Si Tandang Basio Macunat by Fray Miguel Lucio y Bustamante


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 35

Ualang-ualang ibang dahilan, cung sa aquing acala, cundi ang catigasan
nang ulo nang naturang mag-asaua, at ang caayauan nilang maquinig nang
ma�ga matotouid na hatol nang aming Padre Cura, at nang ma�ga mahigpit
na capamanhican sa canila ni Felicitas, na houag bagang papag-aralin
nila si Pr�spero sa Maynila.

�Cahimanauari, ay paquinaba�gan nang aquing capoua tagalog itong
caunti cong capaguran sa pagtatala dito sa _papel_ na ito nang ma�ga
naquita nang aquing mata, at nari�gig nang aquing tai�ga!

�Mag-aral na ang ma�ga magulang, at mag-aral pati ang ma�ga anac dito
sa tunay na salitang ito nang casasapitan nila capoua, _cung paa�gatin
nang ma�ga magulang ang canilang ma�ga anac sa tapat na calalaguian,
at ilipat � icana caya sa hindi tapat � cahiyang na calagayan_.

Sa bayan nang Tanay, sa icadalauangpuo,t, isang arao nang buan nang
Abril nang taong sanglibo ualong daan, tatlong puo,t, tatlo.

_Antonio Macunat_.




V


Pagcatapos nang pagbasa nito,i, tiniclop ni tandang Basio ang
_librong_ caniyang ta�gan, pinahiran nang _pa�o_ ang caniyang mata, at
ang uica sa aquin:

--Tapus na, p�, ang _historiang_ isinulat nang aquing nasirang ama.
�Ano, p�, ang inyong ti�gin, � sabi caya sa ma�ga napapalaman dito sa
salitang ito?

--Minamabuti co p�, ang sagot co, minamabuti co p�, ang lahat,
subali,t, tila, p�,i, ang tatay ninyo ay hindi caraniuang _indio_,
cundi, ang bintang co po,i, siya,i, nag-aral din nang caunti.

--Uala p�, ang uica nang matanda, uala po. Ang tatay co p�, ay paris
co ring ualang pinag-aralan cundi ang bumasa, sumulat, ang dasal at
caunting cuenta, at pagcatapos niyon, ay hindi na humiualay siya sa
calabao. Uala po, caming pinagcacaibhang dalaua nang tatay co, cundi
ang siya,i, matino ang bait at matalas ang pag-iisip, at aco po,i,
hindi.

Hindi na aco sumagot sa ma�ga catouiran ni tandang Basio, sapagca,t,
aco,i, nag-aantoc na. At saan di aco,i, mag-aantoc? Ang pagbasa
niya,i, madalang na madalang, palibhasa,i, matanda na siya, at
malabo-labo na ang caniyang mata, caya matagal nang totoong bago
matapos ang pagbasa niya nang _historiang_ isinulat nang caniyang ama.
Sumisicat na ang liuayuay nang ito,i, matapos, at cung caya,i,
nagpaalam na aco sa caniya, at ipina�gaco co sa caniya, na
pagcapahinga co nang caunti, ay babalican co siya.




VI


Pinaroonan co �ga uli ang aquing caibigan na si tandang Basio nang
dacong hapon niyong ding umagang yaon, at pagcatapos nang
pagcocomustaha,t, pagbabatian namin, ay inusisa niyang pilit sa aquin,
cung ano ang isinasaloob cong tungcol sa laman nang _historiang_
isinulat nang caniyang amba, at ang aquing sagot ay ganito:

--Sinabi co na p�, sa inyo ca�ginang madaling arao, bago tayo,i,
maghiualay, na minamariquit co ang lahat na sinasalita roon nang
inyong ama. Datapoua,t, ngayo,i, dadagdagan co ang aquing sinalita
ca�gina, at sasabihin co p�, sa inyo, na ang nangyari sa mag-anac ni
cabezang Andr�s Baticot, ay hindi caraniuang nangyayari sa iba, cundi
parang isang pagcacataon lamang; caya hindi dapat na cayo p�,i,
tumungton diyan sa nangyaring iyan, sa pagpapatibay nang pasiya ninyo,
na di umano,i, masamang totoo, na ang ma�ga _indio,i,_ nag-aaral nang
uicang castila, � iba pang bagay na carunungan sa Maynila.

--Hindi co p�, sinasabi, ang matinding sagot sa aquin nang matanda,
hindi co, p� sinasabi na ang lahat, na pag-aaral sa Maynila,i,
quinasasapitan � casasapitan caya na para nang nasapit ni Pr�spero at
nang caniyang magulang, at mayroon din hindi nagcacagayon; subali,t,
maniuala, p�, cayo sa aquin, na sa sangdaang _estudianteng_ nag-aaral
sa Maynila ay ang siam na puo,i, napapasama sa catouan � sa caloloua,
� sa catauoa,t, caloloua na para-para; at salamat pa, p�, cung ang
sampuong natitira,i, umiigui, at hindi lumilihis sa matouid na daang
patu�go sa La�git.

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Wed 14th Jan 2026, 17:41