Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza by Modesto de Castro


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 9

Sabihin mo cay ina, na di co sila nililimot sa harap�n ng Dios, at
malayo man aco ay hinihintay co ang canilang bendicion: Adios, Feliza,
hangang sa isang sulat.--URBANA.





SA SALITAAN.


_Si Urbana cay Felisa_--MANILA....

FELIZA: Sa malabis na cadun~goan nang man~ga bata cun quinacausap nang
matanda � mahal cayang tauo, ang marami ay quiquimiquimi at
quiquilingquiling, hindi mabucsan ang bibig turoan mo, Feliza, si
Honesto, na houag susundin ang ganoong asal, ilagay ang loob sa
cumacausap sagotin nang mahusay at madali ang tanong, at nang houag
cayamut�n.

Cung man~gun~gusap ay touirin ang catauan, ayosin ang lagay. Ang
pagsasalit� naman ay susucatin, huag magpapalamp�s nang sabi, humimpil
cun capanahonan, at nang huag pagsauaan. Cun naquiquipagusap sa
matand� ma,t, sa bata, ay houag magsabi nang hindi catotohanan, sa
pagca,t, ang cabulaanan ay capit sa tauong traidor o mapaglilo.

Ang pagsasalit� ay sasayah�n, ilagay sa ugali, itunt�ng sa guhit,
houag hahaluan nang cahambug�n, at baca mapara doon sa isang
nagsalitang hambog, na isinag�t nang causap. _F��, F��_, na ang
cahulug�n ay, habagat, habagat. Huag magpalamp�s nang sabi at baca
maparis doon sa isang palalo na sinag�t nang cahar�p: hintay ca muna
amigo,t, cucuha aco nang gunting at gugupitin co ang labis.

Sa paquiquipaghar�p, ay mabuti ang nagmamasid sa quinacausap, at cun
macaquita nang mabuting asal sa iba, at sa iba,i, cahan~galan, ay
dampotin ang cabaitan at itapon ang casam�n n~guni, ang nagcamali ay
houag alipustain, sapagca,t, ang magpautang nang masama, malao,t,
madali ay pagbababayaran.

Bago bigcasin ang bibig, ang sasabihin ay iisipin muna, at susundin
yaong hatol ni San Agustin ang minsang bibitiuan nang dila ay
paraaning macalaua sa quiquil, sa macatouid ay sa bait. Caiin~gat at
ang sabihing masama sa minsang mabitiuan, ay di na madarampot.

Sa pagsasalitat,i, houag cucump�scumpas, ilagan ang in~gay, at nang di
nacabibin~gi; masama rin naman ang totoong marahan, sapagca,t,
nacayayam�t sa quinacausap.

Houag magnanasang maghari sa salitaan at magsabi nang icapupuri sa
sariling catauan, sapagca,t, ang mapagmapuring tauo,i, buc�d sa di
pinaniniualaan, ay naguiguing catatauanan at pangalio sa salitaan.

Cun tumama nang isang hamb�g, ay houag salansan~gin paraaning parang
han~gin, at nang houag pagmulan nang usap.

Cun macatama nang isang matabil, na di nan~gan~gauit magsalit�, ay
maghunos dili sa gayong asal, ilagan ang catabil�n, sapagca,t,
nacayayamot sa causap. N~guni,t, cun masama ang matabil na lubha, ay
masam� rin naman ang magasal tan~g�, na nacatingal� na parang
napahuhula. Ilagan ang catabil�n, at ayon din ang catan~gahan.

Houag maghihic�b � magiinat, at nang di uicaing nayayam�t, �
pinauaualang halag� ang causap.

Sa pagbibiroan, ay houag bumigc�s nang masaquit na sabi, na sucat
damdamin nang causap. Ano pa n~ga,t, sa pagsasalita,i, angquinin yaong
refran na caraniuang sabihin: _ang masama sa iyo,i, houag mong gauin
sa capua mo tauo_.

Cun icao Feliza,i, may ipagdadalamhati, � iquinapopoot caya sa casama
sa bahay, at may pumanhic na tauo,i, huag cang magpahalat� nang
calumbayan � cagalitan; tipirin ang loob, sapagca,t, sa man~ga
desgracia � basagulo sa bahay, ay isang cagamutan ang lihim. At cun
may isang secreto � lihim, ay pacain~gatan mo, na parang isang
mahalagang hiyas.

Sa pagsasalita,i, houag magasal pus�ng � bobo, sapagca,t, cun tap�s na
ang toua at salit�, at pagisip-isipin ang guinaua, ay ang natitira,i,
cahihiyan at sisi sa loob na sarili.

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Tue 29th Apr 2025, 22:44