|
Main
- books.jibble.org
My Books
- IRC Hacks
Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare
External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd
|
books.jibble.org
Previous Page
| Next Page
Page 21
Nagpaalam na ang Cura, at ang uica,i, siya,i, maglalacad-lacad pa.
Humalic uli nang camay si Dales at si Angi, at yumaon na ang Cura....
Dito, p�, ang uica ni tandang Basio sa aquin, dito, p�, sa binabasa co
�gayon, ay mayroong isang _nota_.
--Inyo p�ng basahin, ang sagot co.
--Ang _nota_ pong sinulat nang tatay co,i, ganito:
Marami ang sucat cong ipagpuri sa tinuran cong Padre Cura namin;
�guni,t, ang iquinatotoua cong totoo sa nasabing Padre, ay ang
caniyang ugali, na magsabi sa sangnaliuanag, at ualang palico-licong
salita, nang totoong nasasacalooban niya, � inaabot nang caniyang
pag-iisip, na ualang binubucod siyang tauo.
Cunan ninyo siya nang sanguni sa ano pa mang bagay, at capagcaraca,i,
sasabihin niya sa inyo, na yaong isinasanguni ninyo sa caniya,i,
mabuti � masama, � cung dili caya, ay uiuicain sa inyo, na hindi
quinacaya nang caniyang pagiisip ang paghatol sa inyo nang mabuti at
matouid, tungcol doon sa bagay na isinasanguni ninyo sa caniya. At
dito sa ma�ga paghatol niyang ito,i, hindi inaalumana niya, cung
yao,i, icagagalit ninyo, � icasasama nang loob ninyo sa caniya. Na sa
macatouid; ang totoo at tapat ang inihahatol niya sa inyo, na ualang
caalang-ala�ganan _ni_ sa inyo, _ni_ sa ca niya _ni_ sa canino man.
--Hangan dito, p�, ang _nota_, ang sabi ni tandang Basio. �gayon, p�,
aniya, �gayon, po,i, cung _gusto_ ninyo, ay itutuloy co, p�, ang
aquing binabasang salita nang tatay co.
--Ituloy, p�, ninyo, ang aquing sagot.
Nang umalis ang aming Cura, at maiuan nang mag-isa ang naturang
mag-asaua, ay nag-uica si cabezang Angi sa caniyang asaua nang ganito:
--�Ano baga, Dales? Totoo caya ang ipinamalita sa atin nang ating
Cura?
--Ayauan co baga; subali,t, ang ating Cura ay hindi nagpapatotoo nang
hindi natatanto niyang totoo. Ito lamang ang masasabi co sa iyo.
--�Ay ano caya ang mabuti nating gauin, dito sa ating lagay?
--Ayauan co, ang sagot ni cabezang Andr�s, ayauan co sa iyo. Icao ang
bahalang mag-isip, cung ano caya ang mabuti diyan.
--Ang naisipan co, ang uica ni cabezang Angi, ang naisipan co,i,
sumulat sa lihim cay Proper, at mag-usisa sa caniya, cung totoo, �
hindi totoo itong balitang dumating sa atin, at doon sa caniyang
sagot, ay mahaha�go na natin ang dapat nating paniualaa,t, gauin.
--Ay siya, ang sagot ni Dales, ay siya, magpasulat ca na cay Pili,
nang matanto nating madali itong ma�ga bagay na ito.
--�E, �!, ang sigao ni Angi, ��, �!, hindi co ipagagaua cay Pili ang
sulat na naisipan co.
--�At ano?, ang tanong ni Andr�s.
--Sapagca,t, ang damdam co,i, ang ating Pili ay caayon nang Cura, at
ang Cura,i, caayon ni Pili, tungcol dito sa ma�ga _locong_ balitang
ito.
--Cung ganoon, ay icao ang bahalang magpagaua sa canino man niyang
sulat na iyan.
--Aco na �ga ang bahala, ang sagot ni Angi; houag cang mag-alaala.
Hindi co inusisa, at hindi co rin nabalitaan, cung sino caya ang
sinuyo ni cabezang Angi, � inupahan niya baga, sa paggaua nang
caniyang sulat; datapoua,t, naalaman co, palibhasa,i, binasa co rin,
naalaman co, anaquin, na ang laman nang nasabing sulat ay ganito:
=_SULAT NI CABEZANG ANGI_=
Caibig-ibig na ualang casing ibig cong anac. Cahimanauari datnan ca
nitong aquing sulat, na ualang sacunang anoman sa caloloua,t,
catauoan; cami naman dito, aua nang Pa�ginoon Dios, ay mabuti caming
lahat.
Previous Page
| Next Page
|
|