Si Tandang Basio Macunat by Fray Miguel Lucio y Bustamante


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 20

--Ating atuhan, ang uica nang Cura, ating atuhan. �gayo,i, umoui ca
na, at houag cang umiyac, at houag mo namang alalahanin itong ma�ga
bagay na ito. Sundin mo lamang ang una cong hatol sa iyo, na sa
macatouid: ipanala�gin mo sa ating Pa�ginoon Dios ang capatid mong si
Pr�spero nang siya,i, iadiya,t, iligtas sa dilang masasama, at ang
Panginoon Dios na ang bahala.

Nagpaalam na si Felicitas, at nang dacong hapon niyong ding arao na
yao,i, nagpasial ang aming Cura, at naparaan sa tapat nang bahay nina
cabezang Dales.

Nang magdaan ang aming Cura sa _calzada_ ni _cabezang_ Andr�s, ay
nagcatong gumagaua-gaua ang mag-asaua ni _cabezang_ Angi sa silong
nang canilang bahay, at pagcatanao nila sa Cura, ay lumabas ang
mag-asaua sa _calzada_, sinalubong ang Cura, hinalican nang camay, at
pinaraan pa siya sa canilang bahay. Pinasalamatan sila nang Cura, at
nagdahilan, na siya,i, maglalacad-lacad pa; subali,t, tumiguil siya,
at nagcocono-conouari siya,i, nanonood nang ma�ga bulaclac na
tumutubo sa loob nang bacuran nang canilang _solar_, at nagtanong sa
naturang mag-asaua nang iba,t, ibang tungcol sa ma�ga bulaclac at
ibang ma�ga pananim, na natanao doon; at caalam-alam nila,i, ang uica
nang aming Cura:

--�_Seguro,i,_ si Pr�spero ang nagtanim niyang mga halaman na iyan!

--Siya �ga, p�, ang sagot ni cabezang Angi, siya �ga p�; sila p�ng
dalauang magcapatid ni Pili ang nagtanim niyang lahat na ma�ga halaman
na iyan.

--At ano caya, ang malam�n na tanong nang Cura, ano caya ang lagay ni
Pr�spero sa Maynila?

--Mabuti, p�, ang bigla,t, sabay na sagot nang mag-asaua ni Dales,
mabuti, p�, aua nang Pa�ginoon Dios.

--�Ay ano baga, hindi caya sumam� roon ang caniyang dating mabuting
ugali?

--Ang damdam, p�, namin, ang sagot ni cabezang Angi, ang damdam, p�,
namin, ay hindi siya sumasam�, cundi umiigui pa, p�, sa dati.

--Salamat, cung ganoon, ang uica nang Cura, salamat, cung ganoon,
subali,t, iba ang aquing balita.

--�Ano, p�, ang iyong balita? ang tanong nang mag-asaua.

--Ang balita co,i, masama na �gayon ang caniyang ugali.

--�_Segurong-seguro_, p�, ang sigao ni cabezang Angi,
_segurong-seguro_, p�,i, ang nagbalita sa inyo niyan ay ang amin pong
Felicitas!

--Masasabi co, ang tugon nang Cura, masasabi co ang ma�ga nari�gig
cong balita; datapoua,t, hindi co dapat ituro, cung sino-sino ang
aquing quinaringgan. At nang sabihin co sa inyo ang totoo, ay
pacatantoin ninyo, na masamang-masama ang tayo ni Pr�spero. Narahio
siya capagdaca sa ma�ga hibo nang mundo at nang Demonio, at cundi
ninyo paalisin, pacatalastasin ninyong maigui, cundi ninyo paalisin
agad-agad siya sa Maynila, at paouiin dito, ay masama ang casasapitan
niya, at masama naman ang casasapitan ninyo. Hindi aco manhuhula;
subali,t, tila,i, hindi aco nagcacamali sa panghuhula cong ito.

Nang nari�gig nang mag-asaua ni Dales itong salita nang aming Cura, ay
napaiyac sila capoua, at pagcamayamaya,i, nag-uica si cabezang Andr�s
nang ganito:

--Maca, p� amo, iyang ma�ga balitang iyang dumating sa inyo,i, hindi
totoo; at talastas, p�, ninyo, na, cung minsan, ang gangabutil nang
palay, ay ginagaua nang ma�ga bibigang tauo na casinglaqui nang
_latore_ nang ating Simbahan.

--Totoo iyang sinasabi mo, Andr�s, at siya �ga ang caraniua,t,
cadalasang nangyayari dito sa _mundong_ ito: subali,t, cung sa ganang
aquing, ay masasabi co sa inyo, na ang lahat na ma�ga ibinabalita co
sa inyong tungcol cay Pr�spero, ay hina�go co,t, sinimot sa
mistula,t, tunay na bucal. Caya, cayo nang bahalang sumunod � sumuay
sa hatol co sa inyo, na paouiin ninyo baga, at patirahin dito sa bayan
ang inyong anac.

--Baquit, p�, hindi, ang sagot ni cabezang Andr�s, baquit, p�, hindi
namin susundin ang inyong hatol? Asahan, p�, ninyo, na cung totoo ang
ipinamalita, p�, ninyo sa amin, ay agad-agad cucunin co si Pr�spero sa
Maynila, at ipagsasama co, p�, rito.

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Tue 13th Jan 2026, 14:49