Main
- books.jibble.org
My Books
- IRC Hacks
Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare
External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd
|
books.jibble.org
Previous Page
| Next Page
Page 13
PAOMBONG....
URBANA: Tinang�p co ang man~ga sulat mo aco,i, napapasalamat sa iyo at
cami ni Honesto ay pinagsasaquitan mong matuto.
Aquing iniutos sa caniya na pagaralan itong man~ga reglas na padala
mo; tinangap nang boong toua at nagsaquit magaral. Sa caniyang
pagpipilit ay natuto; at ang uica mo na di lamang siya ang
maquiquinabang ay pinatutuhanan. Nang matutuhan na, ay itinuturo naman
sa iba; at palibhasa,i, ang magaling ay hindi matahimic sa isa cun di
sa calahatan. N~gayon ang man~ga escuela,i, nagcacahayahan,
nagpapaquitaan nang cani-canilang sulat at cun may mabating mali nang
capoua bata, ay binabago ang sulat. Ang sulat cong ito ay letra ni
Honesto. Adios Urbana.--FELIZA.
SA CATUNGCULAN SA BAYAN.
_Si Urbana cay Feliza_.--MANILA ...
FELIZA: Si Honesto,i, cun macatapos na nang pag-aaral matutong bumasa
nang sulat, sumulat, cuenta at dumating ang capanahunang lumagay sa
estado, ay di malayo ang siya,i, gauing puno sa bayan, caya minatapat
co sa loob na isulat sa iyo ang caniyang aasalin, cun siya,i, magca
catungculan, at ang sulat na ito,i, in~gatan mo at nang may
pagcaaninauan cun maguing cailan~gan. Ang m~ga camahalan sa bayan, ang
cahalimbaua,i, corona na di ipinagcacaloob cun di sa may carapatan,
caya di dapat pagpilitang camtan cun di tanguihan, cun inaacala na di
niya icamamahal, sa macatouid, cun di mapapurihan ang camahalan. Ang
corona, camahalan at caran~galan, ang dapat humanap nang ulo na
puputungan, at di ang ulo ang dapat humanap nang coronang ipuputong.
Ang caran~galan, sa caraniuan, ay may calangcap na mabigat na
catungculan, caya bago pahicayat ang loob nang tauo sa pagnanasa nang
caran~galan, ay ilin~gap muna ang mata sa catungculan, at
pagtimbangtim, ban~gin cun macacayanang pasanin. Pagaacalain ang
sariling carunun~gan, cabaitan at lacas, itimbang sa cabigatan nang
catun~gculan, at cung ang lahat nang ito,i, magcatimbang-timbang, saca
pahinuhod ang loob sa pagtangap nang catungculan, n~guni hindi rin
dapat pagnasaan at pagpilitang camt�n, cun di ang tangapin, cun
pagcaisahan n~g bayan, at maguing calooban nang Dios.
Ang magnasang magcamit nang camahalan sa bayan, sa caraniuan ay hindi
magandang nasa, sapagca ang pinagcacadahilanan ay di ang magaling na
gayac nang loob na siya,i, paquinaban~gan nang tauo, cun di ang siya
ang maquinabang sa camahalan; hindi ang pagtitiis nang hirap sa
pagtupad nang catungculan, cun di ang siya,i, maguinhauahan; hindi ang
siya,i, pagcaguinhauahan nang tauo cun di ang siya,i, paguinhauahin
nang tauong caniyang pinagpupunoan.
Ang masaquim sa camahalan, sa caraniuan ay hindi marunong tumupad nang
catungculan, sapagca,t, hindi ang catungculan, cun di ang camahalan
ang pinagsasaquiman; salat sa bait, sapagca,t, cun may inin~gat na
bait, ay maquiquilala ang cabigatan, ay hindi pagpipilitan cun di
tatanguihan, caya marami ang naquiquitang pabaya sa bayan, ualang
hinaharap cun di ang sariling caguinhauahan; ang mayaman ay
quinacabig, at ang imbi ay ini-iring. Caya Feliza, in~gatan mo si
Honesto, pagdating nang capanahonan, tapunan mo nang magandang aral,
nang houag pumaris sa iba na ualang iniisip cun di ang tin~galin sa
caibuturan nang camahalan, sucuan igalang at pintuhoin nang tauo sa
bayan.
Huag limutin ni Honesto, na ang caran~galan sa mundo, ay para rin nang
mundo, na may catapusan; ang fortuna � capalaran nang tauo, ay tulad
sa rueda na pipihit-pihit, ang na sa itaas n~gayon, mamaya,i,
mapapailaliman, ang tinitin~gal� n~gayon, bucas ay mayuyuracan, caya
hindi ang dapat tingnan lamang, ay ang panahong hinaharap, cun di
sampo nang haharapin. Itanim mo sa caniyang dibdib, ang pagtupad nang
catungculan, na sacali ay tatangapin niya, sapagca,t, may pagsusulitan
may justicia sa lupa,t, may justicia sa lan~git; ang malisan nang
justicia rito, ay di macaliligtas sa justicia nang Dios.
Houag magpalalo, sapagca,t, ang puno at pinagpupunoan, ay di man
magcasing uri, ay isa rin ang pinangalin~gan, isa ang pagcacaraanan at
isa rin naman ang caoouian; Dios, ang pinangalin~gan magdaraang lahat
sa hocoman nang Dios at Dios din naman ang caoouian.
Previous Page
| Next Page
|
|