquin subali,t, aco,i, napatacang totoo doon sa
ma�ga salita mo, na ang uica mo baga; na tila aco,i, iba na �gayon sa
dati; na di umano, ang sabi mo pa, ay minamaigui co �gayon ang dati
cong minamasama, at minamasama co �gayon ang dati cong minamamaigui:
na acala mo,i, tumutungtong aco �gayon sa madulas na tungtu�gan.

Saan di aco,i, magcacaganito, capatid cong guilio? Di baga sinabi co
sa iyo sa nauna cong sulat, na, cung sana sa bulag, ay �gayon lamang
nacamulat aco, nang mata, at nacaquiquita nang maliuanang? Caya houag
cang magalit sa aquin, Pili, cung iba �gayon sa dati ang ma�ga
catouiran at caugalian co, sapagca,t, �gayong lamang luminao ang
aquing pagti�gin, na dati-dati ay malabo.

At cung ipahahayag co sa iyo ang totoong-totoong nasasacalooban co
�gayong oras na ito,i, sasabihin co sa iyo na hindi lamang hindi aco
tumutongtong sa madulas na tungtu�gan, cundi bagcus uiuicain co sa
iyo, na aco,i, nasasacatuoiran, at icao,i, uala.

Acala co,i, cung caya gayon ang salita mo ay sapagca,t, hindi icao,i,
nacaaalis-alis diyan sa ating bayan; hindi icao,i, nacaquita-quita
nang asal nang caramihang tauo; hindi icao,i, nacari�gig di�gig nang
ma�ga bali-balita nang ma�ga bagay-bagay na nangyayari dito sa mundong
ito. Caya minamasama mo ang ma�ga tauong hindi nagsisimba arao-arao,
at hindi nagdadasal nang marami, � hindi caya gumagaua nang ma�ga
_devosiong_ inuugali mong gauin; �guni,t, hindi mo iniisip, na ang
tauo,i, namamatay sa capighatian nang loob, cundi siya,i,
lumayao-layao na miminsan-minsan sa ma�ga catouaan at casayahan.

Cung sa iyo, ay ituloy mo,t, ituloy ang iyong dating caugalian,
datapoua,t, houag mo acong paghihinalaan sa anomang bagay, at marunong
na acong cumilala �gayon nang magaling at nang masama.

Houag mong masamain, Pili, itong aquing ma�ga salita, na hindi �ga
masasama, baga man hindi mo pa rin natatalastas na maigui, gaua nang
caquitiran at caiclian nang ma�ga itinuturo sa atin diyan sa canitang
bayan.

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Tue 13th Jan 2026, 10:23