|
Main
- books.jibble.org
My Books
- IRC Hacks
Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare
External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd
|
books.jibble.org
Previous Page
| Next Page
Page 26
--�Baca, nahulog si Pr�spero sa cabayo!
--�Baca, hindi nacaquita siya nang bangca! ang sagot nang isa.
--�_Seguro_,i, guinabi siya sa Taytay � sa Bina�gunan caya, at doon na
siya,i, matutulog, at mag-aantay nang sicat nang liuayuay, ang uica
naman nang isa.
Ganoon nang ganoon ang pinagsasalitaan at pinag uusapan nilang
mag-anac, na hindi nagcacaisa ang canilang caisipan at narito na ang
isang _oficiales_, na nangagaling sa Tribunal, at may ta�gang isang
_oficiong_ sulat nang _Sr. Alcalde mayor_ sa Maynila, na ang lam�n ay
ganito: cung sa uicang tagalog:
Gobernadorcillo sa Tanay.--Pagtangap ninyo nitong _�rden_ � cautusan,
ay papaharapin ninyo dito sa _Alcaldia mayor_ ang dalauang catauo, na
si D. Andr�s Baticot at si do�a Maria Dimaniuala ang ma�ga �galan,
nang sila,i, macasagot sa _sumariang_ guinagaua dito sa _Juzgado_,
_contra_ sa canilang anac na si Pr�spero Baticot dahilan sa ma�ga
utang at ibang ma�ga capa�gahasan.--Tuparin ninyo agad itong utos na
ito at ipatanto sa aquin ang catuparan.--_Alcaldia mayor_ sa.... sa
icatlong arao nang buan na Junio nang taong 18...--Erizo.
Catacot-tacot ang pag-iiyacan at caguluhan nilang lahat nang matanto
nila ang cahulugan niyong sulat nang _Sr. Alcalde mayor_. Ualang
naalaman gauin, ualang naalaman sabihin.
Dinaluhan sila nang capitbahay at nang ibang tauong nacari�gig nang
ma�ga sigauan nila, at hindi mapalagay-lagay ang canilang loob,
pa�garalan man sila nang ma�ga uicang caalio-alio.
Di tuloy cumain nang hapunan, at di nahiga sila nang caunting _oras_
man lamang niyong magdamag na yaon. At nang quinabucasan nito ay
ipinagtagubilin ni cabezang Andr�s ang caniyang pamamahay at ang
caniyang anac na si Felicitas sa isang capatid niya, na si Juez na
Godio ang �galan, at lumacad na silang mag-asaua, na patu�go sa
Maynila.
Di co man sabihin, acala co,i, mapaguauari rin nang sino mang bumabasa
nitong aquing casulatan ang cadalamhatian nang loob at casicpan nang
dibdib nang mag-asaua ni Dales sa canilang paglacad. Uala silang ibang
nasa, cundi ang macarating silang agad sa Maynila, nang maquita nang
canilang sariling mata, nang mari�gig nang canilang sariling tai�ga,
sa catagang uica: nang maalam nila ang totoong calagayan at ang ma�ga
bagay-bagay na casalanan nang canilang anac na si Pr�spero. Caya uala
sa canilang loob ang gutom at ang pagod. Sila,i, nagugutom nga,t,
napapagod pa, �guni,t, hindi nila inaalumana itong ma�ga hirap na ito,
at ga hindi nila dinadamdam. Isa lamang ang iquinaiinip nila, ang
calayuan baga nang linalacaran nilang daan; sapagca,t, gaua nang
malaquing pagnanasa nilang dumating sa Maynila, ay minamalayo nilang
totoo ang dati-dati ay minamalapit nila.
Cung sasaysayin co ang lahat na nangyari sa naturang mag-asaua doon sa
Maynila, at ang lahat na naisipan nila, at ang lahat na dinamdam at
iquinahirap nang canilang calooban, �Ay ina co! hindi matatapos-tapos
itong aquing salita. Subali,t, palibhasa,t, ang naguing ugali co sa
aquing ma�ga pagsasalita, ay houag gumamit nang maraming uica cung
isasaclao co rin lamang sa caunti; at palibhasa,i, masama rin naman,
cundi co salitain ang nangyari sa mag-asaua ni Angi doon sa Maynila,
ay ito na ang talaga cong sasabihin sa tipid na uica:
Nang humarap ang mag-asaua ni cabezang Andr�s sa Hocom, sa _Sr.
Alcalde mayor_ baga; at nang nari�gig nila sa bibig nang nasabing _Sr.
Alcalde_, ang dami nang pinagcacauta�gan ni Pr�spero; at ang capal
nang salaping caniyang inutang, sampon nang ibang cabalia,t,
capa�gahasang guinaua niya, ay natilihan silang totoo, at
caunting-caunting naboual at nanhimatay na capoua.
Datapoua,t, palibhasa,i, magulang ay nagpacatibay sila nang loob; at
nang houag bagang mapahamac na lalo ang canilang anac, cahima,t,
macasalana,t, palamara; ay na�gaco sila sa _Sr. Alcalde_, na sila,i,
magbabayad nang lahat nang utang nang canilang anac pati nang ma�ga
_perjuiciong_ guinaua niya.
Naglagay sila nang fianzang hinihingi sa canila nang _Sr. Alcalde_, at
hina�go nila tuloy sa c�rcel si Pr�spero, at capagcaraca,i, ipinagsama
nila sa bangca, at sumuba silang tatlo dito sa Tanay.
Nang maguing dalauang lingong magmula nang pagharap nina Dales sa _Sr.
Alcalde_, ay may dumating dito sa Tribunal, ang isang mahigpit na
�rden sa Maguinoong Capitan, na ang iniuutos baga doon, ay pacatantoin
niya sa magulang ni Pr�spero Baticot, na sila,i, magdala � magpadala,
agad agad, sa _Juzgado_ sa _Maynila_ nang ganoong salapi, (hindi co
maalaala �gayong oras na ito, cung magcano ang lahat, subali,t,
matatandaan cong maigui, na macapal na totoo,) at cung sacali,t, hindi
sila magbayad � macabayad nang nasabing _cantidad_, ay gapusin nang
Maguinoong Capitan ang mag-asaua ni Dales, pati anac nila na si
Pr�spero at ipaluas niya sa Maynila casama nang isang _oficiales_ at
ma�ga _cuadrillero_. At nang houag anang utos, magcacahalang ang
anomang cataonan, ay _embargohin_ niya capagdaca ang lahat nang
pag-aari ni don Andr�s Baticot pati nang sa caniyang asaua na si do�a
Maria Dimaniuala.
Previous Page
| Next Page
|
|