|
Main
- books.jibble.org
My Books
- IRC Hacks
Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare
External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd
|
books.jibble.org
Previous Page
| Next Page
Page 29
_Segurong-seguro_ ang ma�ga bumabasa nitong aquing casulatan, ay
nagiisip sa canilang sarili, � nagnanasa cayang maalaman, cung ano
baga ang naguing calagayan, � buhay caya ni Felicitas, na magmula
niyong unang _pagvavacasion_ ni Pr�spero dini sa bayan, hangan dito sa
pagcamatay nang caniyang ama. At nang matapatan co ang nasasaloob nang
ma�ga bumabasa nitong tunay na _historia_, ay sasabihin co ang lahat
nang naalaman co, dito sa caunting salitang susunod:
Nang _nagvavacasion_ dito si Pr�spero, at natatantong maigui ni Pili
ang caugalian, at ang iba,t, ibang caisipan nang caniyang capatid,
tungcol sa ma�ga bagay nang caloloua, at sa ma�ga asal nang tauong
cristiano, ay pinaroonan niyang uli ang aming Cura, at doon cumuha
nang sanguni: at ang uica nang aming cagalang-galang na Padre Cura sa
caniya,i, ganito:--Felicitas, uala acong naalamang gamot sa saquit ni
Pr�spero, cundi ang siya,i, ialis nang magulang mo sa Maynila at ioui
dito sa bayan.
Ayon dito sa hatol na ito,i, _oras-oras_ ipinamamanhic ni Felicitas sa
caniyang magulang, na houag baga paluasin nilang uli si Pr�spero sa
Maynila, cundi patirahin na siya dito sa bayan, baca, aniya, baca,
p�,i, mapahamac, cung mapalayo sa inyo.
Subali,t, hindi rin nacamtan niya ang cahi�gian, baga man siya,i,
tinutulu�gan nang aming mahal na Padre Cura. Ang isinasagot cay Pili
nang mag-asaua ni Angi, at ang minamatouid nila,i, ualang-uala silang
naquiquitang masama cay Proper, cundi ang ma�ga gaua-gauang ugalit
nang cabinataan, na, mauauala rin ainila, cung siya,i, mag-aaral pa
nang caunti sa Maynila.
Sa icatlong taon nang pagcatira ni Prospero sa Maynila, ay may
dumating dito sa bayan na isang balita, na di umano rao,i, si Pr�spero
ay hindi na nag-aaral na siya,i, inuusig na palagui nang caniyang
ma�ga pinagcacauta�gan; na siya,i, _hinabla sa Juzgado,_ cung macailan
na dahilan sa gayong ma�ga bagay; na siya,i, paganoo,t, paganoon.
Itong balitang ito,i, hayag na hayag, at calat na calat dito sa boong
bayan, caya si Felicitas, dala nang malaquing capighatian nang
caniyang dibdib, ay isinumbong niya itong lahat na manga bagay na ito
sa caniyang magulang, at nag-uica uli sa canila, nang mangyari ay
paouiin na nila si Pr�spero dito sa bayan, nang maputol at matapos ang
ganoong ma�ga carumal-dumal na pagbabali-balita nang tauo.
Pagsusumbong nang gayon ni Felicitas sa caniyang magulang, ay
quinagalitan siya,t, pina�gusapan pa ni cabezang Angi nang
ganito:--Houag cong _magosiosa_, Pili, at houag cang maquialam sa
ma�ga gaua namin nang amba mo, at cami ang nacacaalam niyang ma�ga
bagay na iyan, at hindi caila�gan na cami ay turuan mo pa. �Baquit
icao,i, maniniuala sa ma�ga sabi-sabi nang tauo, na _puro_ gaua nang
canilang capanaghilian sa atin? Caya tahanan mo iyang salita mong
iyan.
Nagolomihanang totoo si Felicitas pagcari�gig nitong pa�gu�gusap nang
caniyang ina, at hindi na siya cumibo. Subali,t, sa di mapalagay-lagay
ang caniyang loob, ay isinanguni niya sa caniyang Cura,t, Confesor
itong lahat nang ito. Pinaquingan nang aming Cura ang ma�ga
isinasanguni ni Felicitas sa caniya, at itinanong pa siya cay Pili ang
iba,t, iba, at pagcatapos, ay naghatol siya cay Felicitas; na houag na
siyang cumibo magpumilit siyang magpacabanal, at ipamahala na niya sa
Pa�ginoon Dios ang lahat na yaon.
Sinunod ni Felicitas ang hatol at bilin nang aming Cura sa caniya, at
hindi na siya umimic. Ang lahat na naquiquita niya,t, nariri�gig
tungcol cay Pr�spero, ay tinitiis niya sa caniyang sarili, at sa
Pa�ginoon Dios inihahain.
Sasabihin co na ang lahat sa ma�ga catagang uica. Ang lagay ni
Felicitas sa panahong yao,i, siyang-siya nang lagay nang isang
_macetas_, na hindi dinidilig na nalalanta,t, nalalanta, natutuyo,t,
natutuyo at sa calauna,i, namamatay. Ganito, anaquin, ang lagay ni
Felicitas, nang inioui rito nang caniyang magulang si Pr�spero na
mangaling sa Maynila, at nang maipagbili na nila ang canilang
pag-aari, sa pagbabayad nang ma�ga utang niyong palamarang anac at
capatid.
Nang naririto na sa bayan si Pr�spero, at natantong uli ni Felicitas
ang caniyang asal at ugali, ay sumaquit na lalo ang caniyang loob,
caya baga man pinagticahan niya, na hindi na siya quiquibo; ay hindi
rin matiis, palibhasa,i, inaari niyang malaquing casalanan ang di
pagsasabi nang totoo sa caniyang capatid; at dahilan dito,i, sinira
niya ang caniyang dating pagtitica, at pina�garalan niya si Pr�spero,
(cung macailan), sa ma�ga lihim, at sa ma�ga banayad na banayad at
mahusay na pa�gu�gusap. Datapoua,t, sa di siya,i, paquingan ni Proper,
cundi siya pa ang quinagagalitan at pinag-uiuicaan nang masama, ay
itinicom niya ang bibig, at hindi na siya umimic nang munti man.
Pinagsisipagan niya lamang ang paggaua, nang siya,i,
macatulong-tulong sa caniyang magulang sa paghanap nang pagcabuhay;
guinaganap niyang ualang sala ang caniyang ma�ga dating _devosion_, at
hindi na siya naquiquialam sa ano pa mang bagay.
Previous Page
| Next Page
|
|