|
Main
- books.jibble.org
My Books
- IRC Hacks
Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare
External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd
|
books.jibble.org
Previous Page
| Next Page
Page 32
--�Sino baga aco?
--Cayo, po, ang aming Cura at aquing Confesor.
--�Ay anong nararamdaman mo? sabihin mo sa aquin baca mayroon acong
naalaman gamot.
--Uala, p�, acong nararamdamang anomang saquit.
--�At ano,t, icao,i, umiiyac?
--Ay auan co, p�, cung baquit hindi co, p�, mapiguil-piguil itong
aquing luha.
--Houag mong piguilin ang uica nang Cura, houag mong piguilin,
Felicitas, iyang luha mo: pabayaan mong tumulo at umagos, at siyang
macaguiguinhaua sa iyo.
Itinanong tuloy nang Cura sa caniya cung ibig niyang magcompisal, at
ang sagot ni Pili ay ganoon:
--Houag p�, muna, Amo, at tila,i, hindi pa mahusay ang aquing
pag-iisip. Sa iba pong _oras_ ay ipasusundo co cayo cung baga hindi p�
ninyo minamasama.
--�Baquit mamasamain co iyan? ang uica nang Cura; magpasabi ca lamang
sa Convento, at aco,i, paririto agad.
--�Salamat, p�, Amo, ang Pa�ginoon Dios ang gumanti sa inyo!
Tumindig na ang aming Cura sa quinauupuang bangquillo, at nagpaalam
na, subali,t, bago siya,i, umalis, ay nagbilin cay cabezang Angi nang
ma�ga gamot, na dapat niyang gauin sa maysaquit.
Dalauang arao lamang nacahiga si Felicitas sa banig; at nang siya,i,
malacas-malacas na, at nacapagba�gon, ay isinanguni sa caniya ni
cabezang Angi, cung ano-ano caya ang mabuting gauin sa pagbabayad nang
ma�ga utang ni Pr�spero; at ang sagot ni Felicitas ay ganito:
--Cayo p�ng bahala, nanay. Gauin p�, ninyo ang balang minamatapat nang
inyong calooban, at aco po,i, sunod-sunoran sa inyo, at tutulu�gan co
po, cayo, sa boong macacayanan co, sa paghanap nang macacain natin.
Alinsunod dito sa mabuting paquiquiayon ni Felicitas sa caniyang ina,
ay ipinagbili ni cabezang Angi ang canilang calabao na isang natitira;
isinanla niya ang canilang ma�ga palayan, at naparoon siyang tuloy sa
Tribunal; at doon sa harap nang Maguinoong Capitan, at nang ibang
ma�ga sacsi, ay nagbayad siya nang ma�ga utang ni Pr�spero.
Datapoua,t, hindi rin natapos ang gulo at _paghahablahan_, sapagca,t,
ang ma�ga naturan co, na si Capitang Juan at si cabezang Teo,i, hindi
pumayag sa capamanhican ni cabezang Angi at sa cahatulan nang aming
Maguinoong Capitan, cundi itinuloy nila ang canilang usap sa
_Juzagado_, sa Maynila, at dahilan dito,i, tinauag si Pr�spero nang
isang _�rden_ nang _Se�or Alcalde mayor_ at inihatid sa Maynila, at
doon piniit siyang uli sa bilanguan.
Marami sana ang masasabi co tungcol dito sa bagong nangyaring ito;
subali,t, nang houag baga,i, mapacahaba ang aquing salita, ay
lalactauan co ang marami at malam�n na ma�ga bagay-bagay, at sasabihin
co lamang itong ma�ga susunod:
Sa malaquing pag-ibig ni cabezang Angi, na macaligtas at macalabas sa
_carcel_ ang caniyang anac, na si Pr�spero, at macaoui dito sa bayan,
ay ipinagbili niya ang lahat-lahat nang pag-aari nila; pati bahay,
pati _solar_, pati _alhajas_, na ualang-ualang natira sa canilang
mag-ina ni Felicitas, cundi ang canilang damit lamang.
Iniluas ni cabezang Angi ang salaping inipon niya; at ang iba,i,
ibinayad niya sa _abogado_ ni Pr�spero; ang iba,i, ibinigay sa
_alcaide_ sa _carcel_, nang siya baga,i, pahintulutang dumalao sa
caniyang anac; ang iba,i, guinugol niya sa caniyang pagcain; at ang
iba,i, isinabog niya cung saan-saan, mangyari lamang siya,i, tulu�gan
sa pagtatangol cay Pr�spero.
Bucod dito,i, napaampon siya sa lahat nang ma�ga caquilala at di
caquilala niya, at nang sabihin co sa madaling salita; ay ualang di
guinaua niyang capamanhican sa pagcacali�ga sa caniyang anac.
Datapoua,t, naubos ang salaping dala niya, napagod siya nang di hamac,
nang calalacad dito,t, doon, at hindi lamang hindi pinaquingan ang
caniyang pag-iiyac, at ang ma�ga carai�gan nang caniyang ma�ga
caquilala at camag-anac, na pinintacasi niya, cundi bagcus ay nanaog
ang isang mahigpit na hatol at _sentencia_, na ang iniuutos doon,
ay:--ipadala agad sa Balabac si Pr�spero "Baticot anac ni don Andr�s
Baticot at ni do�a Mar�a Dimaniuala, na taga Tanay; dahilan sa
caniyang masasamang caugalian at _antecedentes_ at dahilan sa ma�ga
_perjuiciong_ guinaua at guinagaua niya sa caniyang capoua tauo."
Previous Page
| Next Page
|
|