Main
- books.jibble.org
My Books
- IRC Hacks
Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare
External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd
|
books.jibble.org
Previous Page
| Next Page
Page 10
Cun may pumupuri sa iyo, ay di dinadaan sa tuy�, ay isaloob mo yao,i,
nagmul� sa caniyang magandang loob, at di sa inin~gat mong cabutihan,
at gantihin mo nang maraming salamat. Cun may pinupuri ca sa har�p, ay
iin~gatan mo ang pagbigc�s nang sabi at baca uicaing siya,i, tinutuy�
mo.
Huag ituturo nang daliri ang quinacausap; at cun sacali,t, matand�,
guino� � mahal, ay houag iparis sa iba, at uicaing casintand� mo �
casing taas mo.
Cun macaquita nang bata, ay huag pintasan at tauanan ang caniyang
cagandahan � capan~gitan, sapagca,t, pan~git man at magand�, ay gauang
lahat nang Dios; Gayon din naman, cun may ibang nagpaquita nang
canilang gau�, � magsaysay nang canilang abilidad � carunun~gan, ay
tapunan nang caunting puri, at palibhasa,i, siyang nasa.
Sa pagsasalita,i, cun may mamali � magalan~gan nang pagsasabi, ay
houag pan~gunahan. At cun macapansin nang calupit�n � iba cayang
capintasan, ay paraanin, at sucat ang ilagan.
Ang quinacausap, ay houag camamalasin na parang may sinisiyasat, at
houag namang italic�d ang muc ha, na parang pinauaualang halaga ang
quinacausap. Cun marami ang caharap, ay houag iisa lamang ang
tatapunan nang salit�, at tatalicd�n ang lahat, sapagca,t, mahahabag
sa sariling calooban. N~guni,t, cun may mataas na tauo sa m~ga causap,
ay siyang causapin, gayon man, ay di carapatang paualang halaga ang
iba.
Cun darating sa isang pagpulong ay houag magusisa cun anong
pinagsasalitaan, lalo, na at cun ibig ilihim.
Cun ang man~ga capulong iba,t, iba ang uri, may mataas, may mababa ay
babagayan naman ang isa,t, isa nang ucol sa paquiquipagusap, houag
magcuculang sa cani-caniyang calag�yan. Adios Feliza.--URBANA.
PARAAN NANG PAGSULAT.
MANILA.....
MINAMAHAL CONG CAPATID: Ang isang sulat ay isang pagsalin sa papel
nang na sa isip at sa loob, pinagcacatiuala, at nang matant� nang
pinagpapadalh�n.
Ang sulat ay isang salitaan sa papel, caya ang letra ay dapat linauan,
at ang pan~gun~gusap ay ilagay sa ugali.
Cun ang sinusulatan ay caibigan at capahayagan nang loob ay pahintulot
ang humaba ang sulat, at palibhasa,i, marami ang masasaysay.
Cun ang ibig sabihin sa sulat, ay isang bagay lamang, at ang
sinusulatan ay di caibigan, hindi catampatan ang magsaysay nang ibang
bagay.
Ang sulat, ay ibabagay sa sinusulatan, at gayon din ibabagay ang
paquiqui usap.
Iba ang sulat nang mata�s sa mababang tauo, at nang mababa sa mata�s;
iba ang sulat nang matanda sa bata, at nang bata sa matanda.
Ang gulang na cailan~gang gamitin nang bata sa matanda,i, hindi
cailan~gan sa sulat nang matand� sa bata; maliban na lamang, cun sa
bata ay may naquiquitang bagay na sucat igalang.
Ang di pagcatutong maghanay nang sulat, ang sumulat nang lihis sa
reglas nang arte; na ang tauag ay _gram�tica_, ay nagsasaysay na ang
sumulat ay culang sa pag aaral.
Salamat Feliza, at icao ay nagsaquit matut�; at si Honesto ay
pinagsasaquitan mo.
Ang sumulat nang lihis sa regla, ay capintas�n sa isang dalaga, at
lalong pansin sa man~ga lalaqui.
Ang papel na gagamitin, ay malinis at fino, lalo cun ang sinusulatan
ay di caratihan.
Previous Page
| Next Page
|
|