Si Tandang Basio Macunat by Fray Miguel Lucio y Bustamante


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 23

�_Tusong-tuso_, ang uica nang _estudianteng_ taga-Bulacan,
_tusong-tuso_ itong si Julio! Sundin mo �ga, Proper, ang caniyang
hatol, na acala co,i, maigui; at bucod dito,i, cung ganoon ang sagot
mo sa canila, ay hindi icao,i, paghihinalaan nang ma�ga nanay mo.

Umayon mandin si Pr�sper sa hatol nang ma�ga casama niya; at sumulat
cay cabezang Angi nang ganito:



=_ICATLONG SULAT NI PROSPERO_=

Caibig-ibig at cagalang-galang cong ina: Tinangap co, p� ang
minamatamis cong sulat ninyo, at nang aquing pong basahin, ay nalumbay
na totoo ang aquing calooban.

Guinugunam-gunam co, p�ng maigui ang laman nang inyong sulat, at
pinagbubulay-bulay co, po, cung ano,t, anong guinagaua co rito sa
Maynila; at sa uala acong naalamang masamang guinagaua co rito, ay
iniisip co, p�, cung sino caya ang baliu � maopasalang tauong nacasira
nang inyo p�ng mahal na capayapaan nang loob, nang pagbabalita sa inyo
nang ma�ga sino�galin at maling balita, at uala rin, p�, acong maisip,
na sucat cong pagbingta�gan; caya, po, ang totoo ang sasabihin co sa
inyo.

Aco, p�, nanay, ay ualang guinagaua ditong masama, at ang ugali co,
p�, �gayo,i, hindi masama sa dati, cundi, acala co,i, maigui pa, p�,
sa roon, palibhasa, p�,i, �gayon, ay tumatalas-talas ang aquing
pag-iisip, at lumilinao-linao ang aquin pong bait, at naquiquilala co,
p�, �gayon ang magaling at ang masama, na dati-dati di co, p�,
nababatid.

Ang pag-aaral ay siya co p�ng pinagsisipagan, at uala, p�, acong ibang
caliba�gan, cundi ang paglacadlacad, na maminsan-minsan, sa ma�ga
_paseo_ at sa ma�ga _calzada_, pagcatapus nang aquing ma�ga
_obligacion_.

Caya, p�, ipinamamanhic co, p�, sa inyo, nanay, na houag baga maniuala
cayo sa ma�ga sabi-sabi nang ma�ga tauo, na ang cadalasan p�,i,
naninira sila nang puri nang capoua tauo, gaua lamang nang canilang
capanaghilian, � casamaan nang ugali, � nang canilang caha�galan caya.

Ipagpacomusta, p�, ninyo aco cay tatay at cay Pili, at sa lahat nang
camaganac at caquilala natin, at mag-utos, p�, cayo nang balang nasa
inyong mababang lincod at masintahing anac, na si Pr�spero Baticot.



Di masaysay ang toua,t, saya ni cabezang Angi nang mapagtalastas niya
ang cahulugan nitong sulat nang caniyang anac.

Tingnan mo, tingnan mo, ang uica niya sa caniyang asaua, tingnan mo
Andr�s, itong sulat ni Proper, at diyan maalaman mo ang totoong
calagayan nang anac ta. Diyan lamang aco,i, naniniuala, sapagca,t, ang
ating anac na iyan, ay hindi magbubulaan sa aquin. Caya sa maniuala
ca,t, sa dili, ay sasabihin co sa iyo, na ang lahat na ibinabalita sa
canita nang ating Cura, ay _purong_ cagagauan ni Pili, na ang isip
niya baga,i, tayo,i, para-parang masasama, at siya lamang ang
maigui....

--Tiguilan mo iyang balita mong iyan, Angi, ang biglang sagot ni
cabezang Dales, na tila,i, may cahalong galit; tiguilan mo iyang
salita mong iyan, Angi, at houag mong pagbinta�gan si Pili at houag mo
siyang siraan nang puri. Ang ating Pili, ay hindi marunong
magsinungaling, hindi marunong magbintang sa capoua tauo, hindi
marunong mag-upasala; at cung baga sacali,t, siya,i, nagsalita sa iyo
nang anomang bagay tungcol cay Proper, ay asahan mo, na iyan, ay hindi
gaua nang casamaan nang loob ni Pili, cundi gaua lamang nang
cahigpitan nang caniyang _conciencia_, � gaua caya nang catalasan nang
caniyang pag-iisip, na umabot sa hindi ta maabutan. �Salamat nang
maraming-marami sa ating Pa�ginoon Dios, cung ang lagay nang
caloloua,t, catauoan ni Proper ay maigui na para nang ninanasa mo,t,
ninanasa co naman!, subali,t, houag mong paguicaan si Pili nang caunti
mang uicang masama. �Marahil siya,i, nasa catouiran, at cata,i,
malayo!

Pagcari�gig ni cabezang Angi nitong mainit na salita nang caniyang
asaua, ay tumicom na siya, at mula noon, ay hindi pinag-usapan nila si
Pr�spero, at hindi man sinambit nila ang caniyang pa�galan.

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Tue 13th Jan 2026, 20:13