Si Tandang Basio Macunat by Fray Miguel Lucio y Bustamante


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 6

--Oo nga, p�, ang uica co; subali,t, pacatandaan, p�, ninyo, na ang
carunungan ay hindi nacacahalang sa anoman, cundi bagcus ay
nacatutulong sa atin sa maraming totoong manga bagay-bagay sa
caloloua,t, catauoan dito sa mundo.

--Tunay, p�, ang inyong sabi, ang ulit nang matanda; subali,t, aniya,
sa naquiquita co, p�, sa namamasdan co; at sa nababalitaan co, p�, sa
buhay cong ito,i, hindi co, p�, ibig na ang manga tagalog, ang mga
indo, alalaon, ay nagaral nang uicang castila.

Ang pinaniniualaan co, p�ng totoo at sinusunod co, ay ang casabihan
nang aquing namatay na am�, (�ingatan nang Panginoon Dios!) na ang
madalas na sabi niya baga, ay ganito: _Ang mga tagalog, ang mga indio
baga, aniya, na humihiualay caya sa calabao, ay ang cadalasa,i,
naguiguing masama at palamarang tauo sa Dios at sa Hari_.

Cung caya, po,i, sumam� ang loob co, at nagalit pa aco, nang sabihin,
p�, ninyo sa aquin, na cung ano,t, di aco n�g-aaral nang uicang
castila.

Tungcol, p�, sa manga bagay na ito,i, maraming-marami acong sucat
salitain sa inyo. Subali,t, p�, sapagca,t, hating gabi na ngayon,
tayo,i, lumigpit muna, cung baga minamatapat ninyo, at bucas, p�,
cung may aua ang P. Dios, ay sasalaysayin co, p�, sa inyo ang
lahat-lahat na isinasaloob co,t, inaabot nang aquing pag-iisip, bagay
dito sa ating pinag-usapan, at ipaquiquita co pa, p�, sa inyo ang
isang casulatan nang tatay co, na iniingatan co,t, itinatago sa
cailaliman nang aquing caban, tungcol sa nangyari sa isang mag-anac na
tagarito rin sa aquing bayan nang Tanay.

Nanag maringig co itong salita nang quinacaibigan cong matanda, ay
nagpaalam na aco sa caniya, at ang uica co lamang:

Maca, p�, cayo,i, nayayamot na sa aquin, dahilan sa pinupuyat co, p�,
cayong palagui?

--Hindi, p�, ang sagot ni mamang Basio, hindi, p�, aco nayayamot,
bagcus, po,i, malaquing malaqui ang toua cong maquipagsalita sa inyo,
palibhasa,i, cayo po,i, marunong cumilala nang catouiran co, � nang
hindi caya catouiran, at marunong din, po, cayong humalang sa aquin,
cung baga aco,i, nagcacamali....




III


Aco,i, umoui na; at nang dumating aco sa aquing tinutuluyang bahay, ay
guinuguni-guni cong palagui, na cung ano caya ang napapalaman sa
casulatang ipaquiquita sa aquing nang caquilala cong si tandang Basio.

Sari-sari ang napapasaisip co; at baga man pinapagpag co, ay hindi co
rin maitapon sa aquing calooban ang pagalaala nang naturan cong
casulatan; at dahilan dito,i, uala acong catulog-tulog niyong magdamag
na yaon.

Caya ang ibig co baga, at ang ninanasa cong totoo,i, sumicat na ang
arao, at lumubog tuloy, nang gumabi agad at macaquita aco at macabasa
nang inuulit cong casulatan. At, palibhasa,i, ang panahon ay ualang
catiguiltiguil sa caniyang paglacad, maigui man, � masama man ang
simoy nang hangin, � ang singao nang lupa, ay dumating din ang _oras_,
na tinutucoy co sa pagdalao sa aquing quinacaibigang matanda, at
agadagad ay naparoon aco sa caniyang bahay.

Nang aco,i, dumating sa bahay nang matanda, ay _nagrorosario_ pa
silang mag-anac; caya aco,i, nag-antay, at umupo aco sa liputan nang
bacuran, hangan sa natapos ang canilang _pagdarasal_.

Pagcatapos nang canilang dasal, ay sumungao si tandang Basio sa
_bintana_, at pagcaquita sa aquin, ay sumigao nang gayon:

--�Aba! �cayo, po, pala,i, naririyan! Cami, po,i, inyong patatauarin,
at cayo, po,i, pinaantay namin diyan sa hamogan.

--Uala, p�, ang sagot co, uala, p�, acong sucat na ipatauad sa inyo,
at uala, p�, cayong casalanan, sapagca,t, inaagapan co ang aquing
pagparito.

--�At _comusta_, p�, cayo? Cayo, p�, yata,i, naligo cangina sa bucal.

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Mon 8th Sep 2025, 12:46