Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza by Modesto de Castro


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 12

Ang _Coma_, ay ilalagay sa man~ga pag-itan nang man~ga pan~galan:
_Vito, Teodoro, Pedro_; gayon din sa pag-itan nang baua,t, isang
Oraci�n, cun di pa tapos, ang cahulugan nang ibig saysayin; para
nitong halimbauang casunod; si Eva,i, tinocso nang demonio, ay
nagcasala sa Dios, at si Eva naman ang humicayat cay Adan.

Ang _Punto_ ay ilalagay sa catapusan nang _Oraci�n_; cun dito,i,
nabobuo, ang cahulugan nang ibig nating sabihin sa papel.

Ang _Punto y Coma_, ay tanda nang pagcacaiba � pagcacalaban nang
cahulugan nang magcacasunod na sabi � _Oraci�n_, caya sa pag itan
ilalagay itong man~ga uicang _datapuoa, n~guni, gayon man_, Tingnan
itong halimbaua: _ang tauo,i, binig-yan nang Dios nang bait at loob;
n~guni,t, sumuay sa caniyang man~ga utos_.

Ang dalauang _Punto_, ay inilalagay, at nang maalaman na hindi pa
tapos ang ating ibig sabihin ay ga uari tapos na; inilalagay, at ang
cahulugan ay may cahulugan pa. Tingnan itong halimbaua: _ang man~ga
cahatul�n nang Santo Evangelio_, ay Santo; at laban sa cahatulan nang
mundo.

Ang _Par�ntesis_, ay inilalagay sa puno at dulo n~g _Oraci�n_, na
nagpapalinao nang sabi; n~guni,t, cun alisin man ay di nacasisira nang
cahulugan. Tingnan itong halimbaua: _cun icao ay magcasala (houag din
nauang itulot nang Dios,) ang gamot, ay ang magsisi_.

Ang _Interrogaci�n_, ay parang S na baligtad, at sa ulo,i, may punto;
inilalagay sa isang tanong. Tingnan itong halimbaua: �_Icao ay
cristiano na_?

Ang _Admiraci�n_, isang tanda na nagpapaaninao nang tunog na ibig
nating ibigay sa pagtataca � daing; ang tanda, ay isang guhit na
patindig, sa ulo ay may punto; caparis nitong halimbaua: �_Ay at
aco,i, napahamac �Laquing caulul�n nang tauong nan~gan~gahas
magcasala_!

Ang _Puntos suspensivos_, ay inilalagay, at ang cahulugan, ay ang
cahatulang guinagamit natin, ay di sarili, cun di sa iba: quinucuha
ang cailan~gan at iniiuan ang hindi. Inilalagay rin naman sa pinuputol
na sabi, at di itinutuloy caparis nito; _dan~gang pinanonood tayo nang
Dios ay_:::

Ang uicang _Etc�tera_, na ang tanda ay ito _&c._ ang cahulugan, ay ang
ating sinaysay, ay sucat na, iniiuan ang iba, at nang di macasam�.

Ang _Acentos_, ay man~ga guhit na para nito ��� na cung ilagay sa
ibabao nang vocal, humahaba, � diyan binibigatan ang bigcas nang sabi.
Tingnan dito sa dalauang uica: _H�ba, Hab�_.

Ang man~ga _Comillas � Rayas_, ay nagsasaysay na ang lahat na talata
na may lagay sa guilid, ay sipi sa iba; guinagamit, at pangtibay sa
ipinahahayag sa atin.

Ang _Guion_, ay nalisan co. Ito,i, isang guhit na pahig�, na
inilalagay sa dulo nang talata. Cun ang isang uica,i, hindi magcasiya
sa talata, ay binabahagui sa dalauang magcasun�d. Ang sang bahagui ay
sa itaas, ang isa,i, sa casun�d, at sa pag-itan nang uica, ay may
_Guion_, � guhit, para nito: _May-nila, Mali-bay_.

Ang _Punto_ naman, ay naquiquilala sa tandang ito [.] Inilalagay, cun
buo,t, tapos na ang caisipan natin, na ibig nating isaysay sa isang,
oraci�n, at ang casunod pinupunuan nang letra _May�scula_.

Cun mangyayari disin, ay dapat pagsaquitan n~g man~ga maestros at
maestras na ang man~ga batang escuela, ay matutong bumasa nang sulat;
at sumulat, bucod sa ibang bagay na dapat ituro. Hindi ang maca yari
lamang nang letra, cun di maca sulat nang tap�t.

Ang sulat na lihis sa reglas, ay bucod sa nacaiinip basahin, ay
nacasisira nang cahulugan, at nagsasabi ang di caalamang sumulat.

Ituro mong magaling, Feliza, cay Honesto itong man~ga reglas na aquing
padala sa iyo, at marahil ay hindi lamang siya ang maquiquinabang.
Isulat mo sa aquin cun caniyang sinusunod. Adios capatid co.--URBANA.





TAPAT NA CASIPAGAN NANG BATA SA PAGAARAL

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Wed 30th Apr 2025, 7:49