|
Main
- books.jibble.org
My Books
- IRC Hacks
Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare
External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd
|
books.jibble.org
Previous Page
| Next Page
Page 34
_Pagcapagcompisal_ nang ganito ni Felicitas, ay binulo�gan siya nang
aming Cura nang caunting _oras_ at binendicionan niyang tuloy.
Pagcatapos na pagcatapos nito,i, biglang sumigao si Felicitas nang
gayon:--Amo, ina, Proper at cayo pong lahat, ay patauarin, p�, ninyo
aco, at aco,i, tinatauag na nang ating Dios at Pa�ginoon.--At nang
macasigao nang ganoon, ay napatid ang caniyang hini�ga.
Uala acong naquita, at uala rin acong nabalitaang libing na para nang
guinaua sa bangcay ni Pili.
At caya,i, nagcaganito,i, sapagca,t, si Felicitas ay naquiquilala nang
boong bayan; naalaman din nang bayan ang caniyang ugali at cabanalan;
at napagtatalastas naman nang lahat ang ma�ga hirap nang catauoan at
loob na dinaanan niya; at cung caya, sa isang cusa nang loob, na
ualang nagtutulac sinoman, ay pinagcaisahan nang lahat nang ma�ga
dalaga dito sa bayan, na mag-ambag sila nang macacayanan, nang magaua
cay Felicitas ang isang mahal na libing.
Ayon dito sa pinagcasundoan nang ma�ga dalaga, ay nagsidalo silang
lahat sa bahay nang patay, at ang iba,i, nagdala nang _candila_, ang
iba,i, nagdala nang damit na igagaua nang sapot, at iba,i, may taglay
na ma�ga _puntas-puntas_ at ma�ga _listong_ igagayac sa saplot at sa
_ataul_, (cabaon), at lahat-lahat na para-para,i, nananahi at
tumutulong sa anomang gagauin, at nag-abut pa cay cabezang Angi nang
ambag na salaping canilang nacayanan.
Ang ma�ga _campana_ sa Simbahan ay ualang tiguil magmula nang mamatay
si Pili. Maya,t, maya,i, _nagpeplegaria_.
Nang sumapit ang _oras_ nang paglilibing, ay nagsiparoon sa
quinamatayang bahay ang lahat nang ma�ga dalaga, na _pare-parejo_ ang
canilang ma�ga soot, at pauang may dalang candila, at nag-aagauan sila
nang paglalabit nang _ataul_.
�Matotoua ang sino mang macapanood sa _calzada_ niyong libing na yaon,
at _segurong-seguro,i,_ hindi aacalain niya, na yao,i, isang libing,
cundi ang sasabihin niya, na yao,i, isang _procesion_ nang mahal na
arao!
Ang soot naman nang aming Cura at nang ma�ga _sacristan_, at ang ma�ga
gayac sa Simbahan, ay pulos na _primera clase_.
�Ano pa? Ang _canta_ nang ma�ga _cantores_, ay tila mandin maririquit
sa dating _quinacanta_ nila sa ma�ga libing. Caya ang uica co ca�gina,
na uala acong naquita, at uala acong nabalitaan libing, na para nang
guinaua cay Pili....
Natapos na ang libing, at ibinaon sa _panteon_ ang bangcay ni
Felicitas, at nagsioui na sa cani-canilang bahay ang ma�ga
naquiquipaglibing sa caniya.
Naiuan nang mag-isa si cabezang Angi dito sa _mundo_, at sa uala
siyang pag-aari, at sa ualang macacain, at sa ualang pagtitirhang
bahay, ay naquisuno siya sa isang camag-anac niya, na maigui-igui ang
pagcabuhay. At baga man mabuti ang pagti�gin at pag-aalaga sa caniya
nitong caniyang camag-anac, ay hindi gumagaling-galing ang loob ni
cabezang Angi. Caya palaguing nalulumbay siya,i, nalulungcot, at hindi
natutuyo-tuyo ang luha sa caniyang mata, gaua nang malaquing pighati,
at hindi nalauo,i, naratay sa banig at namatay rin....
=_CATAPUSAN_=
Natatanto na nang ma�ga bumabasa nitong aquing casulatan, ang naguing
buhay at camatayan ni na cabezang Andr�s Baticot.
Subali,t, bago co tapusin itong aquing isinusulat, ay mayroon acong
ipauunaua sa canila.
�Baquit caya ang mag-anac ni cab�zang Dales, na mababait na tauo, at
dati-dati ay mayayaman, na parang sinabi co sa itaas, ay naguing
mahihirap, na macain man ay uala?
Baquit caya ang cadalamhatian nang loob, ay siyang iquinamatay ni
cabezang Dales, ni cabezang Angi, at ni Felicitas?
Ay ualang-ualang ibang dahilan, cung sa aquing pagcatalastas, cundi
ang malaqui at _locong_ pag-ibig nang mag-asaua ni Dales, na ang
canilang anac na si Pr�spero,i, mag-aral sa Maynila.
Previous Page
| Next Page
|
|