Si Tandang Basio Macunat by Fray Miguel Lucio y Bustamante


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 31

Humarap si cabezang Angi sa Tribunal at inusisa niya doon itong
nangyaring ito sa caniyang anac, at ipinahayag sa caniya nang
Maguinoong Capitan, na cung caya _napepreso_ doon si Proper, ay
dahilan sa cacapalan nang caniyang utang, na hindi binabayaran, at
dahilan naman sa ma�ga _reclamo_ ni Capitang Juan Gavi, bagay sa
caniyang anac na dalaga, at ma�ga _habla_ ni cabezang Teo Mauiling
tungcol sa caniyang asaua, at cung ano-ano pang sinabi nang Maguinoong
Capitan.

Nang mari�gig ni cabezang Angi ang ma�ga sinasalita sa caniya nang
aming Capitan, ay namutla siya,t, nasindac na totoo, na hindi
macaquibo, at hindi macapag-uica, at hindi man macaiyac; tila mandin
nahahala�gan ang caniyang lalamunan, at natutuyo ang luha nang
caniyang mata caya nang pagmasdan nang Maguinoong Capitan ang masamang
tayo ni cabezang Angi, ay pinaoui siya, at ang uica sa caniya:

--Cayo, p�,i, umoui muna, cabezang Angi, at mapalagay-lagay, p�, cayo
nang loob, at bucas, p�, nang umaga, cung may aua ang Panginoon Dios,
at tayo,i, nabubuhay pa, ay pumarito cayo, at atin pong husain itong
ma�ga bagay na ito.

Umoui �ga si cabezang Angi, at sinamahan nang isang _oficiales_ na
camag-anac niya, na baca cung mapaano siya sa daan, at nang dumating
sa bahay, ay sinalubong siya ni Felicitas sa catapusan nang hagdan.
Pumanhic si cabezang Angi, at biglang bigla,i, niyapus niyang totoo
itong si Felicitas, at napaiyac nang catacottacot. Naghimatay tuloy si
Pili nang maquita ang anyo nang caniyang inda, at cunda�gan ang
_officiales_ na casama ni Angi, ay naboual at napagulong sa hagdan ang
mag-ina.

Nang magcaganito,i, sumigao ang _oficiales_, at dinaluhan sila tuloy
nang ma�ga capitbahay, at nang manga camag-anac, at malaquing totoo
ang nangyaring ligalig doon, gaua nang caramihan nang tauo.

Ang iba,i, gumagamot-gamot cay Pili.

Ang iba,i, umaalio, alio cay cabezang Angi.

Ang iba,i, humahanap nang _mediquillo_, at ang iba nama,i, cumacaon
nang _confesion_.

Gulong-gulo silang lahat, na ualang ibang naquiquita,t, nariri�gig,
cundi utos dito, utos doon, tauag sa magcabi-cabila, at tacbuhan nang
lahat.

Subali,t, nang dumating ang aming mahal na Padre Cura,i, tumahimic
nang caunti ang ma�ga tauo, dahilan sa malaquing pag-ibig at
caalang-ala�gan nila sa caniya.

Pagcapanhic nang aming Cura sa bahay ay inusisa agad sa ma�ga tauong
caharap ang bagay � dahilan nang pagcacasaquit at paghihimatay ni
Felicitas, at capagcaraca,t, sinaysay nang _oficiales_ ang caniyang
naquita,t, naalaman.

Nilapitan tuloy nang Cura ang maysaquit: _pinulsuhan_: tiningnan ang
lagay nang muc-ha; tinauag pa niya nang malacas si Felicitas; at sa di
cumiquilos-quilos ang maysaquit, ay agad-agad nagsoot ang Cura nang
_roquete_ at _estola_, pinagcalooban niya ang nanghihimatay nang
caniyang mahal na _absoluci�n_, at tuloy pinahiran nang _Santong
Lana_.

Hindi namatay si Felicitas doon sa pagcacasaquit na yaon, datapoua,t,
naguing sampuong _oras_ bago siya,i, masaulan nang pag-iisip; at nang
siya,i, pagsaulan nang ganoon, ay nagcataong naroroon ang aming Padre
Cura.

Pinagmamasdan siyang maigui nang aming Cura, pati nang ibang ma�ga
caharap doon, na lubhang marami, at naramdaman nila, na madalas na
madalas ang paghibic ni Felicitas, at malacas ang tulo nang luha sa
caniyang mata, caya lumapit ang Cura, at quinausap si Pili nang
ganito:

--�Felicitas, Felicitas!

--P�, ang sagot ni Pili.

--�Naquiquilala mo aco?

--Oo p�.

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Wed 14th Jan 2026, 10:24