Si Tandang Basio Macunat by Fray Miguel Lucio y Bustamante


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 33

Ayon dito sa utos na ito,i, dinala �ga si Pr�spero doon sa Balabac, at
doon dao,i, namatay, ang balita nang tauo.

Sa uala nang magaua si cabezang Angi sa Maynila, ay umoui rito;
datapoua,t, bago siya,i, macarating dini, ay nagpalimos sa ma�ga
bayan-bayang dinadaanan niya, palibhasa,i, uala siyang bauon, at uala
namang _cuartang_ ibibili nang cacanin. Caya, gaua nang malaquing
cahihiyan, capagura,t, calumbayan niya,i, bangcay na mistula ang
caniyang anyo, nang siya,i, dumating dito sa bayan.

�Caunting namatay na patuluyan si Felicitas, nang maquita niya ang
caaua-auang lagay nang caniyang inda! Nguni,t, nagpacalacas siya nang
loob; inaliu pa ang caniyang ina; binihisan niya; pinacain; pinahiga
sa banig, at ang lahat na,i, guinaua niya, nang macatulong at
macapagbigay guinahaua sa caniyang iniibig na ina. �Pati catauouan
niya,i, nalimutan, dahilan sa pag-aalila,t, pamimintuho sa caniyang
ina!

Nang mahusay-husay na si cabezang Angi, ay inusisa sa caniya ni
Felicitas ang lagay ni Pr�spero. Sinaysay ni cabezang Angi ang lahat,
na ualang inilihim, at nang mabalitaan ni Pili ang nangyari sa
caniyang capatid, �ay ina co! parang natangal ang lahat nang litid
nang caniyang cataouan, caya magpacalacas-lacas man siya,t,
magpacatibay-tibay man nang loob, ay nahapay rin siya.

Sinabi co ca�gina, na ang catauoan ni Felicitas doon sa panahong yaon,
ay buto,t, balat lamang. Subali,t, gayon man, ay sapagca,t, ang
caniyang cabanala,i, malaqui, at caniyang caloloua,i, buhay na buhay,
ay pinipilit nang pinipilit niya ang caniyang catauoan sa
_pagtatrabajo_, at nacagagaua-gaua rin siya nang icatutulong sa
canilang paghahanap buhay. Datapoua,t, nang mari�gig niya sa caniyang
ina, ang quinasapitan ni Pr�spero, ay naualan siya nang dating
catibayan nang loob, at napahiga na sa banig, na hindi na siya
nacapagba�gon.

Nang magcaganito,i, ipinatauag ni Felicitas na agad-agad ang aming
Cura at caniyang confesor, at doo,i, _nagcompisal_ siya nang mahusay,
at nang quinabucasan niyo,i, dinalhan siya nang _Santo Vi�tico_, at
pinahiran siyang tuloy nang _Santo Oleo_.

Nang dacong hapon niyon ding arao na yaon, ay dinalao si Pili nang
aming cagalang-galang na Padre Cura, at inusap ang maysaquit nang
ganoon:

--�Felicitas, baca mayroon cang caramdaman sa catauoan mong
iquinahihiya mong sabihin?

--Ualang-uala, p�, ang banayad na sagot ni Felicitas, ualang-uala, p�,
Among nararamdaman acong saquit sa aquing catauoan cundi isang
malaquing cahinaan lamang.

--�Baca caya, ang ulit nang Cura, sa bulong lamang, at sa lihim na
salita, baca caya may nacasusucal nang calooban mo? Cung baga mayroon,
ay houag mong ilihim sa aquin, cundi sabihin mo,t, ibulong sa aquin,
nang cata,i, gamuti,t, hatulan.

--Ualang-uala, p�, Among nacasusucal nang loob co �gayong oras na ito,
cundi ang pag-aalaala co lamang sa aquing ina at sa aquing capatid, na
baca, po,i, cung mapaano sila dito sa _mundo_.

--�Masama, baga, ang bagong tanong nang Cura cay Pili, masama baga ang
loob mo sa capatid mong si Pr�spero?

--Uala, p�, ang sagot ni Felicitas, uala, p�; hindi aco nagagalit sa
aquing capatid, at uala naman acong masamang loob sa caniya, cundi
bagcus, ay quinacaauaan co, p�, siyang totoo, at ipinanala�gin co
siyang _oras-oras_ sa Pa�ginoon Dios, nang siya po,i, biguian nang
Pa�ginoon Dios nang buhay at _gracia_. Datapoua,t, mayroon p�, acong
ipagcocompisal sa inyo ang ibang bagay, tungcol din dito sa
itinatanong p�, ninyo sa aquin, na baca sacali,t, aco,i, nagcasala sa
harap nang ating Pa�ginoong Dios.

Tila, p�,i, aco,i, mamamatay na, subalit, ang pagcatalastas co, po,i,
hindi ang anomang saquit nang catauoan co ang iquinamamatay co, cundi
ang malaquing capighatiang dinamdam nang aquing loob, dahilan sa ma�ga
guinaua ni Proper magmula niyong siya,i, nag-aaral sa Maynila, na
hangan �gayong panahong ito. Caya, p�, cung itong di co pagtitiis nang
ma�ga cacula�gan nang aquing capatid, ay naguing casalanan co sa harap
nang ating Pa�ginoon Dios, ay _iquinucumpisal_ co, p�, sa inyo itong
aquing casalanan, at inihihi�gi cong tauad sa Pa�ginoon Dios at sa
inyo, at inaantay co, p�, ang inyong mahal na _absolucion_ dito sa
aquing casalanan, na pinagsisisihan cong totoo.

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Wed 14th Jan 2026, 13:57