|
Main
- books.jibble.org
My Books
- IRC Hacks
Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare
External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd
|
books.jibble.org
Previous Page
| Next Page
Page 30
�Naca-aaua mandin si Felicitas, cung pagmasdan ninyo ang caniyang
casipagan at panoorin ninyo ang caniyang muc-hang payat, putlain at
malumbayin pa!
Ito, inuulit cong sabihin, ang calagayan nang loob at catauoan ni
Felicitas doon sa panahong yaon, at nang mamatay ang caniyang amba.
�gayo,i, itutuloy co na ang pinutol cong salita.
Nang mautas na si cabezang Andr�s at malibing na sa _panteon_, at
natapos ang pagsisiam, naugaling gauin naming ma�ga tagalog, ay
tinauag ni cabezang Angi ang caniyang anac na si Pr�spero at
pina�gusapan nang ganito:
Proper, anac co, talastas mo na ang pagmamahal namin sa iyo, caya
ipinamamanhic namin sa iyo, na icao,i, magbait na, at pa�gasiuaan mo
ang caunting pag-aaring itinira sa ating nang nasira mong amba.
Naalaman mo rin, na ualang ibang sucat nating asahan pagcabuhay, cundi
ang ating sariling hanap, caya gumaua tayong para-para, at hindi tayo
mauaualan nang macacain sa tulong at aua nang ating Pa�ginoon Dios.
Pagcatapos nitong salita ni cabezang Angi, ay ipina�gaco ni Pr�spero
sa caniyang inda at capatid, na siya,i, magbabait na, at hahalili sa
caniyang nasirang ama, sa pa�ga�gasiua nang canilang pag-aari; at ang
uica pa:--Nanay, houag, po, ninyong alaalahanin ang ano pa mang bagay
sa ating pamamahay; at acong bahala sa lahat.
Naniuala si cabezang Angi sa pa�gaco nang caniyang anac, at naniuala
naman si Felicitas; subali,t, iba ang nangyari.
Naalaman na nang ma�ga bumabasa nitong aquing casulatan, na si
Pr�spero,i, ualang cacusa-cusa sa _trabajo_, naalaman din nila, na
cung caya,i, gumagaua-gaua si Proper nang daco noong arao,i,
alang-alang lamang sa catacutan niya sa caniyang namatay na ama; at
natatanto naman nila, na si Proper ay ualang caisipisip at ualang
cati�ginti�gin sa caniyang pamamahay. At nang ipahayag co ang totoong
nasasacalooban co,i, sasabihin co pa �gayon, na ang pagcamatay ni
cabezang Dales, ay iquinalumbay ni cabezang Angi nang di hamac, at
iquinabacla nang loob ni Felicitas; datapoua,t, bagay cay Pr�spero,i,
ang damdam co,i, siya,i, natotoua, nang malaquing toua, baga man
nagcucunouari siya,i, nalulungcot.
Dito sa ma�ga susunod na salita,i, maquiquilala ang pagcatotoo nitong
aquing paghihinala.
Ayon sa pa�gaco ni Pr�spero sa caniyang ina at capatid, na siya
baga,i, ma�ga�gasiua na lahat, na para nang guinagaua nang caniyang
tatay, ay ipinagcatiuala sa caniya ni cabezang Angi ang pamamahala sa
ma�ga hayop, at sa ma�ga lupang bubuquiring natitira pa sa canila.
Nang magcagayon, ay isip ninyo,i, tototoohanin ni Pr�spero ang
caniyang pa�gaco. Uala siyang catiguil-tiguil. Mamaya,i, pinaliligoan
niya ang canilang tatlong calabao; mamaya,i, nangdadamo siya, �
na�ga�gahoy caya; �gayo,i, pinag-iigui niya ang bacuran nang canilang
bahay, � linilinis ang canilang looban; � cung dili caya,i,
naghuhusay-husay siya nang ma�ga casangcapan sa pamamahay. At ang
lalong caguila-guilalas dito,i, hindi na siya nagsasalual sa ma�ga
gauang ito, cundi ma�ga _putol_ lamang. �Subali,t, itong casipagang
ito,i, hindi natagal!
�At sa di gayon? �Uala na siyang quinatatacutang ama! �Ang caniyang
ina at capatid ay hindi niya quina-aalang-ala�ganan nang munti man! At
ang lumalalo sa lahat: �ay ualang-uala sa caniyang calooban, ang
pagbabalic loob sa Pa�ginoon Dios! Caya,i, nanariua nang panibago sa
caniyang puso, ang quinararatihan niyang masasamang ugali, at nagsauli
rin sa dati.
Dahilan dito,i, uala pang sangbuan siya sa caniyang bagong pagcalagay
� catungculan, ay namatay sa gutom ang isang calabao nila, gaua nang
capabayaan ni Pr�spero.
Sumapit ang panahon nang pagtatanim, at ang caunting palayan nila,i,
hindi natamnan, dahilan sa capabayaan ni Pr�spero.
Pagcamaya-maya,i, nauala, rao, ang uica ni Pr�spero, ang isa pa nilang
calabao, bago-bago,i, nang usisain ni cabezang Angi ay nabalitaan
niya, na di umano,i, ipinagbili ni Proper sa pagbabayad nang ibang
ma�ga utang niya.
Sa catagang uica: hindi pa naboo ang sangtaong arao magmula nang
pagcamatay ni cabezang Andr�s, ay dinaquip si Pr�spero nang _justicia_
at piniit sa tribunal, dahilan sa paghahabla sa caniya nang maraming
tauo.
Previous Page
| Next Page
|
|