Si Tandang Basio Macunat by Fray Miguel Lucio y Bustamante


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 28

�guni,t, �oh carupuca,t, caiclian nang ma�ga bagay-bagay dito sa
mundong maraya! Ang paimbabaong caguinahauaha,t, capayapaan nang
mag-anac ni cabezang Andr�s, ay hindi natagal.

Si Pr�spero, na nararatihan na sa ma�ga layao nang catauoan, ay
nabibigatan siyang totoo �gayon at nahihirapan sa pag-aararo, sa
pagtaga nang cahoy at cauayan, sa pagpaparagos, at sa iba,t, ibang
_trabajong_ caraniuang gauin nang caniyang ama na si cabezang Dales.

Caya, nang maguing dalaua � tatlong lingong magbuhat nang siya,i,
tumutulong sa caniyang ama sa _pagtatrabajo_, ay dumaing siyang totoo
sa caniyang ina, nang pamamaltos nang camay, nang saquit nang bayuang
at nang pamamanhid nang litid nang boong cataouan niya. Quinauaan siya
ni cabezang Angi, pinaligpit niya sa bahay, at ipinagamot sa ma�ga
_mediquillo_ dito sa bayan.

Nang magcagayon ay naaua naman si cabezang Dales sa caniyang anac, at
hindi lamang hindi ipinagsama niya sa _trabajo_, cundi bagcus, ay
ipinagtagubilin sa mahigpit cay cabezang Angi, na ipagamot sa ma�ga
_mediquillo_, at alagaan niyang maigui.

Datapoua,t, pag naguing iilang arao, at nang mapagmasdan ni Dales, na
ang caniyang anac, ay hindi gumagaling-galing, cung sa _pagtatrabajo_;
�guni,t, maigui at malacas siya, cung sa pagligao at paggala, ay
nagalit na di hamac, at pinaguicaan tuloy si Pr�spero nang masasaquit
na uica.

Sumama uli si Pr�spero sa caniyang amba sa _pagtatrabajo_, subali,t,
hindi niya pana�gatauoanan, at hindi man inaalumana niya ang paggaua,
cundi nagdadahi-dahilan siyang palagui nang sari-sari, gaua lamang
nang caniyang catamaran at masamang ugali.

Uala siyang cacusa-cusa nang munti man, at nang sabihin co nang
biglang sabi; ay hindi siya gagaua nang ano-anoman, cunda�gan ang
mahigpit na lagay niya, at ang catacutan niya sa caniyang amba.

Itong lahat nang ito,i, pinagmamasdan ni cabezang Andr�s, at cahima,t,
iquinagagalit niyang totoo, ay pinipiguil na maigui ang caniyang
calooban, at hindi niya pinag-uicaan ang caniyang anac nang anomang
uicang may cahalong galit, cundi pina�ga�garalan niyang banayad na
banayad, mangyari lamang mabago ang caniyang loob at ugali. Subali,t,
baga man napaoo nang napaoo, at napapaayon nang napapaayon ang
palamarang Pr�spero sa ma�ga pa�ga�garal nang caniyang amba, ay cung
sa gaua,i, hindi rin binabago niya ang caniyang masamang ugali, cundi
ang caniya lamang ay siyang sinusunod.

Dahilan dito,i nagdadalamhating palagui ang loob ni Dales, at
lalong-lalong naragdagan itong cadalamhatian nang caniyang loob, nang
mabalitaan niya, ang ma�ga cabaliuang guinagaua ni Pr�spero sa ma�ga
babayi, at ang ma�ga pagcacautang-utang niya cung saan-saan.

At sa di na natiis niya itong masamang asal nang caniyang anac, ay
guinapos niyang minsan nang madaling arao, itinali sa isang haligui
nang bahay, hinampas nang di biro-biro, at doon pinabayaan niyang
maghapon at magdamag.

Nagmamacaauang totoo ang mag-ina ni Pili cay cabezang Andr�s, at si
Pr�spero nama,i, ualang calagot-lagot nang paghingi nang tauad, caya
quinaauaan siya nang caniyang tatay, inalisan siya nang ma�ga tali, at
tuloy pina�gusapan siya nitong maicsi, �guni,t, malam�n na salita:

Proper, ani cabezang Andr�s, Proper, cung sana sa bangca, aco,i,
tiguib na tiguib na, caya cung minamahal mo ang buhay mo at ang buhay
co, ay magpacai�gat ca na.

Natacot na totoo, si Pr�spero dito sa ma�ga uicang ito nang caniyang
tatay, caya nagmabait siya,t, nagmasipag nang panibago. Datapoua,t,
halos di pa bahao ang ma�ga sugat nang caniyang pigui, ay nauala na sa
caniyang loob ang pagbabala pati pa�ga�garal sa caniya ni cabezang
Andr�s, at nagsauli siya sa dati niyang masasamang caugalian.

Itong ma�ga suson-suson na capighatian nang loob ni cabezang Dales, ay
dumamay rin sa caniyang catauoan, caya hindi nalaon, ay nagcasaquit
siya nang isang mabigat at di maquilalang saquit, (palibhasa,i, uala
sa catauoan, cundi nasasaloob), at baga man guinagamot siya nang ma�ga
mediquillong taga rito, at nang taga ibang bayan, ay lumalala ang
caniyang saquit, (na, uala sa caniyang catauoan cundi na sa caniyang
calooban), at namatay tuloy, pagcatangap nang ma�ga _santo
Sacramento_.

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Wed 14th Jan 2026, 5:10