Si Tandang Basio Macunat by Fray Miguel Lucio y Bustamante


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 22

Ang bagay at dahilan nang pagsulat co sa iyo, iniirog cong anac, ay
nang maalaman co sa iyo rin, cung totoo, � dili caya ang balitang
dumating sa amin nang tatay mo; na di umano,i, icao ay panoo,t
paganoon; na icao ay iba na sa dati; na ang ugali mo �gayon ay
malayong-malayo sa inuugali mo rito, at iba,t, iba pa.

Houag mong ilihim sa aquin, anac cong guilio, ang totoong asal at tayo
mo riyan. Ipaquita mo, at ipahayag mo sa aquin ang balang iniisip mo,
ang balang nasasacalooban mo, ang balang ginagaua mo, nang maalaman co
ang totoong calagayan nang caloloua,t, catauoan mo, nang cata,i,
gamutin � hatulan nang matouid, cung baga,i, quinacaila�gan mo ang
hatol � gamot.

Inaasahan namin nang tatay mo ang casagutan mo dito sa aquing sulat;
subali,t, houag mong ilagay sa taquip nang sulat mo ang pa�galan ni
Pili, cundi ang pa�galan co, � ang pa�galan nang tatay mo.

_Y no mas_. Ang ating Pa�ginoon Dios,ang mag-i�gat sa iyo. Sumagot ca
nang madali sa masintahin mong ina, na si Maria Dimaniuala.



Hindi aco marunong; hindi aco nag-aaral sa Maynila nang anoman; uala
acong naalaman cundi bumasa at sumulat nang caunti; ang calabao ay
siya ang aquing quinacasamang palagui; �guni,t, gayon man, ay sa
inaabot lamang nang aquing caunting pag-iisip, ay talastas co na cung
ang tauong may casalanan, ay siya mong tanu�gin tungcol sa caniyang
casalanan, ay itatatua niyang agad, (at siyang caraniuang naquiquita
natin); � cung dili caya, ay babauasan niyang ualang sala ang caniyang
cacula�gan.

At ito �ga ang nangyari cay Pr�spero. Inoosisa ni cabezang Angi sa
caniya ring anac, cung totoo � hindi totoo, na siya,i, (si Pr�spero
baga), macasalanang tauo, at ang sagot ni Pr�spero, na siya,i, hindi
macasalanang tauo.

�Pagcalaqui-laquing camalian nina cabezang Angi dito sa pag-uusisang
ito!

Ang pagcaalam co,i, na cung dito sa ma�ga cataonang ito,i, hindi dapat
tanu�gin ang may catauoan, cundi ang ibang tauong may tapat na loob.

Itutuloy co uli ang pagsasalita nang ma�ga nangyari sa mag-anac ni
cabezang Dales.

Tinanggap ni Pr�spero ang sulat nang caniyang ina; binasa niyang
minsan, macalaua, macaitlo pa; guinunamgunam niyang maigui ang
na�gapapalaman doon; at natulig siyang tuloy. At sa di maisip niya,
cung ano cay� mabuting sagot sa caniyang ina, ay isinanguni naman niya
itong bagay na ito sa caniyang ma�ga casamang _estudiante_.

Binasa ni _estudianteng_ Francisco ang sulat ni cabezang Angi, at
inabot niyang tuloy cay Julio, at pagcabasa nitong si Julio ang
naturang sulat, ay nagtauataua siya, at ang uica cay Pr�spero.

--�Mahirap ang tayo mo Proper!

--�At ano? ang tanong ni Pr�spero.

--Sapagca,t, ang damdam co,i, marami ang nanunuboc at nagbabantay sa
iyo. Subali,t, cung ibig mong sundin ang ihahatol co sa iyo, ay....

--Susundin co, ang biglang uica ni Pr�spero susundin co nang lubos na
pagsunod, cung baga,i, matouid at tapat ang hatol mo sa aquin.

--Cung ganoon, ang ulit ni Julio, cung ganoon ay ito na,t, paquingan
mo ang talaga cong sasabihin sa iyo. Ang pagcatalastas co, aniya diyan
sa mga sulat nang nanay mo at nang capatid mong dalaga, ay ang sila,i,
ma�ga _beata-beatahan_ na hindi nila naalaman cung alin caya ang
canilang canang camay, at para-parang natatacot sila, na maca icao,i,
mapahamac dito sa Maynila, sapagca,t, ica,i, malayo sa canila, at
hindi icao,i, naqui-quita nila. Dahilan dito,i, ang ano-anomang
balitang dumarating sa canila tungcol sa iyo, ay cahima,t, gangabutil
nang bigas lamang, ay guinagaua nilang ganga calabao nang laqui....

--�Ay ano, ang tanong ni Pr�spero, ay ano caya ang dapat cong isagot
sa canila?

--�_Apurado_ ca naman! ang sigao nang taga Pacong _estudiante,
�apurado_ ca naman!, hindi pa tapos ang aquing sinasalita, at
nagtatanong ca na. Paquingan mo, hombre, ang tuloy na salita ni Julio;
paquingan mo, _hombre_. Diyan sa ma�ga sulat nang nanay mo, at nang
capatid mo, ay hinaha�go co,t, ga naquiquita co, na sila,i, ualang
_malisia_ at paniualaing totoo, caya ang hatol co sa iyo,i,
ganito:--Sumulat ca sa canila, at sabihin mo lamang, na ang ugali mo
�gayo,i, mabuti at mabuting-mabuti pa sa dati; at asahan mo, na
sila,i, maniniuala sa iyong sabi, at matutoua pa sila nang di
biro-biro.

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Tue 13th Jan 2026, 18:19