Si Tandang Basio Macunat by Fray Miguel Lucio y Bustamante


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 8

Mahusay sa mahusay ang asal nitong dalauang magcapatid, na si Pili,
baga at si Proper. Marurunong din sila nang manga catungculan nang
tauong cristiano at nang iba pang nauucol sa pagcabuhay, at sa
paquiquipagcapoua tauo. �Ano pa?; Ang pananamit nilang magcapatid, at
ang quilos man nang canilang catauoan, ay tapat na tapat, na ualang
cahalong capalaluan � calibugan.

�Ay cung baquit naisipan nang magasaua ni cabezang Dales, na paluasin
ang canilang anac na si Prospero sa Maynila nang mag-aral doon, anila,
nang caunti!

�Hindi co maiisip, hindi co naalaman, cung sinong manunucsong tauo,i,
naguudioc sa canila sa gayong bagay!

Nang mabalitaan ni Felicitas itong manga naisipan nang caniyang
magulang ay nalumbay siyang totoo; at sa malaquing caramdaman nang
caniyang loob, ay nangusap siya sa caniyang tatay nang ganito:

--�Totoo, p�, baga, tatay, na paluluasin, po, ninyo si Pr�spero sa
Maynila?

--Oo, ang sagot nang caniyang ama.

--�At ano,t, paluluasin, p�, ninyo?

--�Balio ca! ang sigao ni cabezang Dales, �baliu ca!, nang siya,i,
mag-aral-aral sa Maynila nang iba,t ibang hindi mapag-aralan dito sa
atin na para-para tayo,i, manga ha�gal, na ualang naalamang iba cundi
cumain at mag-araro.

--Maano p�, tatay, ay houag, p�, ninyong paluasin si Pr�spero.

--�At baquit?

--Ayuan co p�; subali,t, masasabi co, p�, sa inyo, na
masamang-masamang totoo ang cotug nang aquing loob, at
malaquing-malaqui, p� ang tacot co, na baca sacali,t, mapahamac ang
aquing capatid, na minamahal at manamabait co p�ng totoo, cung
paluasin, p�, ninyo siya sa Maynila.

--Houag cang magbaliu-baliu, Pili, ang sagot ni cabezang Andr�s.
�Baquit, aniya, mapapahamac ang capatid mong si Proper, ganiyang
cabait siya, paluasin co man siya sa Maynila?

--Hindi, p�, aco macasagot sa inyo; datapoua,t, di baga naquiquita p�
ninyo, � nabalitaan caya, ang nangyayari sa caramihan nang batang
pinapag-aral sa Maynila, na mababait na mababait sila, nang sila,i,
umalis sa casiping nang canilang magulang, at pag-oui, p�, nila sa
canicanilang bayan, ay iba na ang canilang asal at ugali; na tabi sa
di gayon, ay ualang-uala silang naalaman, cundi lumigao at gumala
oras-oras; magsoot nang matitigas, at lumayao sa catauoan?

--Di baga naquiquita, p�, ninyo, � nabalitaan caya, na pangagaling sa
Maynila niyong ma�ga nasabi cong bata, at cahit ano ang natutuhan nila
doon; ay pagdating, p�, rito sa bayan, � sa bayang canilang
pinagbubuhatan; ay hindi na sila marurunong gumalang sa matatanda, at
ang pagpupugay man p�, sa ma�ga puno, at sa ma�ga Sacerdote ay hindi
na guinagaua?

Di baga naquiquita, p�, ninyo, � nabalitaan caya, na ang caramihan
nating ma�ga tagalog, tabi sa di ganoon, na nag-aaral sa Maynila, ay
ualang ibang natutuhan doon cundi ang dilang capalamarahan sa canilang
capoua tauo?

Cayo, p�ng bahala, tatay; cayo rin, p�, ang aming susundin; nguni,t,
ipinamamanhic co p�ng totoo sa inyo, na bago p�, paluasin ninyo si
Proper, ay cumuha, p�, cayo muna nang tanong at sanguni sa ating mahal
na Padre Cura, � sa iba cayang nacacaalam; maca, p�, sacali; ang
inyong casasapitan, ay malayong-malayo sa inyong hinaha�gad.

At saca, p�, tatay; ay alalahanin, p�, ninyo, na sa pagcacamit nang
La�git, ay hindi caila�gang mag-aral muna nang uicang castila at
_c�nones_, � cung ano pong �galan niyong pinag-aaralan nang ma�ga
_estudiante_ sa Maynila, at madalas naringig co, p�, sa ma�ga
Confesor, at binasa co pa sa ma�ga libro, na, cung sa Pa�ginoon Dios,
ay ualang _castila_, ualang tagalog, ualang _ingles_, ualang _inchic_,
ualang mahirap, ualang mayaman, ualang marunong at ualang ha�gal;
tayo,i, para-parang hohocoman niya, at ayong sa ating ma�ga gaua, ay
ganoon din ang caniyang ganti � parusa sa atin.

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Tue 9th Sep 2025, 20:46