Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza by Modesto de Castro


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 11

Ang sulat, bago ipadala, ay sarhan at laguian nang sello.

Pagtangap nang sulat, cun sa biglaan, ay catampatang saguting madali,
at di man biglaan, ay dapat na sagutin, at ang di pagsagot, ay
nagsasaysay na tayo ay culang sa pinagaralan.

Ang bigc�s nang sabi, ay houag tataasan, at nang di mauica na tayo,i,
nagpapalalo: ilagay sa catatag�n at nang di icapintas sa atin.

May bago n~gayong caugalian na ang sobre � taquip nang sulat, ay bucod
na papel: ang sulat ay ipaloloob sa sobre, at sa licod ay di
sinusulatan nang n~galan nang pinadadalhan.

Ang pliegong gagamitin ay bo�, cahit man~ga ilang uica lamang ang
itatal� sa papel.

Bago sumulat, ay isipin muna; at nang di tayo macapagbigay poot;
lilinauan, at nang di i-ucol sa masama.

Cun maraming bagay ang sasabihin, ay pagbucdin-bucdin, at di dapat na
pagpisanin sa isang pitac: at sa pinacadaquila � mahalagang bagay ucol
na simul�n.

Ang letrang diquit-diguit na nacagugul�, ang dalauang uica na di
paghiualayin, ang n~galan nang tauo, ciudad � bayan na di punoan nang
muy�scula � letrang malaqui, ay pan~git sa isang lalaqui at capintasan
sa isang babaye; gayon ang alin mang mali na laban sa regla nang arte.

Ang pagticlop nang sulat, ang paglalagay nang oblea ay pagbubutihin,
at nang mahusay tingnan.

Ang lacre, ay na-aari rin namang ipagsar�, n~guni madaling masira; ang
obleang mabuting gamitin ay ang maliliit at maquiquintab.

Ang ticlop nang sulat ay matouid ang sa man~ga camahalan, na ang
bansag ay de _etiqueta_ at negocio, apat ang ticlop; sa itaas, sa
ibab�, sa caliua,t, sa canan; at sa man~ga babayeng mahal at
masisilang ay maquitid at maliit, gayon din ang manga billete.

Cun ang sinusulatan ay papel de _esquelas_, ang fecha ay ibaba nang
firma, at dacong caliu�.

Ang cumatcat nang letra sa sulat, ay nacarurumi sa papel at
nagbabansag nang di carunun~gan.

Salamat Feliza, at ang man~ga sulat ni Honesto na ipinaquita mo sa
aquin, ay malilinis, at alinsunod sa reglas nang arte.

Gayon man, tingnan nang capatid nating bunso ang regla sapagsulat na
ipadadala co.

Cay ama at cay ina, humahalic aco sa camay. In~gatan cayo nang
Pan~ginoong Dios.--URBANA.




REGLA SA PAGSULAT


MANILA....

FELIZA: Alinsunod sa sinabi co sa iyo na aco,i, magpapadala nang
reglas sa pagsulat, ipababasa mo cay Honesto itong m~ga casunod.

Pupunuan nang mayusculas ang m~ga pan~galan at apellido nang tauo,
caparis nang _Francisco Baltazar_; ang sa mga caharian, Ciudad, bayan,
provincia, bundoc, dagat, ilog, batis para nang _Espa�a Maynila,
Bi�ang, Batangas, Arayat, Oc�ano, Pasig, Bumbun~gan_; gayon din ang
n~galan nang carunun~gan, para nang _Teolog�a_, nang _Artes_, para
nang _Gram�tica, Poecia_; gayon din ang n~galan nang manga
catungculan, para nang _General, Papa, Arzobispo_.

Gayon man cun sa _Oraci�n_ � isang sabing bo� ang man~ga n~galan nang
carunun~gan, artes, at iba pang sinabi co, ay di pinacapan~gulo, ay
pupunuan nang letrang munti, caparis niton halimbauang casunod; si
_Benito_ at si _Mariano_ ay capoua nagaral sa pandayan.

Feliza, turuan si Honesto nang matutong maglagay sa sulat nang man~ga
notas � tanda. Ang man~ga notas ay ito: _Coma_ (,): _Punto y coma_(;):
_Dos puntos_ (:): _Admiracion_ (!); _Interrogacion_ (?): _Par�ntesis_
(): _Puntos suspensivos_ (::::): _Etc�tera � Etc�tera_ (&c.):
_Acentos_ (���): _Rayas � comillas_--�.

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Wed 30th Apr 2025, 4:10