Si Tandang Basio Macunat by Fray Miguel Lucio y Bustamante


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 7


--Siya nga, p�, ang aquing sagot, doon aco,i, naligo canginang umaga,
at namaril acong tuloy nang caunting _oras_ sa manga tabing palayan.

Pagcatapos nitong aming pagbabatia,t, _pagcocomustahan_, ay pumanhic
na aco sa canilang bahay, at capagcaraca,i, sumigao si tandang Basio
nang gayon: �Silia! �Silia!... cunin mo yaong balutang natatabi sa
loob nang aquing caban, doon sa ilalim nang manga damit.

Pagca maya-maya,i, ito na si tandang Siliang may taglay ang naturang
balutan na iniabot sa caniyang asaua. Binuclat ni matandang Basio, at
hinango roon ang isang parang _librong_ munti, at ang uica niya sa
aquin:

--Ito, p�, aniya, ang casulatang sinabi co sa inyo cagabi. Cung
_gusto_, po, ninyong basahin, ay basahin, p�, ninyo, at cung ang
_gusto_ po, ninyo, na aco,i, siyang bumasa, ay babasahin co, p�.

--Cayo, na, p�, ang aquing sabi cay tandang Basio, cayo na, po, ang
bumasa, at paquiquingan co.

--Salamat, p�, cung siya ang inyong _gusto_. Subali,t, bago cong
sapulan ang pagbasa nito,i, mayroon, po, acong ipahahayag sa inyo.

--Cayo, p�, ang bahala; at aco,i, ayunayunan sa inyo.

--Salamat, p�, ang ulit nang matanda, at tuloy nag-uica sa aquin nang
gayon:--Ito pong casulatan, ay guinaua nang aquing tatay, at
palibhasa,i, siya,i, capoua co ring hangal, ay _segurong-seguro_ po,i,
maraming mapipintasan ninyong salitang hindi matotouid. Datapoua,t,
cung sa laman, p�, ay totoong-totoo ang nalalaman dini; at cung
caya,i, pinatotoohanan co, sapagca,t, inabot co at naquilala co rin
ang lahat nang tauong nasasambit dito sa tinatangnan cong _libro_.

--Houag, p�, cayong, ang sagot co; houag, po, cayong mag-alaala niyan
at nang anoman, at aco,i, isa ring hangal. Ang ibig co, p�, lamang ay
matalastas co ang laman niyang casulatang hinahauacan ninyo; caya,
cung baga minamatapat, p�, ninyo, ay inyong sapulan na.

--Cung ganoon, p�, ay inyo, pong paquingan, at aco,i, sasapol na.

--Pagcasagot nang ganito ni tandang Basio, ay lumapit siya sa ilao,
binuclat niya ang casulatan, pinahiran nang _pa�o_ ang caniyang mata,
suminga nang caunti, tumic-him pang dahan-dahan, at binasa niyang
tuloy itong manga susunod, na isinalin co dito sa _papel_, na ualang
culang at ualang labis:





IV


Buhay nang isang mag-anac na tagarito sa Tanay.

Sa taong sanglibo, ualong daan at labing tatlo,i, mayroon dito sa
bayan nang Tanay isang mag-anac na mayaman at mabait. Aapat silang
catauo: ang ama,t, ina baga, at dalaua nilang anac, bucod ang manga
alila.

Ang ngalan nang ama ay si D. Andr�s Baticot na _Cabezang pasado_, na
cung tauaguin dito,i, si cabezang Dales; ang pangalan nang ina, ay si
D.a Maria Dimaniuala, na cung tauaguin ay si cabezang Angi; at ang
ngalan naman nang canilang dalauang anac, ay si Prospero ang lalaqui,
at si Felicitas ang babayi, na cung tauaguin ay si Proper at si Pili.

Dito sa boong bayang ito,i, uala cayong ibang mariringig cundi manga
pagpupuri sa naturan cong manga tauo, palibhasa,i, mababanal sila,t,
masimbahin; maauain sa manga _pobre_ at mahihirap na tauo; masusunurin
sa manga utos nang Dios, nang Padre Cura, at nang manga Justicia na
cung sabihin co sa catagang uica at: ualang-ualang sucat ipagpintas sa
canila sa ano pa mang bagay.

Lumaqui itong dalauang anac ni cabezang Dales, at naguing bagong tauo
at dalaga, at baga man anac sila nang mayayaman, ay sila una-una,i,
gumugusar nang manga catungculan nang bagong tauo at dalaga sa
panahong yaon, sa _pagrorosario_ baga, sa pagsisimba cung sabado, sa
pagdarasal, sa paggamas sa _patio_ nang Simbahan, at sa iba,t, iba
pang ugaling gauin nang manga bagongtauo at dalaga.

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Mon 8th Sep 2025, 17:07