|
Main
- books.jibble.org
My Books
- IRC Hacks
Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare
External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd
|
books.jibble.org
Previous Page
| Next Page
Page 27
Ipinatanto nang Maguinoong Capitan cay cabezang Dales itong utos na
ito, at hindi cumibo si Andr�s, cundi itinu�go ang ulo, at ang uica,i,
siya,i, sunod-sunuran sa utos nang ma�ga Puno. Subali,t, nang aalis
na ang aming Maguinoong Capitan, ay ipinamanhic ni cabezang Andr�s sa
caniya, na cung mangyayari sa caniyang loob, ay houag bagang
_ipaembargo_ niya muna ang canilang pag-aari, at siya,i, magbabayad at
magbabayad nang lahat na ualang culang.
Pagcaalis nang Maguinoong Capitan, ay binilang ni Andr�s ang salaping
natatabi sa bahay at sa di umaabot nang calahati man lamang sa
pagbabayad nang ma�ga utang, at ibang ma�ga _perjuiciong_ sinabi sa
canila nang _Sr. Alcalde_, ay ipinagbili niya ang canilang ma�ga
hayop, at ma�ga palayang iba, na ualang natira sa canila, cundi
tatlong calabao lamang, at caunting lupang bubuquirin.
Pagcaipon ni cabezang Dales nang _hustong_ salapi, ay iniluas niya sa
Maynila, at binayaran niya ang ma�ga utang na lahat, at umoui na siya
dito sa Tanay.
Magmula niyon, ay nasira ang capayapaan sa sangbahayan nina cabezang
Angi. Totoo �ga na hindi sila nagcacasiraan, at hindi naman sila
nagtataniman; subali,t, sa loob man lamang, ay nagsisisihan silang
lahat, dahilan sa nangyari, at nagtuturu-turuan nang casalanan nang
isa,t, isa.
At saca, paglibhasa,i, dati-dati ay maguinhaua ang canilang tayo, at
�gayo,i, mahirap na, ay ga quinucutcot ang calooban nang isa,t, isa
nang pag-aalaala nang canilang dating calagayan, at tila sumasama at
tumatabang ang canilang loob, na cung minsa,i, tumutulo pa ang luha sa
canilang mata. At cung caya ang uica co ca�gina,i, nasira ang canilang
capayapaan.
Nang mangaling si cabezang Andr�s sa Maynila, nang macabayad na sa
nasabing ma�ga utang, ay tinauag niya si Pr�spero, at pina�gusapan
niya sa harap ni cabezang Angi at ni Felicitas nang ganito:
Proper, malalaquing totoo ang _perjuicio_ at casiraang guinaua mo sa
magulang mo,t, capatid. Hindi lamang naualan tayo nang pag-aari, cundi
puri natin ay cacalat-calat sa bibig nang tauo. Ipinatatauad namin sa
iyo itong lahat nang ito, datapoua,t, ipinamamanhic din namin sa iyo,
na mula �gayon, at magpumilit cang tumalicod sa masasamang ugaling
pinag-aralan mo sa Maynila; mag-asal ca na nang asal _cristiano_, at
tumulong ca sa amin sa paghanap nang pagcabuhay. Mahirap man tayo
�gayon, ay hindi tayo mauaualan nang macacain at nang pananamit natin,
sa pamamaguitan nang tulong at aua nang Pa�ginoon Dios, cung tayo,i,
masisipag sa _trabajo_. Malaqui ang aua at pag-ibig ipinaquita namin
sa iyo, Proper, caya gantihan mo rin cami nang capoua aua at nang
capoua pag-ibig. Ito lamang ang hinihingi namin sa iyo; subali,t,
magi�gat ca rin, Proper, at houag mo acong biguian uli nang dahilan sa
pagpaparusa sa iyo, sapagca,t, cung magcagayon, ay lulubusin co na.
Pinaquingan ni Pr�spero itong pa�ga�garal at pagbabala sa caniya nang
caniyang amba, at humi�gi siyang tuloy nang tauad sa magulang at
capatid, at ipina�gaco pa niya, na hindi na siya gagaua uli nang
anomang icagagalit nila � icasasama nang loob.
Nang ito,i, matapos, ay nagsapol sila nang bagong buhay, sa macatouid:
buhay nang mahihirap, at hindi na sila mayaman. �Subali,t, cataca-taca
itong mag-anac ni cabezang Andr�s! �Mahihirap man sila �gayo,y, hindi
ninyo mahahalata ang canilang cahirapan!
Dati sila,i, masisipag at mababait, na parang sinabi co sa itaas; caya
nang sila,i, datnan niyong sacunang sinalita co na; ay ualang
catiguil-tiguil sila.
Si cabezang Dales casama ni Pr�spero ay gumagaua sa buquid, sa bundoc
� sa bayan, na ualang tahan.
Si cabezang Angi ay nagbibigas � lumalala nang banig.
Si Felicitas naman, dati-dati ay hindi nananaog sa bahay, cundi sa
pagparoon sa simbahan, � sa ibang bagay na totoong cailangan, ay
gumagaua �gayon nang sari-saring luto at pagcain, at itinitinda,t,
ipinagbibili niya sa _plaza_, umaga,t, hapon. Caya hindi sila,i,
nauaualaan nang anomang caila�gan, at ang canilang lagay �gayo,i,
nagcacaparis din, (cung sa ti�gin nang tauo), sa dati nilang
calagayan.
At sa catunayan, ay magtanong cayo sa canino man dito sa bayan, at
asahan ninyo, na hindi sasabihin sa inyo baga, na ang mag-anac na
cabezang Dales ay mahihirap, cundi ang isasagot sa inyo, na sila,i,
maguinhauang tauo, at mayayaman.
Previous Page
| Next Page
|
|