|
Main
- books.jibble.org
My Books
- IRC Hacks
Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare
External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd
|
books.jibble.org
Previous Page
| Next Page
Page 36
--�_Seguro_, po, ang uica co cay tandang Basio, _seguro_, po,i, iyang
lahat na sinasabi ninyo,i, pauang paghihinala nang inyong loob!
--Hindi, p�, paghihinala nang loob co itong aquing sinasabi cundi
ma�ga catotohanang maliuanag na maliuanag, na siyang naquiquita nang
aquing mata, at nariri�gig nang aquing tayi�ga. At nang cayo, p�,i,
maniuala sa aquin, ay pacatantoin, p�, ninyo, (cung baga hindi pa
ninyong pinagmamasdan), na caming ma�ga _indio,i,_, catuang totoo.
Cung cami, p�,i, nagcacaalam-alam nang caunti, � nagcacaroon caya nang
munting catungculan, ay nagpapalalo, p�, caming totoo, (tabi sa
iilang di gayon), sa aming capoua, at dahilan, p�, rito sa buloc na
capalaluang ito,i, napapahamac cami, at ipinahahamac pa namin ang
aming capoua tauo.
--�Tila, p�,i, napapacalabis ang inyong sapantaha tungcol sa ma�ga
bagay na ito!, ang uica co.
--�Maca, p�, ang sagot nang matanda, maca, p�, �ga,i, mali itong
aquing sapantaha! �guni,t, sasabihin co, p�, sa inyo, na cung inaabot
nang aquing sariling pag-iisip, at sa pinagmamasdan co sa ma�ga
tagarito ma,t, sa taga ibang bayan dito sa habang buhay cong ito,i,
tila, p�, aco,i, nasasacatouiran at catotoohanan; caya, p�, hangan
macacayanan co, ay pagbabaualan co,t, hindi co, p�, pahihintulutan ang
aquing ma�ga anac, at ibang ma�ga camag-anac at caquilala, na mag-aral
sila nang uicang castila, � iba cayang carunungang di bagay at ucol sa
canilang calagayan at _pagcaindio_. Ang cauicaan co, p�,i, para nang
nari�gig cong madalas sa aquing amba. Ang Hari, ay ma�gasiua sa
caniyang pinaghaharian; ang anloagui, ay maghasa nang maghasa nang
caniyang ma�ga pait at catam; ang ama,t, ina, ay mag-alila sa canilang
ma�ga anac; at ang ma�ga _indio_, ay mag-alaga nang canilang calabao.
Cung aco po,i, nagcacamali dahilan sa lubos na pagsunod co nitong
ma�ga casabihang ito nang aquing tatay, at... patauarin aco nang
ating Pa�ginoon Dios.
Dito sa matapang na salita at mainit na sagot ni tandang Basio, ay
uala acong naalamang isagot, caya binali co,t, pinatid ang
pinag-uusapan namin nang matanda, at ang uica co baga, sa caniya.
--Bucas, p�, nang umaga, cung may aua ang Pa�ginoon Dios, ay luluas
na, p�, aco.
--Madali, p�, naman cayo, ang biglang sagot ni Basio at nang caniyang
asaua at ma�ga anac.
--Uala, p�, acong magaua, at aco,i, tinatauag na sa Maynila; caya cung
mayroon, p�, cayong ipag-uutos sa aquin, ay inyo p�ng sabihin, at
tutuparin co.
--Salamat, p�, ang sabay na tugon nang lahat na mag-anac, salamat, p�.
Ang Pa�ginoon Dios ang sumama sa inyo, at houag, p�, cayong madala sa
amin, at cami, p�,i, tumatalaga sa inyo _oras-oras_.
Nagpasalamat aco sa canilang lahat at nagpaalam na, at nang
quinabucasan niyo,i, umoui na aco sa Maynila.
Magmula niyong panahong yaon hangan �gayon oras na ito,i, hindi co
malilimutan ang aquing caibigan na si tandang Basio Macunat, at
madalas na madalas na inaala-ala co ang caniyang matotouid na
catouiran.
FIN.
End of the Project Gutenberg EBook of Si Tandang Basio Macunat
by Fray Miguel Lucio y Bustamante
*** END OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK SI TANDANG BASIO MACUNAT ***
***** This file should be named 15981-8.txt or 15981-8.zip *****
This and all associated files of various formats will be found in:
http://www.gutenberg.org/1/5/9/8/15981/
Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad and
PG Distributed Proofreaders.Special thanks to Elmer
Nocheseda.
Previous Page
| Next Page
|
|