|
Main
- books.jibble.org
My Books
- IRC Hacks
Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare
External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd
|
books.jibble.org
Previous Page
| Next Page
Page 25
At hindi lamang ito, cundi, pa naman, sa pagsasalitaan nilang dalauang
magcapatid, ay hina�go ni Felicitas na malinao na malinao, na mali at
sinsay sa catouiran ang pag-iisip ni Pr�spero tungcol sa maraming
bagay na ucol sa caloloua.
Itong lahat na ito, inuulit cong sabihin, ay naquiquita at
pinagmamasdan ni Pili, at siyang iquinalulumbay na totoo nang caniyang
loob, at iquinasisiquip nang caniyang dibdib.
Pagcatapos nang _pagvavacasion_ ni Pr�spero, ay lumuas siyang uli sa
Maynila, nang maituloy ang pag-aaral. Subali,t, hindi na
pina�gatauoanan niya ang pag-aaral, cundi ang pagligao lamang, ang
pagsusoot nang maririquit, at ang paglayao niya sa ma�ga catouaan dito
sa mundo.
Dahilan dito sa ma�ga inougali ni Pr�spero doon sa Maynila, ay
nagcautang siya nang marami, at nang dumating ang arao nang
_pag-eeksamen_, ay nagkaroon siya nang _nota_ nang _reprobado_.
�guni,t, itong lahat na ma�ga bagay na ito,i, inililihim niya,t,
ipinagcacaila sa caniyang magulang; at nang siya baga,i, macabayad
nang ibang ma�ga utang niya, ay sari-saring idinadaing at
ipinagdadahilan sa caniyang ina sa ma�ga lihim na sulat, nang siya,i,
padalhan nang caunting salapi.
Pinaquiquingan ni cabezang Angi ang ma�ga carai�gan nang caniyang
anac, at dala nang aua, (nang isang falsong aua), ay pinadadalhan din
si Pr�spero nang caniyang ina nang salaping hinihi�ging pagtago sa
caniyang asaua at cay Felicitas; at dahilan dito sa falsong aua ni
cabezang Angi sa caniyang anac, ay lalong-lalong nagmamalaqui si
Pr�spero at nagmamayaman doon sa Maynila, at lalong-lalong na�ga�gahas
siya, at lalong-lalong nalulubog siya sa lanay, na dati niyang
quinatutungtu�gan.
Hindi co iisaisahing salitain ang lahat nang caba�gauang guinaua ni
Pr�spero doon sa Maynila, at mapapacahabang totoo itong aquing
casulatan, caya lalactauan co ang marami, at sasabihin co lamang na si
Pr�spero,i, nagtumira nang apat na taon sa Maynila, at liban sa
naunang taon, ay uala na sa caniyang loob ang pag-aaral, cundi ang
pagmamalibog: na hindi man pinaquiquingan niya ang pa�ga�garal at
pagbabala sa caniya nang caniyang _catedr�tico_, at cung caya
nagcaroon siya nang _nota_ nang _reprobado_ na tatlong taong
sunod-sunod. At bucod dito,i, nagcautang siya nang maraming
calapasta�ganan, na linilisan cong talaga. �guni,t, itong ma�ga
casalanan niya, ay hindi lamang hindi pinamamalayan niya sa caniyang
magulang at ma�ga camaganac, cundi bagcus ay sari-saring paraan at
susong-suson na cabulaana,t, casino�galingan ang caniyang guinamit,
nang houag baga mahalata nila ang masama at cahabag-habag na calagayan
niya. At gayon din ang caniyang guinaua, nang houag siyang cagalitan
nang magulang dahilan sa hindi _pagvavacasion_ niya dito sa Tanay nang
dalauang tauong magcasunod.
Datapoua,t, palibhasa,i, sa ating Pa�ginoon Dios ay ualang sino, at
palibhasa nama,i, ang lahat na ma�ga bagay-bagay dito sa mundong
maraya,i, may catapusan; ay dumating din cay Pr�spero ang tadhanang
arao, at dinaquip siya nang Justicia, at piniit sa bilangoan, dahilan
sa ma�ga utang, at iba,t, ibang ma�ga cabaliuang guinaua niya sa
Maynila.
Itong lahat nang ito,i, nagcataon sa catapusan nang icapat na taong
magmula nang si Prospero,i, nag-aaral sa Maynila at casalucuyang
siya,i, inaantay nang caniyang magulang dito sa Tanay, alinsunod sa
caniyang pangaco, na siya,i, paririto at _magvavacasion_ dini sa
caniyang bayan.
Calumbay-lumbay ang nangyari sa mag-anac ni cabezang Dales dahilan
dito. Tinangap nila ang isang sulat ni Pr�spero, at doon itinutucoy
niya ang arao nang pag-alis niya sa Maynila, na patu�go rito.
Malaqui ang toua nilang lahat nang mabalitaan nang ganoon, subali,t,
ang toua ni cabezang Angi, nang matanto niya ang napalaman sa sulat ni
Pr�spero, ay lumalo na di hamac sa lahat, palibhasa,i, mayroon nang
tatlong taong di nasisilip-silip niya ang muc-ha nang caniyang
caibig-ibig na anac, at _gustong-gusto_ niyang maquita. Caya dala nang
malaquing toua niya,t, nasang maquita ang caniyang anac, ay
pinasalubu�gan niya si Pr�spero nang isang matuling at mariquit na
cabayo doon sa Cainta, niyon ding arao na itinucoy ni Pr�spero sa
caniyang sulat.
Nang magcaganito,i, nag-aantay ang magasaua ni cabezang Andr�s, pati
ni Felicitas nang pagdating nang canilang anac at capatid, at handa na
ang caniyang pagcain pati bihisan. At sa di dumarating-dating nang
_macaanimas_ na, ay namamalisa silang lahat, at pinag-uusap-usapan
nila ang dahilan nang gayong pagcaluat, at ang uica nang isa.
Previous Page
| Next Page
|
|