|
Main
- books.jibble.org
My Books
- IRC Hacks
Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare
External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd
|
books.jibble.org
Previous Page
| Next Page
Page 19
Ibig co sanang dumating agad ang panahon nang _pagvavacasion_ namin,
nang aco,i, macapagsaysay sa iyo, nang maliuanag na maliuanag, nitong
ma�ga bagay na ito, na, _segurong-seguro,i,_ minamasama mong totoo
�gayon.
Cung may aua ang Pa�ginoon Dios, ay darating din ang tadhanang arao na
ninanasang totoo nang loob co at saca tayo,i, macapagsasalita, at
macapag-uusap nang balang nasasaloob natin.
Ipagcumusta mo aco cay tatay at cay nanay at sa lahat na, at sabihin
mo cay nanay, na malacas ang pagtaba co,t, palagui dito sa Maynila.
Ipagcomusta mo naman aco cay Doni, at mag-utos ca nang balang
macacayanan nang mababa mong capatid na si, Pr�spero Baticot.
�Sabihin pa ninyo, ma�ga bumabasa nitong _historiang_ ito, ang
pagnana�gis ni Felicitas, nang matanto niya ang napapalaman dini sa
sulat na ito! Dibdib niya,i, ibig pumutoc sa malaquing capighatiang
nasisilid doon; ang luha niya,i, ualang lagot; ang caniyang hicbi ay
suson-suson; at uala siyang ibang sucat busan nang loob, cundi ang
caniyang Cura at Confesor, ay doon �ga naparoon nang quinabucasan
niyong pagtangap niya nang sulat ni Pr�spero.
Totoo �ga, na si Pili ay may ama at ina, subali,t, itong caniyang
magulang, ay parang baliu ang tayo. Namama�ga sila sa paquiquinig nang
ma�ga minamariquit nilang salita ni Pr�spero sa caniyang ma�ga sulat,
at hindi lamang hindi nila masabi, cung yaong ma�ga salitang yao,i,
mabuti � masama, cundi, ang masid ni Felicitas, ay minamaigui nila ang
lahat, at doon ang quiling nang canilang loob, caya hindi siya
sumanguni sa caniyang magulang.
Naparoon, anaquin, si Felicitas sa convento, at halos hindi pa
nagbigay siya nang magandang arao sa aming mahal na Padre Cura, ay
napaiyac siya at napasigao nang catacot-tacot.
Nagulat ang aming Cura, at agad-agad inusisa niya cay Pili ang bagay
at dahilan nang caniyang pag-iiyac at pagsigao; at sa di macasagot at
macapa�gusap itong si Felicitas, gaua nang pananaghoy, na ga
nacahahalang at nacasasara nang caniyang lalamunan, ay iniabut niya sa
Cura ang sulat ni Pr�spero, na taglay niya.
Dinampot nang Cura ang naturang sulat, binuclat niya,t, binasa, at
capagcaraca,i, naquita niya ang mabisang camandag na nagtatago sa
ilalim nang ma�ga salita ni Pr�spero sa caniyang sulat; at tuloy
nag-uica cay Felicitas nang ganito:
--Itiguil mo iyang pag-iiyac mo, Pili, at sinabi co na sa iyo, na,
uala cang ibang masasapit diyan sa pag-iiyac mo, cundi isang mabigat
na saquit.
Talastas co �ga, na ang lagay nang capatid mo,i, sucat icasindac at
icaiyac mo, sapagca,t, masamang totoo ang caniyang tayo. Subali,t,
pacacatantoiun mo naman, na ang gamot na quinacaila�gan ni Pr�spero,
ay hindi mo macucuha sa pag-iiyac.
Ang cahalimbaua nang capatid mo, ay isang puno nang cahuy, � isang
_macetas_ caya, na itinatanim sa masama,t, pacat na lupa, na diliguin
mo ma,t, diliguin maya,t, maya, ay hindi lumalago, at di man nanariua,
cundi bagcus nalalanta, at tila,i, naghihimatay, at camatayan ding
ualang sala ang caniyang casasapitan, cundi mo isalin, ang naturang
cahoy � _macetas_, sa ibang matabang lupa, na cahiyang niya.
Iyan din, p�, ang imic ni Felicitas, iyang din, p�, ang nasasaaquing
calooban; subali,t, p�,i, mahirap na mahirap ipatalastas sa magulang
co itong bagay na ito; palibhasa,i, ang boong acala at ang boong asa
nila,i, si Pr�spero ay umiigui,t, umiigui, at hindi sumasama sa
caniyang dating lagay nang caloloua,t, catauoan. Caya, p�,
ipinamamanhic co sa inyo, na, cung baga,i, mangyayari sa inyo p�ng
loob, ay pa�garalan, p� ninyo ang tatay at ang nanay co, at sabihin,
p�, ninyo sa canila, paouiin na nila dito si Pr�spero.
--Oo, ang sagot nang Cura, oo, gagauin co,t, sasabihin co sa magulang
mo iyang lahat nang iyan; �guni,t, hindi co maipa�gaco sa iyo, na
macacamtan natin ang ating hinahabol, sapagca,t, ang damdam co,i,
matigas na totoo ang loob nang tatay mo tungcol sa bagay na ito.
--Ang damdam co, p�,i, ang lalong mahirap na pabaliquin loob �gayon,
ay si nanay; at caya, p�, ganoon ang aquing salita,i, sapagca,t, ang
pagmamasid co, po,i, natotoua nang labis na toua ang aquing nanay,
nang basahin co ang ma�ga sulat ni Pr�spero, na ini�gatan niya, at
pinababasa sa aquin nang madalas.
Previous Page
| Next Page
|
|