|
Main
- books.jibble.org
My Books
- IRC Hacks
Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare
External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd
|
books.jibble.org
Previous Page
| Next Page
Page 24
�guni,t, lumacad ang panahon, at sumapit ang arao na tadhana nang
_pagvavacacion_; at ito na si Pr�spero, na dumating dito sa bayang
sacay sa isang maganda at mariquit na _cabayong_ may _paso_, na
ipinasalubong sa caniya ni cabezang Angi doon sa Cainta. Uahi ang
bohoc, quiling ang _sombrero_, mapu�gay ang ti�gin, maputi at matigas
ang salaual at baro, _botitos_ ay maquintab at maquipot, at
pina�gu�gusapan pa niya ang _cabayo_ sa uicang _castila_.
Nagtatanu�gan sa _plaza_, cung sino caya yaong lalaquing dumaan doong
matigas ang soot, at mabilis na parang quidlat ang tacbo nang
_cabayong_ sinasaquiyan niya; at ang ma�ga dalagang taga rito sa
Tanay, na may _pagcaosiosa_ nang labis, ay silang una-unang
nagtatanu�gan at nagsasagutan.
--Iyan, p�, ang uica nang isa, ay ang anac n� cabezang Angi.
--Iyan, p�,i, si Proper, na taga Ilaya, ang sagot nang iba.
--Iyan, p�, ang sagot nang caramihan, iyan, p�,i, ang _estudianteng_
anac ni cabezang Dales.
--Iyan, p�, ang capatid ni Pili, ang sigao nang iba.
--Iyan, p�, ang uica naman nang isang _dalaguitang_ naroroon sa
_plaza_, iyan, p�,i, si "Bat�cot na cabanal-banalan", cung tauaguin
naming ma�ga bata doon sa ilaya.
Pababayaan co itong ma�ga salitang ito, at sasabihin co lamang, na ang
toua ni cabezang Angi ay lumalo nang di hamac sa dati, nang maquita
niya ang anyo at quilos nang caniyang anac. Ualang di iquinatotoua
niya cay Pr�spero. Ang caniyang lacad; ang pagsasalita; ang
pagcudunday-cunday, at ang cabutingti�gan pa sa pananamit, ay
para-parang minamahal at pinupuri ni cabezang Angi. Caya pagpanaog ni
Pr�spero sa bahay, ay tinatanao at tinatanao nang caniyang ina na
hangan sa inaabot nang caniyang mata.
Subali,t, iba,t, iba ang lagay nang calooban nang isa,t, isa sa bahay
ni Dales, at siya cong sasalitain �gayon.
Ang tayo nang loob nang mag-anac ni cabezang Dales sa panahong yao,i,
ganito:
Si cabezang Andr�s ay nagmamasid na totoo cay Prospero, datapoua,t,
namamalisa siya,t, hindi natututong mamintas � magpuri caya sa ugali
niya.
Ang puso ni cabezang Angi ay gaibig pumutoc, gaua nang malaquing toua
niya, at ualang-ualang di ipinupuri niya sa caniyang anac.
Ang totoong caaua-aua,i, si Felicitas, at caya ganoon, sapagca,t,
�gayo,i, naquiquita na nang caniyang mata, at nariri�gig nang caniyang
tai�ga, ang dati-dati ay sinasapantaha niya lamang at pinaghihinala.
Caya ang cadalamhatian nang caniyang loob, ay lubhang mabigat. At saan
di magcacagayon? Pinagmamasdan niya ang ma�ga ugali,t, asal ni
Pr�spero, ay naquiquita niya, na pagcaguising nang caniyang capatid
cung umaga, ay naghihilamus siya nang mahabang _oras_, linilinis niya
ang caniyang �gipin, sinusuclay ang buhoc at pinapahiran pa nang ma�ga
_pomada_, sinasabon ang camay nang mababa�gong sabong caniyang dala,
at pagcatapos, ay magbibihis nang bago, cahima,t, malinis at matigas
pa ang damit nasacaniyang catauoan, at tuloy nananaog, at gagalagala
cung saan-saan, hangan sa siya,i, nagugutom. Pagcacain ay sulong na
naman, na hindi siya tumitiguil sa bahay, cundi sa _oras_ nang
pagcain, at hindi sisipot cung gabi, cundi hating gabi na, at hindi
_maquiquipagrosario_, at hindi naman tumutulong siya nang caunti man
lamang sa caniyang ama, at hindi man naquiquialam � nagtatanong-tanong
tungcol sa pamamahay � pagcabuhay nang magulang, na ualang-uala siyang
guinagaua, cundi lumigao arao,t, gabi sa ma�ga dalagang nababalitaang
maganda dito sa bayan, at siya na.
Saan di, anaquin, magcacagayon si Felicitas, at buc�d sa ma�ga
sinasalita co na, ay naquiquita rin niya, na ang pagsisimba man nang
caniyang capatid, cung Domingo at piestang pa�gilin, ay catua?
At totoo �ga. Cung magsimba si Prospero sa ma�ga lingo at ma�ga
piesta, at tatayo-tayo siya sa pinto nang simbahan, (na siyang huling
pumasoc at unang lumabas); at sinisilip-silip niya ang ma�ga dalagang
dumaraan sa caniyang harap, at sinasabugan pa niya nang ma�ga uicang
bulaclac, na cahalay-halay paquingan saan man, at lalong-lalo na sa
ma�ga _lugar_ na yaon.
Previous Page
| Next Page
|
|