Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza by Modesto de Castro


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 14

Houag magpaquita nang calupitan sa pagnanasang igalang nang tauo,
sapagca,t, hindi ang catampalasanan, cun di ang pagtunton sa matouid,
at pagpapaquita nang magandang loob, ang iguinagalang at minamahal
nang tauo. Mahal man, at cun malupit, ay di mamahal, cun di
quinalulupitan, at pagca talin~gid ay pinag lililohan nang caniyang
pinaglulupitan. Ang capurihan nang mahal na tauo ay na sa pagmamahal
sa asal, at pagpapaquita n~g loob, paninihag nang puso nang tauo;
n~guni ang pagmamalaqui at pagmamataas, ay tandang pinagcacaquilanlan
nang caiclian nang isip, at pinagcadahilan nang pagcapoot nang
caniyang capoua.

Cailan ma,i, houag lilimutin nang puno ang caniyang catungculan,
lumin~gap sa lahat, mahal man at hindi, sapagca,t, cun ang paglin~gap
niya ay laganap sa lahat, ay di lamang siya ang mamahalin nang tauo,
cun di sampo nang caniyang familia, at sa panahon nang caguipitan, ay
di magpapabaya ang caniyang pinagpaquitaan nang magaling.

Pacatatandaan, na ang isang guinoo, � mahal na marunong tumupad nang
catungculan, tapat na loob sa m~ga caibigan, mapagampon sa man~ga
mabababa, maauain sa mahirap, ang ganitong mahal ay ligaya at
capurihan nang bayan, at hari nang lahat nang pus�. Sa catagang
uica,i, ang tunay na camahalan, ay na sa pagmamahal sa asal, at
paggaua nang magaling.

Unti-unti, Feliza, na ipaquiquilala mo cay Honesto ang cahalagahan
nang mahal na asal, nan pag-tunt�n sa matouid at cagandahan nang loob.
Ital� mo sa caniyang dibdib, na ang b�culo trono, corona ma,t, cetro
ay ualang halaga, cun di napapamutihan nitong mahahalagang hiyas,
Ipahayag mo cay ama,t, cay ina ang cagalan~gang co sa canila. Adios,
Felisa, hangang sa isang sulat.--URBANA.





PAGIIBIGAN.


_Si Urbana cay Feliza_.--MANILA....

FELIZA: Ang marunong maquipagcapua tauo, saan saan ma,i,
pinacamamahal, at isang tandang pinagcacaquilanlan, na may
pinagaralang bait. Sa paquiquipagusap nang isang pinagpupunoan sa
caniyang puno, ay di lubhang maquiquilala ang marunong maquipagcapoua
tauo, sapagca,t, sa tacot � sa alang alang, ay nacapagpapangap nang
mahal na asal na uala sa dibdib, n~guni,t, sa paquiquisama, � sa
paquiquipag-usap sa caniyang caparis, ay diyan naquiquilala ang
marunong maquipagcapoua tauo, at ang hindi; ang may mahal na asal, �
asal timaua, ang may tapat na loob, at ang lilo, ang may pinagaralang
bait, at ang ual�, sapagca,t, ang uala ay capag nalin~gat, ay
nailoloual ang laman nang puso dahil sa pagpalagayan nang loob.

Sa pagpapalagayan nang loob ay di na cailan~gan sundin ang man~ga
ceremonias at cagalin~gang ucol sa man~ga puno; n~guni, bagay-bagay
rin naman ang pagpapalagayan nang loob. Cung sumisinsay na sa matouid,
na pinagcacadahilanang ipahayag sampo nang casalaulaan; ito,i, isang
caasalang nauucol lamang sa tauong sal�t sa cabanalan at sa calinisan,
caya malaqui man ang pagiibigan ay di dapat iloual ang boong nasa sa
loob. May isa namang pagpapaquita nang loob na may halong pag-imbot,
na di ang hinahan~gad ay ang tunay na pagiibigan, cun di ang siya,i,
maquinabang sa tinatauag na caibigan. �Malupit na pagibig na laban sa
mahal na asal! Ang man~ga caibigan ito ay maipaghahalimbaua sa alamid,
na nagdaya sa ouac, na sinasalita sa F�bula: May isang ouac na
nagnacao nang queso,i, napailanglang nang lip�d at tumuntong sa san~g�
nang mataas na cahoy. Nang maquita nang alamid ang queso sa bibig, ay
binati nang boong galang at quinausap. Di macacailan, aniya na aquing
narinig, na sa balita,i, di sucat na maniuala, n~gayon co natanto na
ang sabing ito,i, may catotohanan. Di anhin ang sabi, icao, sacdal
itim, mapanood quita,i, mauiuica cong maputi capa sa busilac: daig mo
ang cisne talo mo ang yedra, at cun sa huni disin, ay dadaiguin mo ang
man~ga ibon, para nang pagdaig mo sa culay nang balahibo, ay uiuicaing
co, na icao ang hari nang lahat nang ibon. Sa ganitong puri ay
napa-ilanglang ang isip nang ouac, pinagbuti ang tayo, ipinamayagpag
ang pacp�c, at sinabayan nang huni, nabucsan ang tuc�; nalaglag ang
queso,i, quinain nang alamid. Sa ang ouac ay magcagayon, ay nagdal�
nang malaquing hiya, at naquilala na siya,i, inaring ulol, at
pinagdayaan nang alamid.

May pagpapalagayan nang loob, na bun~ga nang tapat na pagiibigan.
Sasaysayin co Feliza, ang man~ga regla na dapat alinsunurin.
Magbibigay luh�d sa casama � caibigan, pagbibigyang honor � puri,
n~guni ang pagbibigay ay tapat sa loob, at di paimbabao. Houag
magnasaang pintuhoin at igalang nang caibigan cun di mamahalin, na
para nang pagmamahal niya sa sarili. Hindi ang isa lamang ang
magpapaquita nang loob, cun di capoua magpapaquitaan. Hindi
maghahanapan nang cagalan~gang ucol sa naquiquilalang puno;
datapoua,i, ibinabaual naman ang calapastan~ganan. Cun ang isa,i,
naquiquitaan nang casiraan, ay dapat sabihin nang isa, nang banayad at
mahusay na sabi, nang houag mapulaan ang caibigan; dapat naman
tangapin nang pinagsasabihan ang magandang hatol nang nagtatapat loob
sa caniya. Cun ang caibigan ay maquitaan nang cabaitan at tapat na
loob ay pagsasangunian, at di naman dapat pagcaitan nang magandang
hatol ang nunuhang sanguni. Cun ang isa,i, pinaguupasalaan, ay dapat
ipagtang�l nang nacaririnig na caibigan, ipahahayag ang caniyang
cabutihan at nang houag masiraan nang puri. Maglilingc�d at sasaclolo
sa panah�n nang caguipitan at casacunaan; sa catagang sabi,i, ang
caibigan ay naquiquilala, sa bilangoan sa saquit at sa camatayan. Ang
pagiibigan, ay isang caguilio-guilio na tanicalang guint�, na tumatali
sa dalauang pus�; n~guni,t, mahirap hanapin, at palibhasa,i,
mahalagang tanical�. Caiin~gat si Honesto sa pagiibigan, malasin cun
sino ang pinagcacatiualaan nang caniyang puso; tingnan cun tap�t na
loob, mahal na asal, may pinagaralang bait, marunong sumaclolo sa arao
nang panganib at cun maquita niya itong may man~ga halagang hiyas saca
naman ipagcatiuala ang caniyang loob. N~guni, at cun sa bala na, ay
maquiquipagibigan cun masaui sa pal�d na tumama nang malupit na asal,
salat sa cabaitan, ualang hinahan~gad cun di ang sarili niyang
paquinabang, ay mapapahamac ang canilang buns�; masisira ang magandang
asal na tinangap sa ating magulang, at matatapos ang cabaitang sa
iyo,i, pinagaralan.

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Tue 2nd Dec 2025, 17:11